Wikang Sebwano
Sebwano | |
---|---|
Bisaya, Sinugbuanon | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Gitnang Kabisayaan at Mindanao |
Pangkat-etniko | Mga Bisaya (mga Sebwano, Boholano, Eskaya, atbp.) |
Mga natibong tagapagsalita | 21 milyon (2007)[1] Ikalawang pinakasinasalitang wika sa Pilipinas |
Mga diyalekto |
|
Latin (Alpabetong Sebwano) Sa kasaysayan, nasusulat sa Baybayin | |
Opisyal na katayuan | |
Wikang rehiyonal sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Visayan Academy of Arts and Letters |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | ceb |
ISO 639-3 | ceb |
![]() Mga pook sa Pilipinas na sinasalita ang wikang Sebwano bilang katutubong wika |
Ang Wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano) ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 21 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.[2] Ito ang katutubong wika sa Gitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). May tatlong letrang kodigo ito sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.
Balarila[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga panghalip[baguhin | baguhin ang wikitext]
Palagyo | Paari1 | Paari2 | Palayon | |
---|---|---|---|---|
Pang-isahang ika-1 tao | ako, ko (Tagalog: ako) | nako, ko (ko) | ako, akoa (aking) | kanako, nako (sa akin) |
Pang-isahang ika-2 tao | ikaw, ka (ikaw) | nimo, mo (mo) | imo, imoha (iyong) | kanimo, nimo (sa iyo) |
Pang-isahang ika-3 tao | siya | niya | iya, iyaha (kaniyang) | kaniya, niya (sa kaniya) |
Pangmaramihang kabilang ang ika-1 tao | kita, ta (tayo) | nato (natin) | ato, atoa (ating) | kanato, nato (sa atin) |
Pangmaramihang di-kabilang ang ika-2 tao | kami, mi (kami) | namo (namin) | amo, amoa (aming) | kanamo, namo (sa amin) |
Pangmaramihang ika-2 tao | kamo, mo (kayo) | ninyo | inyo, inyoha | kaninyo, ninyo (sa inyo) |
Pangmaramihang ika-3 tao | sila | nila | ila, ilaha (kanilang) | kanila, nila (sa kanila) |
Talasalitaan at hiniram na salita[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikang Austronesiyo ang Sinugbuanon, at marami itong katumbas na salita sa ibang mga wika ng Filipinas at iba pa.
Ang Sebwano ay maraming salitang hango sa wikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles. Mayroon din na galing sa salitang Arabo.
Pamamahaging heograpikal[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Sebwano ay katutubong sinasalita ng mga naninirahan sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at sa ilang bahagi ng Leyte at Samar at sa kabuuan ng Mindanao. Ito ay sinasalita rin sa iilang bayan sa pulo ng Samar. At hanggang 1975, nalagpasan ng Sebwano ang Wikang Tagalog sa dami ng katutubong nagsasalita nito. Ang ibang wikain ng Sebwano ay nabibigyan ng iba't ibang pangalan ang wika. Ang mga naninirahan sa Bohol ay tinatawag itong Bol-anon samantalang sa mga tapagsalita ng Sebwano sa Leyte ay tinatawag naman itong Kana.
Mga salita at parirala[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga bilang[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kardinal | Ordinal | |
---|---|---|
1 | usà | isa |
2 | duhà | dalawa |
3 | tulò | tatlo |
4 | upàt | apat |
5 | limà | lima |
6 | unòm | anim |
7 | pitò | pito |
8 | walò | walò |
9 | siyàm | siyàm |
10 | napú'ô | sampu |
Mga pagbati[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tagalog | Cebuano |
---|---|
Kumusta? | Komosta? |
Magandang umaga. | Maayong buntag. |
Magandang tanghali. | Maayong udto. |
Magandang hapon. | Maayong hapon. |
Magandang gabi. | Maayong gabii. |
Paalam. | Adios. (Bihira)
Babay. (Di-pormal, galing sa Ingles na “Goodbye” o “Bye-Bye”) |
Ingat. | Ayo-ayo. (Pormal)
Amping. |
Hanggang sa muli | Hangtod sa sunod nga higayon. |
Salamat. | Salamat. |
Maraming salamat. | Daghang salamat.
Daghan kaayong salamat. |
Walang anuman. | Walang sapayan. |
Huwag (pautos) | Ayaw |
Ewan. | Ambot. |
Oo. | O. |
Baka | Tingali
Basin |
Hindi. | Dili. |
Wala. | Wala. |
Sino? | Kinsa? |
Ano? | Unsa? |
Saan? | Diin? (Pangnakaraan)
Ása? (Pangkasalukuyan) |
Alin? | Hain? |
Kailan? | Kanus-a? |
Paano? | Giunsa? |
Mga Sebwano na salita sa bawat lugar[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kabisayaan[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Purong Sebwano (Northern Cebuano)
(Salitang purong Sebwano (Bisaya) na mayroong salita-ng Boholano at Waray).
- Gitnang Visayas (Rehiyon ng 7)
- Kanlurang Visayas (Rehiyon ng 6)
- Silangang Visayas (Rehiyon ng 8)
Mindanaw[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Chavacano, Bisaya (Western Cebuano)
(Salitang mayroong halong "Chavacano Zamboanga", na mayroong salitang (Bisaya) "Sebwanong Wika" at kasama ang ka-Musliman).
- Tangway ng Zamboanga (Rehiyon ng 9)
- Bisaya, Bisdak (Central Cebuano)
(Salitang Purong Bisaya-"Malalim na Bisaya" (Sebwano), na mayroong halong "Mababaw na Bisaya" (Bisdak)).
- Hilagang Mindanao (Rehiyon ng 10)
- Bisdak, Dabawenyo, Bl'aan (Southeastern Cebuano)
(Salitang mayroong halong "Davaoeño", na mayroong kasamang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak) at isinama ang Bl'aan, (Sarangani)).
- Rehiyon ng Davao (Rehiyon ng 11)
- Bisdak, Bl'aan, Manobo, Muslim (Southern Cebuano)
(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), na mayroong kasamang Manobo (Cotabato) at isinama ang Ka-musliman).
- SOCCSKSARGEN (Rehiyon ng 12)
- Bisdak, Kamayo, Surigaonon (Eastern Cebuano)
(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), na mayroong Kamayo (Surigao), at isinama ang Surigaonon).
- Caraga (Rehiyon ng 13)
- Lalawigan ng Hilagang Agusan
- Lungsod ng Butuan
- Lalawigan ng Timog Agusan
- Isla ng Dinagat (halong Surigaonon)
- Lalawigan ng Hilagang Surigao (halong Surigaonon).
- Lalawigan ng Timog Surigao (halong Surigaonon)
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Philippine Census, 2000. Table 11. Household Population by Ethnicity, Sex and Region: 2000
- ↑ Ulrich Ammon, Norbert Dittmar, & Klaus J. Mattheier (2006). Sociolinguistics: an international handbook of the science of language and society. Bol. Volume 3. Walter de Gruyter. p. 2018. ISBN 978-3-11-018418-1.
{{cite book}}
:|volume=
has extra text (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga kurso sa web[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Kurso mula sa Language Links
- Kurso mula sa The Cebu Website
- Cebuano Study Notes Naka-arkibo 2011-07-17 sa Wayback Machine., ni Tom Markingt4r
Balarila[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga talahulugan[baguhin | baguhin ang wikitext]
- A Dictionary of Cebuano Visayan Naka-arkibo 2010-09-16 sa Wayback Machine., talahulugang Sebwano–Inggles ni John U. Wolff
- Bidirectional English-Cebuano Dictionary Naka-arkibo 2007-02-10 sa Wayback Machine., mula sa Foreignword
- Philippine Online Dictionary, mula sa Bohol.ph
- German-Tagalog-Cebuano-English Dictionary Naka-arkibo 2008-05-09 sa Wayback Machine., ni Richard Tschumpel
- English-Cebuano Glossary, mula sa Language Links
Mga tekstong pangmag-aaral[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Visayan Folktales Naka-arkibo 2007-02-08 sa Wayback Machine.