Mga Sebwano
Mga lalaking Cebuano na naglingkod bilang mga guwardiya noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa panahon ng mga Amerikano. | |
| Kabuuang populasyon | |
|---|---|
| 8,683,525 (2020)[1] | |
| Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
| Pilipinas (Gitnang Kabisayaan, Negros Oriental, Masbate, kanlurang bahagi ng Silangang Kabisayaan, malaking bahagi ng Mindanao) Buong mundo | |
| Wika | |
| Wikang Sebwano, Ingles, Tagalog, atbp. | |
| Relihiyon | |
| Kristiyanismo: Karamihan ay Katolikong Romano. Ilan sa minorya: Aglipayano, Protestantismo, Islam, Budismo, Hinduismo, Taoismo. | |
| Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
| Mga Boholano, mga Hiligaynon, mga Waray, iba pang mga Bisaya, at iba pang mga Austronesyo |
Ang mga Sebwano[2] ( Sebwano: Sugbuanon), o mga Cebuano[3] o mga Sugbuhanin[4], ay isang pangkat etnikong mula sa Kabisayaán na pangunahing matatagpuan sa pulo ng Cebu at bumubuo sa ikalawang pinakamalaking kabagayan ng mga tao ayon sa wika sa Pilipinas.
Nagmula ang mga ito sa lalawigan ng Cebu sa bahaging Gitnang Kabisayaan, ngunit kalaunan ay kumalat sa ibang mga bahagi ng Pilipinas, tulad ng Siquijor, Bohol, Negros Oriental, timog-kanluran ng Leyte, kanlurang Samar, Masbate, at malaking bahagi ng Mindanao. Maaaring tumukoy din ito sa pangkat etniko na nagsasalita ng iisang wikang Sebwano o "Bisayâ" bilang kanilang katutubong wika sa iba't ibang bahagi ng kapuluan. Ang tawag na Sebwano o Cebuano ay tumutukoy din sa mga taong naninirahan sa pulo ng Cebu ano man ang lahi.[5]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pinakaunang tala mula sa mga Europeyo tungkol sa mga Sebwano mula sa sulatin ni Antonio Pigafetta ng Ekspedisyon ni Magellanes. Nagbigay siya ng ilang paglalarawan ng kanilang mga kaugalian pati na rin ang mga halimbawang salita wikang Sebwano.[6][7] Napatay si Fernando de Magallanes sa Cebu, kilala noong panahon na iyon bilang Sugbo, noong Labanan sa Mactan laban sa pwersa ni Lapulapu.[8][9]
Nang maglaon, tinukoy ng mga sinaunang kolonyalistang Kastila ang mga Sebwano (at iba pang Bisaya) bilang mga pintados ("mga pininturahang tao"), dahil sa kanilang malawakang kaugalian sa pagtatatu bilang paraan ng pagtala ng kanilang karanansan sa labanan.[9]
Kultura at mga kasiyahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karamihan sa mga Sebwano ay Katolikong Romano, at marami sa mga nasa kanayunan ang pinagsasama ang Katolisismo at katutubong relihiyong Bisaya. Mayroong minorya ng mga Sebwano (partikular yaong nasa Mindanao) na Muslim (bunga ng kanilang ugnayan sa mga Moro), o sa mga pamilyang may halong dugong Tsinong Sebwano, ay isinasama ang mga paniniwalang Katoliko sa ilang aspeto ng Budismo o Taoismo.[10] Isang kamakailang pag-aaral sa henetika ang nakatuklas na 10–20% ng pinagmulan ng mga Sebwano ay mula sa lahing Timog Asyano (Indiyano),[11] na itinakda sa panahong bago dumating ang mga Kastila kung kailan ang Cebu ay nagsasagawa ng Hinduismo.[12] Samantala, ayon sa mga senso ng tributo noong panahon ng Kastila, bumubuo ang mga Kastilang Pilipino ng 2.17% ng naitalang populasyon ng mga Sebwano.[13]
Kabilang sa mga kilalang pagdiriwang sa pulo ang Pista ng Sinulog[14], na isang pagsasama ng mga elementong Kristiyano at katutubong kultura, at ipinagdiriwang taun-taon tuwing ikatlong linggo ng Enero.
Wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang wikang Sebwano ay sinasalita ng mahigit dalawampung milyong tao sa Pilipinas at ito ang pinakalaganap sa mga wikang Bisaya. Karamihan sa mga nagsasalita ng Sebwano ay matatagpuan sa Cebu, Bohol, Siquijor, timog-silangang bahagi ng Masbate, Biliran, Kanluran at Katimugang Leyte, silangang bahagi ng Negros, at sa malaking bahagi ng Mindanao maliban sa Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao. Tulad ng ibang mga pangkat-etnolingguwistiko sa Pilipinas, ang Tagalog (Filipino) at Ingles ay sinasalita rin ng mga Sebwano bilang mga pangalawang wika.
Sa kabila ng pagiging isa sa pinakamalalaking pangkat etniko, ang mga Sebwano sa labas ng kanilang tinubuang-bayan ay karaniwang mabilis matuto at matatas magsalita ng mga wikang katutubo sa mga lugar na kanilang nilipatan at pinaninirahan, kasabay ng pagpapanatili ng kanilang sariling wika. Sa Negros Occidental at Soccsksargen, sinasalita at nauunawaan ng mga Sebwano ang wikang Hiligaynon. Sa Sagay at mga karatig-bayan ng Negros Occidental na nakaharap sa Iloilo at Cebu, at sa mga bayan na katabi ng Negros Oriental, Bukidnon, at Davao del Sur, karaniwan nilang ginagamit ang halo ng wikang Sebwano at Hiligaynon.
Sa Zamboanga City at sa Rehiyon ng Caraga, matatas sa Chavacano ng Zamboanga, Butuanon, at Surigaonon ang mga Sebwano roon, na ang huling dalawang wika ay malapit na kaugnay ng Sebwano. Iba-iba rin ang antas ng kanilang kasanayan sa iba’t ibang wikang Lumad, sa mga wikang Danaw, Tausug (na lingguwistikong kaugnay ng Sebwano), Yakan, at Sama. Ang mga wikang ito ay katutubo sa mga pook na tinitirhan din ng mga Sebwano, at kadalasang kanilang kinapapalooban at pinapakisamahan ang mga katutubo. Sa mas mababang antas, marunong din sila ng Iloko (wikang nagmula sa Ilocandia), na ginagamit din sa Soccsksargen at sa iba’t ibang bahagi ng Bukidnon, Misamis Oriental, Caraga, Zamboanga Sibugay, at Davao Region.
Sa Masbate at Silangang Kabisayaan, ang mga Sebwano ay nakakapagsalita rin ng Masbateño, isa sa mga wikang Bikol, at ng Waray.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Ethnicity in the Philippines (2020 Census of Population and Housing)". Philippine Statistics Authority. Nakuha noong July 4, 2023.
- ↑ "Sebwáno – KWF Repositoryo". Nakuha noong 2024-11-11.
- ↑ Fortunato, Teresita (2017-10-02). Mga Pangunahing Etnolinggwistikong Grupo sa Pilipinas. Anvil Publishing, Inc. ISBN 978-971-27-2742-9.
- ↑ Masolong, Juan (c. 1616). Salita ni Don Juan Masolong ... sa panahong pagdating ng Kastila dito sa kapuluan sa Luson. p. 22.
- ↑ "Cebuano". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong October 28, 2009.
- ↑ Donald F. Lach (1994). Asia in the Making of Europe, Volume I: The Century of Discovery. University of Chicago Press. pp. 175, 635–638. ISBN 9780226467320.
- ↑ Sebastian Sta. Cruz Serag (1997). The Remnants of the Great Ilonggo Nation. Rex Bookstore, Inc. p. 95. ISBN 9789712321429.
- ↑ Blair, Emma Helen (August 25, 2004). The Philippine Islands. The Project Gutenberg EBook of The Philippine Islands, 1493-1803, Volume II, 1521-1569, by Emma Helen Blair. p. 126, Volume II. [EBook #13280].
- ↑ 9.0 9.1 Paul A. Rodell (2002). Culture and Customs of the Philippines. Greenwood Publishing Group. p. 50. ISBN 9780313304156.
- ↑ "Culture and Lifestyle". Cebu Province official website. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-01. Nakuha noong 2018-11-13.
- ↑ Delfin, F., Min-Shan Ko, A., Li, M., Gunnarsdóttir, E. D., Tabbada, K. A., Salvador, J. M., Calacal, G. C., Sagum, M. S., Datar, F. A., Padilla, S. G., De Ungria, M. C. A., & Stoneking, M. (2014). Complete mtDNA genomes of Filipino ethnolinguistic groups: a melting pot of recent and ancient lineages in the Asia-Pacific region. European Journal of Human Genetics, 22(2), 228–237.
- ↑ Kuizon, Jose G. (1962). The Sanskrit loan-words in Cebuano-Bisayan language and the Indian elements to Cebuano-Bisayan culture (Tesis). University of San Carlos, Cebu. OCLC 3061923.
- ↑ ESTADISMO DE LAS ISLAS FILIPINAS TOMO SEGUNDO By Joaquín Martínez de Zúñiga (Original Spanish)
- ↑ "Cebu Philippines Festivals, Fiestas and Cultural Event". eTravel Pilipinas-Discover the Wonders of Island Paradise. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-11. Nakuha noong 2009-11-18.