Mga Waray
Kabuuang populasyon | |
---|---|
4,106,539 (2020)[1] (3.8% ng populasyon ng Pilipinas) | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
Pilipinas (Silangang Bisaya, silangang bahagi ng Masbate, Caraga, Sorsogon, at Kalakhang Maynila) | |
Wika | |
Waray, Sebuwano, Tagalog, Ingles | |
Relihiyon | |
Nakakarami ang mga Kristiyano (Katoliko) | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Ibang mga Bisaya at mga pangkat etniko sa Pilipinas |
Ang mga Waray (o ang mga Waray-Waray) ay isang subgrupo ng mas malaking pangkat etnolinggwistiko na mga Bisaya, na ang ikaapat na pinamalakaing pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas.[2] Ang wikang Waray (tinatawag din na Lineyte-Samarnon o Binisaya) ay ang pangunahing wika nila. Ito rin ay isang wikang Austronesyo na katutubo sa kapuluan ng Samar, Leyte at Biliran, na kapag pinagsama-sama ay tinatawag na Rehiyon ng Silangang Bisaya ng Pilipinas. Nakatira ang mga Waray sa karamihan ng Samar kung saan tinatawag silang mga Samareño/mga Samarnon, ang hilagang bahagi ng pulo ng Leyte kung saan tinatawag silang mga Leyteño, at ang pulo ng Biliran. Sa pulo ng Leyte, nahihiwalay ang mga nagsasalita ng Waray sa mga nagsasalita ng Sebuwano sa pamamagitan ng mga bulubundukin ng pulo sa gitna.
Sa pulong-lalawigan ng Biliran, nakatira ang mga nagsasalita ng Waray sa silangang bahagi na nakaharap sa mga pulo ng Samar, at Maripipi; tinatawag karaniwan ang diyalekto nila ng Waray bilang Biliranon.[3][2] Sa pulo ng Ticao, kabilang sa lalawigan ng Masbate, sa Rehiyong Bikol, nakatira ang mga nagsasalita ng Waray sa karamihan ng pulo, at tinatawag silang bilang mga Ticaonon.[4] Bagaman, kinikilala ng mga Ticaonon ang kanilang sarili bilang kasama ng mga nagsasalita ng Masbateño ng Masbate, dahil kaprobinsya nila sila.[4] Ang wikang Bikol ay mas marami pang bokabularyo sa wikang Waray kaysa sa iba pang mga wikang Bisaya (tulad ng Sebuwano o Ilonggo).[4]
Demograpiya
Ang mga Waray ang bumubuo ng mayorya ng populasyon ng mga lalawigan ng Silangang Samar, Hilagang Samar, at Samar habang binubuo nila ang makabuluhang populasyon sa Leyte, Katimugang Leyte, Biliran, at Sorsogon. Ayon sa senso ng 2010, nasa 3,660,645 ang populasyon ng Waray.[5] Tinataya ng Encyclopedia Britannica na aabot ang populasyon ng Waray sa 4.2 milyon sa unang bahagi ng ika-21 siglo.[6] Bagaman, nahayag sa isang binagong senso ng Pilipinas noong 2020 na binubuo ang mga Waray ng mga 4.1 milyon lamang,[1] na kulang ng mga 100,000 sa taya ng Encyclopedia Britannica.
Katoliko ang karamihan sa mga Waray, na may minoryang Protestante, Muslim, mga paniniwalang tradisyong Waray, o walang relihiyon. Tinatayang nasa 99% ng mga Waray ang Kristiyano, na 4.69% dito ay mga Ebanheliko.[7]
Kasaysayan
Sang-ayon sa mananalaysay at Pilipinolohista na si William Henry Scott, matatagpuan ang mga unang mga tao sa rehiyon ng Silangang Bisaya sa mga yungib ng Sohoton sa Basey, Samar, noong mga 8,550 BC.[8][9][2] Natagpuan ang mga kagamitang pira-piraso na yari sa bato sa may Ilog Basey bilang patunay na mayroon ngang mga tao noong panahon na iyon.[2] Ginagamit ang mga kagamitan na ito ng mga mangangaso-nagtitipon hanggang sa ika-13 dantaon.[2]
Nagmula ang mga Waray sa mga mandaragat na mga Austronesyo na nanirahan sa kapuluang Pilipinas simula noong Panahon ng Bakal.[10] Bago dumating ang mga Kastila sa rehiyon, mayroon na ang mga Waray ng kumplikadong sistemang pangkalinangan at sosyo-politikal, at nakikipagkalakalan sa mga Tsino, taga-Borneo at Malay.[2] Noong 1521, ang mga Waray sa silangang Baybayin ng Samar, na tinatawag ang sarili bilang Ibabaonon,[11] ay ang unang mga tao sa kapuluang Pilipinas na nakita ng mga Europeo sa ekspedisyon na pinamunuan ng manggagalugad na Portuges na si Ferdinand Magellan.[10] Ayon sa tagadokumento ni Magellan na si Antonio Pigafetta, unang nilang nakita ang mga katutubo sa dagat malapit sa Pulo ng Suluan.[2]
Ang mga Waray ay ang unang mga katutubo mula sa kapuluang Pilipinas na naging mga Kristiyano. Sa kabalintunaan, sila rin ang mga huling pangkat-etnikong Pilipino na pinatili ang mga katutubong kasanayan kaagapay ng Romano Katolisismo.
Kalinangan at tradisyon
Wika
Nagsasalita ang mga Waray ng wikang Waray, isang pangunahing wikang Bisaya. Nagsasalita din ang karamihan sa kanila ng Ingles, Tagalog, at/o Sebuwano bilang pangalawang mga wika. Ilang mga may lahing Waray ay nakakapagsalita ng Waray bilang kanilang ikalawa o ikatlong wika, lalo na yaong mga lumipat sa Kalakhang Maynila, ibang bahagi ng Pilipinas, at kahit saan mang panig ng mundo.
Tumutukoy ang "Waray" sa parehong tao at wika ng Samar at Leyte,[12] at nangangahulugan ito bilang "wala" sa wikang Waray. Hindi malinaw kung papaano naging pangalan ito ng wika.[2] Sang-ayon sa Sanghiran sang Binisaya (Lupon para sa mga Wikang Bisaya), ang pormal na pangalan ng wika ay Lineyte-Samarnon o Binisaya.[7][2] Bagaman, ang kolokyal na katawagang "Waray" ang naging opisyal na katawagan sa kalaunan.[2]
Nakakarami ang nagsasalita ng Waray sa Pulo ng Samar na may nagsasalita ng Sebuwano sa ilang lugar ng pulo.[2] Bawat lalawigan sa Samar ay may isang naiibang baryante ng Waray na maaring ipagkaiba sa pamamagitan ng mga barayasyon sa bokabularyo, tono, at punto.[2] May sariling pangalan ang bawat baryante; tumutukoy ang estehanon sa Waray ng Silangang Samar, ang nortehanon sa Waray ng Hilagang Samar, at westehanon (tinatawag din na Kinalbayog/Calbayognon) sa Waray ng (Kanlurang) Samar.[2][13] Ang mga Waray na nakatira sa mga lalawigan na ito ay maari din na kilalanin ang sarili sa mga pangalang ito.[2]
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 "Ethnicity in the Philippines (2020 Census of Population and Housing)" (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Hulyo 4, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 Alegre, Joycie. "The Waray Culture of the Philippines". Academia.edu (sa wikang Ingles).
- ↑ "Waray | Ethnic Groups of the Philippines". www.ethnicgroupsphilippines.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 "Language Prayer Profile: Waray". globalrecordings.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) - Philippines" (PDF) (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Mayo 19, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Waray-Waray | people | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 "Waray-Waray, Binisaya in Philippines". joshuaproject.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Scott, William Henry (1984). Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History (sa wikang Ingles). New Day Publishers. p. 10. ISBN 978-971-10-0227-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Denslow, Julie Sloan; Padoch, Christine (1988-01-01). People of the Tropical Rain Forest (sa wikang Ingles). University of California Press. p. 67. ISBN 978-0-520-06351-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 Clark, Jordan (2016-02-06). "Visayan Deities in Philippine Mythology • THE ASWANG PROJECT". THE ASWANG PROJECT (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ QUIRANTE, MEDORA NB (2012-03-14). "NPA camp seized by government troops in Northern Samar". samarnews.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Waray People of Samar and Leyte: History, Culture and Arts, Customs and Traditions [Indigenous Tribes | Philippines Ethnic Group]". yodisphere.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alunan, Merlie (2018-09-26). "A Brief On The State of Creative Writing in Eastern Visayas". Scribd (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)