Pumunta sa nilalaman

San Miguel, Bulacan

Mga koordinado: 15°08′45″N 120°58′42″E / 15.14583°N 120.97833°E / 15.14583; 120.97833
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Miguel

Bayan ng San Miguel
Opisyal na sagisag ng San Miguel
Sagisag
Mapa ng Bulacan na pinapakita ang lokasyon ng San Miguel
Mapa ng Bulacan na pinapakita ang lokasyon ng San Miguel
Map
San Miguel is located in Pilipinas
San Miguel
San Miguel
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 15°08′45″N 120°58′42″E / 15.14583°N 120.97833°E / 15.14583; 120.97833
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganBulacan
DistritoPangatlong Distrito ng Bulacan
Mga barangay49 (alamin)
Pagkatatag29 Setyembre 1725
Pamahalaan
 • Punong-bayanKgg. Roderick "Erick" D.G. Tiongson (kasalukuyan)
 • Manghalalal100,163 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan231.40 km2 (89.34 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan172,073
 • Kapal740/km2 (1,900/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
40,269
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan18.05% (2021)[2]
 • Kita₱434,145,715.38 (2020)
 • Aset₱892,157,509.50 (2020)
 • Pananagutan₱485,827,738.03 (2020)
 • Paggasta₱382,861,190.90 (2020)
Kodigong Pangsulat
3011
PSGC
031421000
Kodigong pantawag44
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Wikang Kapampangan

Ang San Miguel ay isang unang uri ng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 172,073 sa may 40,269 na kabahayan.

Kilala ang bayan na ito sa kanilang masarap na produktong "pastillas de leche", isang matamis na pagkaing gawa sa sariwang gatas ng kalabaw.

Ang bayan ng San Miguel De Mayumo ay itinatag noong 1763 sa pangunguna nina Carlos Agustin Maniquis, Maria Juana Puno, asawa ni Carlos Agustin, at Miguel Pineda bilang unang punong bayan nito. Si Miguel Pineda ay tubong Angat, Bulacan ngunit piniling manatili sa baryo ng San Bartolome na ngayo'y Brgy. Tartaro. Bumuo siya ng isang samahan kasama si Mariano Puno, na kinilalang pinuno ng Brgy. Sto. Rosario na ngayo'y Brgy. Mandile. Nagkasundong sila na magtatag ng bayan na Miguel De Mayumo ang ngalan mula sa pangalan ni Miguel Pineda at sa salitang mayumo na ang ibig sabihi'y matamis sa salitang Kapampangan bilang pagkilala sa kabaitan ni Mariano Puno. Ito ang pinakamalaking bayan noon sa Bulacan bago naitatag ang bayan ng San Ildefonso noong 1900 at bago rin naitatag ang Donya Remedios Trinidad sa ilalaim ng pamahalaang Ferdinand Marcos bilang pagkilala sa ina ng kanyang asawang si Imelda Marcos.

Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinalakay at binomba ng hukbong himpapawid ng bansang Hapon ang buong bayan sa San Miguel noong Disyembre 1941 at bago ang pagsakop ng hukbong santadahan ng bansang Hapon sa bayan ng San Miguel noong 1942. Ang mga grupo ng gerilyang Bulakenyo sa bayan ng San Miguel ay lusobin ng kawal Hapones at bago ang umatras ng mga gerilya sa kamay ng mga Hapon ng halos tatlong taong panghihimagsik noong 1942 to 1944 bago ang palayain ang bayan ng san miguel noong 1945 kasama ang mga kawal Pilipino ng pangkat ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas ay tumulong sa mga gerilyang Bulakenyo laban sa mga Hapon at tuloy ang pagsalakay sa kalabit ng bayan ng San Miguel noong Enero hanggang Agosto 1945.

Sumiklab ang Pagpapalaya at Pagsalakay sa San Miguel noong Enero hanggang Agosto 1945 sa bayan ng San Miguel at kasabay ng hukbong Pilipino ng Pangkat ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas kabilang ang mga gerilyang Bulakenyo laban sa mga kawal Hapones.

Sumiklab ang Pagpapalaya at Pagsalakay sa San Miguel noong Enero hanggang Agosto 1945 sa bayan ng San Miguel at kasabay ng hukbong Pilipino ng Pangkat ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas kabilang ang mga gerilyang Bulakenyo laban sa mga kawal Hapones. Muling sinalakay at pinasok ng hukbong Pilipino ng Ika 3, Ika 32, Ika 36 at Ika 37 Dibisyong Impantriya ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa bayan ng San Miguel at humingi ng tulong sa pagtutol ng mga gerilyang Bulakenyo ay tanging pakikipaglaban kawal na Imperyong Hapon ay kalapit ng buong bayan.

Nilusob ang hukbong himpilan ng hukbong sandatahan ng Imperyong Hapon ay muling salakayin at pasukin ng kampo sa mga magkakasama ng kawal Pilipino at gerilyang Bulakenyo ay talunin sila ng pangkat ng Hapon at hanggang sa pagkabihag ng kampong Hapones sa kalapit ng bayan at muling nagtagumpay at kimuha ng mga pinagsamang hukbong Pilipino at gerilyang Bulakenyo matapos ang labanan at muling pagkatalo at pagsuko ng kawal Hapones sa mga kawal Pilipino at gerilyang Bulakenyo.

Matapos ang pagsalakay sa bayan ng San Miguel noong Agosto 1945 at nanalo at tagumpay ng mga pinagsama ng mga sundalong Pilipino ng pangkat ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas at mga pagtutol ng mga gerilyang Bulakenyo ay muling binihag sa kalapit ng bayan sa San Miguel at sumuko at natalo ng mga sundalong Hapon matapos ang pagbabakang lumaban at pagkaraan ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig at Digmaang Pasipiko sa Pilipinas. Mahigit sa 86,000 mga sibilyang Bulakenyo ang napatay at pinaslang sa kamay ng mga kawal Hapones sa kalapit ng bayan sa San Miguel.

Mayroon noong nakitang batong imahe ng isang arkanghel noong nasa panahong nais baguhin ng konseho ang ngalan ng bayan. Nagmadaling nagtungo ang isang lalaki upang iulat ang natuklasang imahe sa kweba ng Madlum. Ang imahe ay si San Miguel De Arkanghel. Napagdesisyunan na dagdagan na lamang ng San sa inuhan ang dati nitong pangalang Miguel De Mayumo. Sa kasalukuyan ay tinatawag itong Munisipalidad ng San Miguel.

Ang San Miguel ay nahahati sa 49 na barangay.

  • Bagong Pag-asa
  • Bagong Silang
  • Balaong
  • Balite
  • Bantog
  • Bardias
  • Baritan
  • Batasan Bata
  • Batasan Matanda
  • Biak-na-Bato
  • Biclat
  • Buga
  • Buliran
  • Bulualto
  • Calumpang
  • Cambio
  • Camias
  • Ilog-Bulo
  • King Kabayo
  • Labne
  • Lambakin
  • Magmarale
  • Malibay
  • Maligaya
  • Mandile
  • Masalipit
  • Pacalag
  • Paliwasan
  • Partida
  • Pinambaran
  • Poblacion
  • Pulong Bayabas
  • Pulong Duhat
  • Sacdalan
  • Salacot
  • Salangan
  • San Agustin
  • San Jose
  • San Juan
  • San Vicente
  • Santa Ines
  • Santa Lucia
  • Santa Rita Bata
  • Santa Rita Matanda
  • Sapang
  • Sibul
  • Tartaro
  • Tibagan
  • Tigpalas

mga natatanging atraksiyon :

- biak na bato national park na matatagpuan sa brgy. biak na bato

- banal na bundok na matatagpuan sa brgy.sibul

- madlum cave na matatagpuan sa brgy.sibul

Mga atraksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Pambansang Liwasan ng Biak na Bato
  • Bukal ng Sibul
  • Banal na bundok ng Biak na Bato
  • Kuweba at Ilog sa Madlum
  • Toreng Orasan (Clock Tower)
  • Banal na Bundok
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng San Miguel

Mga tanyag na taong ipinanganak sa bayang ito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Nicanor Abelardo - kompositor; 1893-1934.
  • Virgilio S. Almario - manunulat, makata, kritiko, at Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan.
  • Diana Zubiri - isang artista ng pelikula at telebisyon.
  • Felipe Buencamino - kauna-unahan kalihim ng suliraning panlabas ng unang Republika ng Pilipinas.
  • Maximo Viola - tumulong kay Dr. Jose Rizal upang mailimbag ang Noli Me Tangere
  • Donya Narcisa Buencamino De Leon - reyna ng mga pelikulang tahimik ng Pilipinas. (Queen of the Philippine silent movies)
  • Weng Ibarra - isa sa mga pangunahing miyembro ng sikat na grupo ng mga babaing mananayaw sa bansa, ang Sexbomb.
  • Francisco Buencamino - isa sa mga sikat na personalidad mula sa angkan ng mga Buencamino sa bayan ng San Miguel. Isang guro sa Ateneo de Manila (1900s), naging direktor musikal para sa Sarswela Productions, kompositor ng musika para sa natatanging produksiyon ng Sampaguita Pictures, LVN, at Exelsior at iba pa.

Ang bayang ito ay mayroong mga paaralang pampublikong nag-aalok ng edukasyon ng elementarya at mataas na paaralan. Ang ibang mga pampublikong elementarya ay:

  • San Miguel South Central Elementary School, makikita sa Brgy. Poblacion.
  • San Miguel North Central Elementary School, makikita sa Brgy. Camias.
  • Don Felix de Leon Memorial Elementary School, makikita sa Brgy. San Agustin
  • San Jose Elementary School, makikita sa Brgy. San Jose
  • San Juan Elementary School, makikita sa Brgy. San Juan
  • Batasan Elementary School, makikita sa Brgy. Batasan
  • Buliran Elementary School, makikita sa Brgy. Buliran
  • Magmarale Elementary School, makikita sa Brgy. Magmarale
  • Biclat Elementary School, makikita sa Brgy. Biclat
  • Dr. Juan F. Pascual Memorial School, makikita sa Brgy. Salangan
  • Partida Elementary School, makikita sa Brgy. Partida
  • Sta. Ines Elementary School,makikia sa Brgy.Sta. Ines
  • Doña Narcisa B. Vda. De Leon Elementary School, makikita sa Brgy. Poblacion

Ang ibang mga pampublikong mataas na paaralan ay:

  • John J. Russel Memorial High School, makikita sa Sibul, San Miguel, Bulacan
  • Partida High School, makikita sa Partida, San Miguel, Bulacan
  • San Miguel National High School, makikita sa Brgy. San Juan.
  • Vedasto Santiago High School, San Miguel High School Annex, makikita sa Brgy. Salacot.

Ang ibang mga pribadong elementarya at pahandang elementarya ay:

  • Children's Haven School of San Miguel Bulacan, makikita sa Brgy. San Jose.
  • D. C. Nicolas School, makikita sa Brgy. Tigpalas
  • Park Ridge School of Montessori, makikita sa Brgy. Camias.
  • Saint Paul University at San Miguel, makikita sa Brgy. Salangan
  • School of Mount St. Mary, makikita sa Brgy. Sta. Rita (New)
  • Waminals Achievers Academy Inc., makikita sa Brgy. Poblacion, San Miguel, Bulacan
Senso ng populasyon ng
San Miguel
TaonPop.±% p.a.
1903 14,919—    
1918 17,988+1.25%
1939 26,759+1.91%
1948 38,093+4.00%
1960 43,195+1.05%
1970 58,712+3.11%
1975 66,870+2.64%
1980 73,113+1.80%
1990 91,124+2.23%
1995 108,147+3.26%
2000 123,824+2.94%
2007 138,839+1.59%
2010 142,854+1.04%
2015 153,882+1.43%
2020 172,073+2.22%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Bulacan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Bulacan". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]