Wikang Kapampangan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kapampangan
Sinasalitang katutubo saPilipinas
RehiyonGitnang Luzon
Mga katutubong
tagapagsalita
2.4 milyon  (nawawalang petsa)
Pamilyang wika
Sistema ng pagsulatLatin (Abakada o Kahalawang Espanyol);
Nakasulat noon sa Matuang Kudlitan
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika saWikang pangrehiyon sa Pilipinas
Pinangangasiwaan (regulado) ngKomisyon sa Wikang Filipino
(Commission on the Filipino Language)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2pam
ISO 639-3pam
Kapampangan-speaking regions.png
Mga lugar kung saan ginagamit ang wikang Kapampangan

Ang Wikang Kapampangan ay isa sa mga walong pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika ginagamit sa buong lalawigan ng Pampanga at Timugang Tarlac, sa timugang bahagi ng kalagitnaang kapatagan ng Luzon, karamihan nito ay sumasailalim sa pangkat-etnikong Kapampangan. Sinasalita rin ang Kapampangan sa hilagang-silangang Bataan, pati na rin sa mga munisipalidad ng Bulacan, Nueva Ecija, at Zambales na pumapaligid sa Pampanga. Nakakapag-intindi at nakakapagsalita rin ng Kapampangan ang mga iilang Aeta sa timugang bahagi ng Gitnang Luzon. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampan͠gan/Capampañgan, Pampangueño, at bilang panggalang, Amanung Sisuan (wikang pinasuso).[1]

Pag-uuri[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Kapampangan ay isa sa mga wika ng Gitnang Luzon ng mga wikang Austronesyo. Kabilang sa mga malalapit na wika ng Kapampangan ay ang mga wikang Sambal sa Zambales at ang Wikang Bolinao sa sinasalita sa mga bayan ng Bolinao at Anda sa Pangasinan. Magkapareho ang mga wikang ito sa repleksong /j/ ng proto-Austronesyong katinig *R.[kailangan ng sanggunian]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang salitang "Kapampangan" ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog (pareho sa wikang Tagalog). Sa kasaysayan, ginamit ang wika sa Bayan ng Tondo, na pinamumunuan ng mga Lakan.

Isinulat ang mga iilang diksyunaryo at balarilang aklat tungkol sa Kapampangan noong panahong kolonyal ng mga Kastila. Nagsulat si Diego Bergaño ng dalawang aklat noong ika-18 siglo tungkol sa: Arte de la lengua Pampanga[2] (unang inilathala noong 1729) at Vocabulario de la lengua Pampanga (unang inilathala noong 1732). Nagbunga ang Kapampangan ng dalawang dakilang tao sa panitikan noong ika-19 na siglo; kilala si Anselmo Fajardo para sa Gonzalo de Córdova at Comedia Heróica de la Conquista de Granada, at isinulat ni mandudulang Juan Crisóstomo Soto ang Alang Dios noong 1901. Isinulat ang "Crissotan" ni Amado Yuzon, ang kapanahon ni Soto noong dekada 1950 at kandidato ng Gantimpalang Nobel para sa kapayapaan at panitikan,[kailangan ng sanggunian] upang mapanatiling-buhay ang kanyang kontribusyon sa panitikan ng Kapampangan.

Sa kasalukuyan, ang paggamit sa Kapampangan, kahit na sa mga lugar na kung saan tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang nababawasan.[3]

Distribusyong heograpiko[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Kapampangan ay pangunahing ginagamit sa mga lalawigan ng Pampanga, at sa mga bayang nasa katimugan ng Tarlac (Bamban, Capas, Concepcion, San Jose, Gerona, La Paz, at Lungsod ng Tarlac). Ginagamit din ang naturang wika sa mga piling lugar sa mga lalawigan ng Bataan (Abucay, Dinalupihan, Hermosa, at Samal), Nueva Ecija (Cabiao, San Isidro, Lungsod ng Gapan at Lungsod ng Cabanatuan), Bulacan (Baliuag, San Miguel, San Ildefonso, Hagonoy, Plaridel, Pulilan at Calumpit), at Zambales (Lungsod ng Olongapo at Subic). Sa Mindanao, may makabuluhang minoryang komunidad na nagsasalita ng Kapampangan sa Timog Cotabato, lalo na sa Heneral Santos at mga bayan ng Polomolok and Tupi. Ayon sa senso ng Pilipinas 2000, 2,312,870 tao (mula sa kabuuang populasyon ng 76,332,470) ang nagsasalita ng Kapampangan bilang kanilang katutubong wika.

Tinigan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Pamantayang Kapampangan ay may 21 ponema: 15 katinig at 5 patinig; ang iilang kanlurang dayalekto ay may anim na patinig. Madali ang istraktura ng pantig; ang bawat pantig ay naglalaman ng isang katinig at isang patinig o higit pa.

Patinig[baguhin | baguhin ang batayan]

May limang ponemang patinig ang Kapampangan:

Kabilang din ang /ə/ sa mga iilang dayalekto.

Mayroong apat na pangunahing diptonggo: /aɪ/, /oɪ/, /aʊ/, and /iʊ/. Sa karamihan ng mga dayalekto (kabilang ang pamantayang Kapampangan), binabawasan ang /aɪ/ at /aʊ/ at nagiging /ɛ/ at /o/ ayon sa pagkabanggit.Mayroong mga alopono ang mga monoptonggo sa mga posisyon na walang-diin at pantig-pangwakas:

  • Ang /a/ ay itinataas nang kaunti sa mga posisyong walang-diin, maliban sa mga huling pantig.
  • Ang /i u/ na walang-diin ay karaniwang binibigkas bilang [ɪ ʊ], tulad sa "bit" and "book" sa Ingles, ayon sa pagkabanggit (maliban sa mga huling pantig).
  • Sa mga huling pantig, ang /i/ ay maaaring bigkasin bilang [ɛ, i], at binibigkas ang /u/ bilang [o, u].
    • Ang deni/reni ("mga ito") ay maaaring bigkasin bilang [ˈdɛnɛ]/[ˈɾɛnɛ] o [ˈdɛni]/[ˈɾɛni]; seli ("binili") ay maaaring bigkasin bilang [ˈsɛlɛ] r [ˈsɛli]; ang kekami ("sa amin") ay maaaring bigkasin bilang [kɛkɐˈmɛ] o [kɛkɐˈmi]; ang suerti ay maaaring bigkasin bilang [ˈswɛɾtɛ] o [ˈswɛɾti], ang sisilim ("dapit-hapon") ay maaaring bigkasin bilang [sɪˈsilɛm] o [sɪˈsilim].
    • Ang kanu ("sinabi niya, sinabi nila, nasabi na, diumano’y") ay maaaring bigkasin bilang [kaˈno] o [kaˈnu]; ang libru ("libro") ay maaaring bigkasin bilang [libˈɾo] o [libˈɾu]; ang ninu ("sino") ay maaaring bigkasin bilang [ˈnino] o [ˈninu]; ang kaku ("sa akin") ay maaaring bigkasin bilang [ˈkako] o [ˈkaku], at ang kamaru ("kuliglig") ay maaaring bigkasin bilang [kamɐˈɾo] o [kamɐˈɾu].
  • Ang /e, o/ na walang-diin ay kadalasang binibigkas bilang [ɪ, ʊ], ayon sa pagkabanggit (maliban sa mga huling pantig).

Katinig[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa talahanayan ng mga katinig-Kapampangan, aspirado ang lahat ng mga plosibo. Nagkakaroon ng agma sa lahat ng posisyon, kasama ang simula ng isang salita. Hindi katulad sa mga ibang wika ng Pilipinas, walang ponemang /h/ ang Kapampangan.

Panlabi Pangngipin/

Panggilagid

Lagpas-gilagid/

Pangngalangala

Panlalamunan Impit
Pailong m n ŋ
Plosibo tahimik p t k ʔ
matunog b d g
Pasutsot s ʃ
Pakatal r
Pagilid l j w
  • May kaugaling maglenita ang /k/ sa [x] sa gitna ng mga patinig.
  • Ang [d] at [ɾ] ay alopono sa Kapampangan, at minsan mapagpapalit sa isa't isa; Nukarin la ring libru? ay maaaring Nukarin la ding libru? ("Saan ang mga libro?").
  • Kadalasang nawawala ang impit sa huling bahagi ng salita na sa gitna ng isang pangungusap.

Diin[baguhin | baguhin ang batayan]

Malaponema ang diin sa Kapampangan. Nagaganap ang pangunahing diin sa huling o pangalawa-sa-huling pantig ng isang salita. Sumasama ang paghahaba ng pantig sa primaryang o sekondaryong diin, maliban kung binibigayng-diin ang huling bahagi ng salita. Maaaring magkaroon ng paglilipat ng diin, lumilipat sa kanan o kaliwa para ibukod ang nominal at berbal na paggamit (tulad sa mga sumusunod na halimbawa):[4]

  • dápat ("dapat") → dapát ("gawain, negosyo")
  • dapúg ("magtipon, magsunog ng basura") → dápug ("tambak ng basura")

Maaari ring magkaroon ng paglilipat ng diin kung natatamo ang isang salita mula sa isa pang salita sa pamamagitan ng pagkakaugnay; muli, maaaring lumipat ang diin patungo sa kanan o sa kaliwa:[4]

  • ábeabáyan ("kumpanya")
  • lásolasáwan ("tunawin")

Pagbabago sa tunog[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Kapampangan, ang proto-Pilipinong patinig-schwa na ay pinagsama sa /a/ sa karamihan ng mga dayalekto ng Kapampangan; nakapreserba ito sa iilang mga kanlurang dayalekto. Ang proto-Pilipinong *tanəm ay tanam (tanim) sa Kapampangan, kumpara sa tanim ng Tagalog, tanom ng Sebwano at tanem (libingan) ng Ilokano

Pinagsama ang proto-Pilipinong *R sa /j/. Ang salitang Kapampangan para sa "bago" ay bayu; ito ay baro sa Ilokano, at baru sa Indones.

Salitang hiram[baguhin | baguhin ang batayan]

Humiram ang Kapampangan ng maraming salita mula sa wikang Tsino (lalo na sa Kantones at Hokkien), tulad ng:

  • ápû 阿婆 "lola (maternal)"
  • impû 外婆 "lola (paternal)"
  • ingkung 外公 "lolo (paternal)"
  • atchi 阿姐 "ate (panganay)"
  • koya 哥仔 "kuya (panganay)"
  • susi 鎖匙 "susi"
  • pansit 便食 "pansit" (literal na "agarang pagkain")
  • buisit 無衣食 "buwisit" o "malas" (literal na "nang walang damit at pagkain")

Dahil sa impluwensya ng Budismo at Hinduismo, nakakuha rin ang Kapampangan ng mga salita mula sa Sanskrito. Kabilang sa mga halimbawa ang:

  • alaya, "tahanan", mula sa Sanskritong आलय alaya
  • kalma, "kapalaran", mula sa Sanskritong कर्म karma
  • damla, "banal na batas", mula sa Sanskritong धर्म dharma
  • mantala, "pangkulam", mula sa Sanskritong मन्त्र mantra
  • upaya, "kapangyarihan", mula sa Sanskritong उपाय upaya
  • siuala, "boses", mula sa Sanskritong स्वर svara
  • lupa, "mukha", mula sa Sanskritong रुपा rupa
  • sabla, "bawat", mula sa Sanskritong सर्व sarva
  • lawu, "laho", mula sa Sanskritong राहु rahu
  • galura, "higanteng agila" (apelyido), mula sa Sanskritong गरुड garuda
  • laksina, "timog" (apelyido), mula sa Sanskritong दक्षिण dakshin
  • laksamana, "almirante" (apelyido), mula sa Sanskritong लक्ष्मण lakshmana

Mayroon ding mararaming salitang hiram ang wika mula sa Kastila, tulad ng suerti (mula suerte, "swerte"), kurus (mula sa cruz, "krus"), karni (mula sa carne, "karne"), korsunada (from corazonada, "crush") at kasapego (from casa fuego, "kumbad").

Sistema ng pagsulat at ortograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Kulitan writing
Amánung Sísuan (pangalang panggalang para sa "inang wika" (literal na "wikang pinasuso") sa Kulitan, ang katutubong sistema ng pagsulat ng Kapampangan

Tulad ng mga ibang wika ng Pilipinas, gumagamit ang Kapampangan ng alpabetong Latin. Bago ang kolonisasyong Kastila ng Pilipinas, ipinangsulat nito ang sulat-Kulitan. Karaniwang sinusulat ang Kapampangan sa isa sa tatlong sistema ng pagsulat: sulat Baculud, sulat Wawa at isang pinaghalu-halong uri ng dalawa, Amung Samson.[5]

Ang unang sistema (sulat Baculud, kilala rin bilang tutung Capampangan o tutung Kapampangan sa sistemang sulat Wawa) ay nakabatay sa ortograpiyang Kastila, kung saan kasangkot ang paggamit ng mga letrang ⟨c⟩ at ⟨q⟩ para sa ponemang /k/ (depende sa tunog ng patinig na sumusunod sa ponema). Ginamit ang ⟨c⟩ bago ang /a/, /o/ at /u/ (ca, co and cu), at ginamit ang ⟨q⟩ kasama ang ⟨u⟩ bago ang /e/ at /i/ (que, qui). Una sa lahat, iniuugnay ang ortograpiyang batay sa Kastila sa panitikan mula sa mga may-akda mula sa Bacolor at ang tekstong ginagamit sa Kapampangang Pasion.[5]

Ang ikalawang sistema, ang Sulat Wawa, ay isang "isinakatutubong" anyo na may higit na pagkakagusto sa ⟨k⟩ sa halip ng ⟨c⟩ at ⟨q⟩ sa representasyon ng ponemang /k/. Ginamit ang ortograpiyang ito na nakabatay sa Abakada ng mga manunulat mula sa Guagua at magkaribal na manunulat mula sa kalapit na bayan ng Bacolor.[5]

Binabalak ng ikatlong sistema, ang hibridong ortograpiyang Amung Samson, na iresolba ang salungatan ng mga nagpanukala ng sulat Baculud at sulat Wawa. Nilkha itong sistema ng dating Katolikong pari Venancio Samson noong dekada 1970 upang isalinwika ang Bibliya sa Kapampangan. Naresolba nito ang mga salungatan sa paggamit ng ⟨q⟩ at ⟨c⟩ (sa sulat Baculud) at ⟨k⟩ (sa sulat Wawa) sa paggamit ng ⟨k⟩ bago ang ⟨e⟩ at ⟨i⟩ (sa halip ng [qu]⟩ at sa paggamit ng ⟨c⟩ bago ang ⟨a⟩, ⟨o⟩, at ⟨u⟩ (instead of ⟨k⟩). Itinanggal din ng sistema ang ⟨ll⟩ at ⟨ñ⟩ (mula sa Kastila), at pinalitan ng ⟨ly⟩ at ⟨ny⟩.[5]

Pinagdedebatehan ang ortograpiya ng mga manunulat ng Kapampangan, at nag-iiba-iba ang mga ortograpikong estilo ayon sa manunulat. Naging mas popular ang sulat Wawa dahil sa impluwensya ng wikang Filipino (ang pambansang wika) na nakabase sa Taglaog at ang kanyang ortograpiya. Ginagamit ang sulat Wawa ng Akademyang Kapampangan at ng makata na si Jose Gallardo.[5]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Ulrich Ammon; Norbert Dittmar; Klaus J. Mattheier (2006). Sociolinguistics: an international handbook of the science of language and society. Volume 3. Walter de Gruyter. p. 2018. ISBN 978-3-11-018418-1.
  2. Bergaño
  3. In many gatherings Kapampangans seem more confident and articulate in exchanging views and ideas among their own K[abalen] ‘countrymen’ ... in Tagalog than they would in their own [mother tongue]. For instance, many Catholic priests are now delivering their homilies in the Tagalog language during a Kapampangan liturgy while high school student meetings are conducted in the Tagalog language even if all the participants are Kapampangans. http://www.silinternational.org/asia/philippines/ical/papers/pangilinan-Dispute%20on%20Orthography.pdf
  4. 4.0 4.1 Forman, Michael, 1971, pp.28-29
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Pangilinan, M. R. M. (2006, January). Kapampángan or Capampáñgan: settling the dispute on the Kapampángan Romanized orthography. In Paper at Tenth International Conference on Austronesian Linguistics, Puerto Princesa City, Palawan (pp. 17-20).

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]