Pumunta sa nilalaman

Santa Maria, Bulacan

Mga koordinado: 14°49′N 120°58′E / 14.82°N 120.96°E / 14.82; 120.96
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Santa Maria

Bayan ng Santa Maria
Opisyal na sagisag ng Santa Maria
Sagisag
Map
Santa Maria is located in Pilipinas
Santa Maria
Santa Maria
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°49′N 120°58′E / 14.82°N 120.96°E / 14.82; 120.96
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganBulacan
DistritoPang-apat na Distrito ng Bulacan
Mga barangay24 (alamin)
Pagkatatag1792
Pamahalaan
 • Punong-bayanRuden Andrea (LAKAS-CMD)
 • Pangalawang Punong-bayanDaguplo Rhian Nicole
 • Manghalalal142,380 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan90.92 km2 (35.10 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan289,820
 • Kapal3,200/km2 (8,300/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
70,619
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan11.53% (2021)[2]
 • Kita(2022)
 • Aset(2022)
 • Pananagutan(2022)
 • Paggasta(2022)
Kodigong Pangsulat
3022
PSGC
031423000
Kodigong pantawag44
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytsantamariabulacan.gov.ph
Bahay Pamahalaan ng Santa Maria.

Ang Bayan ng Santa Maria ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 289,820 sa may 70,619 na kabahayan.

Ang Sta. Maria ay napapalibiutan ng mga bayan ng Bocaue sa dakong timog kanluran, Pandi sa hilaga at hilagang kanluran, Norzagaray sa hilagang silangan, Angat sa hilagang kanluran, lungsod ng San Jose del Monte sa timog at timog-silangan, at Marilao sa timog.

Ang bayan ng Sta. Maria ay may lawak na 9,092 ektarya o 90.92 kilometro kwadrado.Ito ay matatagpuan 32 kilometro sa hilagang-silangan ng Maynila, 18 kilometro sa timog-silangan ng Malolos, at 38 kilometro timog-silangan ng lungsod ng San Fernando sa Pampanga, ang sentrong pang-rehiyon ng Gitnang Luzon.

Ang Sta Maria ay isang kapatagan maliban sa mga bulubundukin sa dulong hilagang bahagi nito.

Ang Santa Maria ay dating bahagi ng Meycauayan hanggang sa maging ganap na itong pueblo o bayan noong 1792. Noong 1793, itinayo ang luklukan ng pamahalaan sa poblacion. Si Andres dela Cruz ang kauna-unahang gobernadorcillo o capitan ng Sta.Maria. Siya ay hinalinhan ng 88 pang gobernadorcillos sa panahon ng pamamahala ng mga Espanyol.Noong 1895, sa bisa ng Batas Mauro, ang titulong "gobernadorcillo" ay pinalitan ng "capitan municipal." Si Pascual Mateo ang kahuli-hulihang capitan ng bayan.

Sa ilalim ng pamahalaang Amerikano, naglingkod si Maximo Evidente bilang kauna-unahang presidente municipal ng Sta. Maria mula 1899-1900. Siya ay sinundan ng 12 pang presidentes.Sina Agustin Morales (1928-1934) at Fortunato Halili (1934-1937) ang mga pinagkakapitaganan sa lahat ng mga naglingkod sa panahong yaon. Si Morales ay kauna-unahang nagpatayo ng "main water system" sa bayan at si Halili, na hindi kumuha ng kanyang sweldo kailanman, ay naging Gobernador ng lalawigan ng Bulacan.

Mga Punong Bayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Punong Bayan/Mayor Panunungkulan
AGUSTIN MORALES
1928-1934
PEDRO J. MANSILLA
1938-1940
TEOFILO SANTIAGO
1941-1945
IRENEO HERMOGENES
1945
MARCIANO BAUTISTA
1946-1947
CONRADO H. IGNACIO
1947-1955
RICARDO G. NICOLAS, SR
1956-1959
ERIBERTO RAMOS
1960-1963
RICARDO G. NICOLAS, SR.
1964-1967
PAULINO LUCIANO, SR.
1968-1971
RICARDO D. NICOLAS, JR.
1972-1978
PAULINO A. LUCIANO, JR.
1978-1986
DR. ALFREDO M. PEREZ (OIC)
Feb. 1986-May 1986
RICARDO D. NICOLAS, JR. (OIC)
June 1986-December 1986
BENJAMIN G. GERONIMO (OIC)
1987-1988
ATTY. RAMON H. CLEMENTE (OIC)
1988
ERIBERTO RAMOS
1988-1992
REYLINA G. NICOLAS
1992-2001
BARTOLOME R. RAMOS
2001-2004
JESUS MATEO
2004-2007
BARTOLOME R. RAMOS
2007-2010

Ang Santa Maria ay may maraming lugar pamasyalan (resorts) tulad ng mga sumusunod: Villa Natalia Resort sa Pulong Buhangin, Long Meadows Resort, Dad's Vineyard Resort & Butterfly Garden, at Pamar Wonderpool Resort sa Barangay Mahabang Parang, Villa Carmen, Villa Antonia atSitio Lucia Resorts sa Pulong Buhangin,, 4-K Garden Resort sa Barangay Catmon, Lanesca saBarangay Bulac, Cool Water Resort sa Barangay Lalakhan, Vig Jam Resort saBarangay Balasing, atStone Bridge Resort at Barangay Tumana.

Matatagpuan din dito ang mga sikat na kainan tulad ng Jollibee, Chowking at Greenwich (lahat sa Poblacion), at Max's Restaurant at Tropical Hut Hamburger (na nasa Bagbaguin).ngayon ay mayroon na ring Mc Donalds at goldilocks sa poblacion

Kasalukuyan ginagawa ang Walter Mart sa crossing ng barangay Sta. Clara

Ang Santa Maria ay may maraming lugar pamasyalan (resorts) tulad ng mga sumusunod: Villa Natalia Resort sa Pulong Buhangin, Long Meadows Resort, Dad's Vineyard Resort & Butterfly Garden Naka-arkibo 2017-09-14 sa Wayback Machine., at Pamar Wonderpool Resort sa Barangay Mahabang Parang, Villa Carmen, Villa Antonia atSitio Lucia Resorts sa Pulong Buhangin,, 4-K Garden Resort sa Barangay Catmon, Lanesca saBarangay Bulac, Cool Water Resort sa Barangay Lalakhan, Vig Jam Resort saBarangay Balasing, atStone Bridge Resort at Barangay Tumana.

Matatagpuan din dito ang mga sikat na kainan tulad ng Jollibee, Chowking at Greenwich (lahat sa Poblacion), at Max's Restaurant at Puregold (na nasa Bagbaguin).ngayon ay mayroon na ring Mc Donalds at goldilocks sa poblacion

Ngayon ay may Waltermart na sa crossing ng barangay Sta. Clara.

Poblacion ng Bayan ng Santa Maria, Bulacan.

Ang bayan ng Santa Maria ay nahahati sa 24 na mga barangay.

Barangay Lawak (sa kilometro kwardrado)
Bagbaguin
7.6358
Balasing
6.3713
Buenavista
2.4647
Bulac
5.2009
Camangyanan
2.4761
Catmon
8.2860
Caypombo
4.1626
Caysio
3.1198
Guyong
3.6191
Lalakhan
0.3354
Mag-asawang Sapa
1.1327
Mahabang Parang
1.0466
Manggahan
1.6386
Parada
4.0669
Poblacion (Santa Maria town proper)
2.8032
Pulong Buhangin
14.3817
San Gabriel
3.6787
San Jose Patag
2.5218
San Vicente
7.2537
Santa Clara
2.1470
Santa Cruz
2.2705
Silangan
0.9387
Tabing Bakod (Santo Tomas)
1.2530
Tumana
2.1202
Senso ng populasyon ng
Santa Maria
TaonPop.±% p.a.
1903 10,791—    
1918 12,174+0.81%
1939 14,987+0.99%
1948 17,509+1.74%
1960 26,341+3.46%
1970 36,369+3.27%
1975 45,615+4.65%
1980 58,748+5.19%
1990 91,468+4.53%
1995 101,071+1.89%
2000 144,282+7.93%
2007 205,258+4.98%
2010 218,351+2.28%
2015 256,454+3.11%
2020 289,820+2.43%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Bulacan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Bulacan". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]