Pumunta sa nilalaman

Mga Kapampangan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga Kapampangan
Taung Kapampangan
Kabuuang populasyon
3,209,738 (senso ng 2020)[1]
(3% ng populasyon ng Pilipinas)
Mga rehiyong may malaking bilang nila
 Pilipinas
(Gitnang Luzon, Kalakhang Maynila)
 Estados Unidos
 Canada
Buong mundo
Wika
Kapampangan, Tagalog, Ingles
Relihiyon
Namamayani ang mga Romano Katoliko, minoryang Protestante, Muslim, Budista, at Animista (Ariya)
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Pangasinan, Sambal, Tagalog, Ilokano, Bikolano, ibang pangkat-etniko sa Pilipinas)
ibang mga Austronesyo

Ang mga Kapampangan (Kapampangan: Taung Kapampangan), mga Pampangueño o mga Pampango, ay ikaanim na pinakamalaking pangkat-etnikolingguwistiko sa Pilipinas, na bumibilang sa mga 2,784,526 noong 2010.[2] Pangunahing naninirahan sila sa mga lalawigan ng Pampanga, Bataan at Tarlac, gayon din sa Bulacan, Nueva Ecija at Zambales.

Pinapakita ang distribusyon ng mga Kapampangan sa kulay labanda sa mapang ito.

Tradisyunal na lupang tinubuan ng mga Kapapamngan ang lalawigan ng Pampanga na minsan inokupa ang malawak na lupain hanggang mula sa Tondo[3] hanggang sa natitirang bahagi ng Gitnang Luzon. Tinanggal ang malaking bahagi ng teritoryo ng Pampanga upang makalikha ng mga lalawigan ng Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, Aurora at Tarlac.[4]

Karamihan sa mga Kapampangan ay mga Kristiyano, na ang mayorya ay Romano Katoliko, Aglipayan, Metodista, at Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. May iilan ang kasapi ng mga di-Kristiyanong relihiyon. Bagaman, matatagpuan pa rin ang bakas ng katutubong-Austronesyo, Anitismo, Hinduismo, at Budismo sa kanilang mga kasanayang at tradisyong pambayan, at ito ay mga pangunahing paniniwala ng mga Kapampangan bago dumating ang Kristiyanismo sa kanila noong ika-16 na dantaon. May ilang mga Kapampangan ang nasa relihiyong Islam, karamihan sa kanila ay nag-aaral sa ibang bansa o nakikipag-ugnayan sa mga migranteng Moro mula sa katimugang Pilipinas.[5] Noong ika-16 na dantaon, may ilang mga Kapapamngan (lalo na ang mga mangangalakal) ay Muslim dahil sa ugnayan nila sa mga Malay ng Brunei.[6] Pinaghaharian ng isang kaharian Muslim ang dating Kaharian ng Tondo na nagsasalita ng lumang Kapampangan.[7] Napakaprominente ang Islam sa mga baybaying lugar sa rehiyon ng Kapampangan noong mga panahon iyon na napagkamali silang tawagin ng mga Kastila bilang "mga Moro" dahil sa madaming indikasyon ng pagiging Muslim at kanilang malapit na asosasyon sa Brunei.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ethnicity in the Philippines (2020 Census of Population and Housing)" (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Hulyo 4, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) – Philippines" (PDF) (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 19 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Loarca, Miguel de, Relación de las Yslas Filipinas, Blair at Robertson bolyum 5, pahina 34–187 (sa Ingles)
  4. Henson, Mariano A. 1965. The Province of Pampanga and Its Towns: A.D. 1300–1965. ika-4 ed. binago. Lungsod ng Angeles: ng may-akda. (sa Ingles)
  5. Lacar, Luis Q. (2001). "Balik -Islam: Christian converts to Islam in the Philippines, c. 1970-98". Islam and Christian–Muslim Relations (sa wikang Ingles). 12: 39–60. doi:10.1080/09596410124405. S2CID 144971952.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Reid, Anthony (2006), Bellwood, Peter; Fox, James J.; Tryon, Darrell (mga pat.), "Continuity and Change in the Austronesian Transition to Islam and Christianity", The Austronesians: Historical and Comparative Perspectives (sa wikang Ingles), ANU Press, pp. 333–350, ISBN 978-0-7315-2132-6, nakuha noong 2021-06-16{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Henson, Mariano A (1955). The Province of Pampanga and its towns (A.D. 1300–1955) with the genealogy of the rulers of central Luzon (sa wikang Ingles). Maynila: Villanueva Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Souza, George Bryan. The Boxer Codex: Transcription and Translation of an Illustrated Late Sixteenth-Century Spanish Manuscript Concerning the Geography, Ethnography, Expansion and Indigenous Response (sa wikang Ingles).