Pumunta sa nilalaman

Marilao

Mga koordinado: 14°45′29″N 120°56′53″E / 14.7581°N 120.9481°E / 14.7581; 120.9481
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Marilao

Bayan ng Marilao
Mapa ng Bulacan na nagpapakita sa lokasyon ng Marilao.
Mapa ng Bulacan na nagpapakita sa lokasyon ng Marilao.
Map
Marilao is located in Pilipinas
Marilao
Marilao
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°45′29″N 120°56′53″E / 14.7581°N 120.9481°E / 14.7581; 120.9481
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganBulacan
DistritoPang-apat na Distrito ng Bulacan
Mga barangay16 (alamin)
Pagkatatag1796
Pamahalaan
 • Punong-bayanRicardo M. Silvestre
 • Manghalalal101,490 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan33.74 km2 (13.03 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan254,453
 • Kapal7,500/km2 (20,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
62,109
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan9.66% (2021)[2]
 • Kita₱936,454,337.02 (2020)
 • Aset₱1,712,863,265.54 (2020)
 • Pananagutan₱547,240,732.24 (2020)
 • Paggasta₱864,817,008.14 (2020)
Kodigong Pangsulat
3019
PSGC
031411000
Kodigong pantawag44
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytmarilao.gov.ph
Sagisag ng Marilao

Ang Marilao (pagbigkas: ma•ri•láw) ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 254,453 sa may 62,109 na kabahayan. Sa patuloy na paglawak ng Kalakhang Maynila, ang bayan ay bahagi na ng Greater Manila Area, na umaabot sa bayan ng San Ildefonso ang layo.

Ang Marilao ay Kasapi ng Dalawampu't Isang Munisipalidad, na kung tawagin ay "Liga ng 21", Ito ay ang mga bayan na nakamit na ang mga kinakailangan para maging isang lungsod ayon sa Koda para sa Lokal na Pamahalaan ng Konstitusyon.

Kasaysayan ng Marilao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago pa maitatag ang bayan ng Marilao, Ito ay naging baryo ng Meycauayan. Ang mga Franciscanong Pari mula sa Meycauayan ang nagtayo ng bisitang matanda para kay San Miguel Arcanghel.

Noong 21 Abril 1796, Ang baryo ng Marilao ay itinatag bilang Pueblo na inaprubahan naman ng Alcalde Mayor ng Bulacan at ng mga Franciscanong Prayle sa pagapruba naman ng Arsobispo ng Maynila, Ang Bisita na itinayo para kay San Miguel ang nagsilbing Pambayang Parokya na kung saan si Padre Vicente de Talavera ang naging Kura Paroko.

Pambayang Pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Katulad ng Pambansang Pamahalaan, ang pamahalaan ng Marilao ay nahahati sa 3, Tagapaganap, Tagapagbatas at Tagapaghukom. Ang Tagapaganap ay ang Alkalde at ang mga Kapitan ng Baranggay. Ang mga Tagapagbatas ay ang Sangguniang Bayan, Sangguniang Baranggay at ang Sangguniang Kabataan para sa mga Kabataan.

Ang Tagapaghukom ay pinangasisiwaan ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Nakaraang mga Alkalde ng Marilao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

- Martin Villarica (1913-1919)

- Ceferino Santiago (1919-1922)

- Canuto Santo Tomas (1922-1925)

- Agripino San Miguel (1925-1928)

- Honorio Ramos (1928-1931)

- Miguel Villarica* (1931-1934)

- Ricardo de Vera (1934-1937)

- Andres Roxas (1937-1940)

- Miguel Villarica** (1941-1944)

- Benito Sta. Rosa (1945-1946)

- Justino Cruz (1946-1947)

- Miguel Villarica*** (1948-1951)

- Mario Santiago**** (1956-1971)

- Nicanor Guillermo (1972-1984)

- Mario Villarica (1986-1987)

- Israel Guevarra (1987-1988)

- Abelardo Dalmacio (1988-1992)

- Epifanio Guillermo* (1992-1995)

- Leoncio Duran, Jr.****(1995-2004)

- Epifanio Guillermo** (2004-2013)

- Juanito "Tito" H. Santiago (2013-2018)

- Ricardo Silvestre (2019-2022)

- Henry R. Lutao (2023-Kasalukuyan)

1*Unang Termino<br>

2*Ikalawang Termino<br>

3*Ikatlong Termino<br>

4*Magkakasunod na Termino<br>

Mga Baranggay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Bayan ng Marilao ay nahahati sa 16 na baranggay.

No. Baranggay Populasyon Klasipikasyon/Antas
1 Abangan Norte 8,665 Urbano
2 Abangan Sur 9,788 Urbano
3 Ibayo 6,584 Mas Urbano
4 Lambakin 37,007 Urbano
5 Lias 12,038 Urbano
6 Loma de Gato 46,286 Urbano/Pinakapopulado
7 Nagbalon 3,766 Urbano
8 Patubig 6,113 Mas Urbano
9 Poblacion 1st 1,661 Urbano
10 Poblacion 2nd 5,536 Mas Urbano/Kalakhang Bayan
11 Prenza 1st 5,827 Urbano
12 Prenza 2nd 6,507 Urbano
13 Santa Rosa 1st 9,921 Urbano
14 Santa Rosa 2nd 8,510 Urbano
15 Saog 11,445 Mas Urbano
16 Tabing-ilog 5,970 Mas Urbano

Mga Nahalal na Opisyales (Halalan 2022)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Mayor Hon. Henry R. Lutao
  • Vice Mayor Hon. Jun Bob J. Dela Cruz
  • Mga Konsehal:
    • Hon. Juanito Santiago
    • Hon. Madel Jasa
    • Hon. Allane T. Sayo
    • Hon. Vanessa Valdez
    • Hon. Andrie Santos
    • Hon. William Villarica
    • Hon. Ariel Amador
    • Hon. Luisa Silvestre

Hon. Guillermo Paraoan-ABC President

Hon. Carlo Solis-SK Federation President

Sensus ng Populasyon ng Marilao
Taon Populasyon Porsiyentong

Idinagdag

1990 56,361 —    
1995 68,761 +3.80%
2000 101,017 +8.60%
2007 160,452 +6.59%
2010 185,624 +5.45%
Pinagkuhanan: NSO

Himig ng Marilao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Himig ng Marilao ay ang opisyal na awit ng Marilao. Kinatha ni Gener Javier, ito ay ginagamit sa mga okasyong pansibiko tulad ng mga flag ceremony at mga inagurasyon ng mga opisyales.


HIMIG NG MARILAO

ni Gener Javier

Masdán mo ang bayan ko,

Marilao, mahál kong bayan

Sagana sa biyayà

ng Poóng Maykapál.

Ang bawat mámamayan,

ay pag-asa ng kaniyáng Ináng Bayan.

Kahit na mapasaán man

ay iyong ikararangál.

Bayan ko ay may dangál.

Ligaya kong siya'y mapaglingkurán.

Sa puso't diwà ako'y nakákintál

ang iyóng kagitingan!

KORO:

Ito ang bayan ko!

Marilao, Marilao, Marilao!

Tuwina ay may pagpapalâ,

Bayan ng Bulacan! (bis)

Senso ng populasyon ng
Marilao
TaonPop.±% p.a.
1903 3,506—    
1918 4,202+1.21%
1939 5,682+1.45%
1948 6,206+0.98%
1960 9,206+3.34%
1970 16,128+5.76%
1975 21,017+5.45%
1980 35,069+10.78%
1990 56,361+4.86%
1995 68,761+3.80%
2000 101,017+8.60%
2007 160,452+6.59%
2010 185,624+5.45%
2015 221,965+3.46%
2020 254,453+2.72%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Bulacan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Bulacan". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.