Kaharian ng Tondo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kaharian ng Tondo
ᜃᜑᜍᜒᜀᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜆᜓᜈᜇᜓ
Kaarian ning Tundo
Pagarian ti Tondo
Panarian na Tundo
Kahadean ini Tundo
Kerajaan Tundun

 

c. 900–1589
 

 

Watawat

Ang tinatayang laki ng sakop ng Kaharian ng Tondo noong ika-15 dantaon, kasama ang ilang pangalan ng mga pook noon.[1][2]
Kabisera Tondo (isa na ngayong distrito ng Maynila)
Wika Lumang Tagalog (opisyal), Kapampangan, Bikol, Pangasinan, Ilokano, Malay, Intsik, Sanskrit at Pali
Relihiyon Hinduismo, Budismo, at Islam (sa pagsakop ng Imperyong Brunei noong 1500)
Pamahalaan Monarkiya
Lakan
 - Panahon ng Bakal – (bago ang taong 900) Amaron
 - c. 900 Jayadewa (una ayon sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna)
 - c. 1200–1245? Raha Alon
 - 1390?–1420? Raha Gambang
 - 1558–1571 Lakan Dula
 - 1575–1589 Magat Salamat (huli)
Makasaysayang panahon Panahon ng Bakal
Gitnang Panahon
 - Itinatag ang kaharian c. 900
 - Pinalawak ni Raha Alon ang sakop ng kaharian c. 1200
 - Digmaang Majapahit–Luzon 1365
 - Pakikipag-ugnayan sa Dinastiyang Ming 1373
 - Pagsakop ng Imperyong Brunei 1500
 - Pagsakop ng Espanya 1589
Salapi Piloncitos, Mga gintong singsing, at Barter
Bahagi ngayon ng  Pilipinas
Warning: Value specified for "continent" does not comply
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Philippine History Collage.jpg
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Paglaganap na Austronesyo
Mga petroglipo ng Angono
Epokang / Panahong Klasikal (900-1521)
Bansa ng Mai
Kaharian ng Tondo
Konpederasyon ng Madyaas
Kaharian ng Maynila
Kaharian ng Namayan
Karahahan ng Butuan
Karahahan ng Cebu
Kasultanan ng Maguindanao
Kasultanan ng Sulu
Panahong Kolonyal (1565-1946)
Panahong Kastila (1521–1898)
Pamumunong Britaniko
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikan ng Pilipinas (1896-1898)
Katipunan
Unang Republika
Panahong Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano
Sampamahalaan ng Pilipinas
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika
Panahong Kontemporaneo (1946-kasalukuyan)
Ikatlong Republika
Diktadura ni Marcos
Ikalimang Republika
Guhit-panahon
Kasaysayang militar
Kasaysayan ng komunikasyon
Kasaysayang pangmdemograpiya
Portal icon Pilipinas

Ang Kaharian ng Tondo (Baybayin: Pre-Kudlit:ᜎᜓᜐᜓ (Lusu), Post-Kudlit: ᜃᜑᜍᜒᜀᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜆᜓᜈᜇᜓ  ; Kapampangan: Kaarian ning Tundo; Bikol: Kahadean ini Tundo; Ilokano: Pagarian ti Tondo; Pangasinan: Panarian na Tundo; tradisyonal na Intsik: pinyin: dōngdū; Sanskrit: तोन्दुन् (Tondu); Malay: Kerajaan Tundun), tinatawag ring Tundo, Tundun, Tundok, Lusung, Tung-lio, Dinastiyang Tondo, Imperyong Luzon,[3] o Sinaunang Tondo, ay isang sinaunang kaharian sa Pilipinas na ang kabisera ay nasa look ng Maynila, ang Tondo sa kapuluan ng Luzon. Ito ay ang isa sa mga kaharian sa Pilipinas na nabanggit sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna na isa sa mga dakilang kaharian sa kabihasnan ng Luzon.

Tungkol sa Kaharian ng Tondo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang daigdig sa silangang bahagi noong 900 AD at ang kinaroroonan ng Tondo, kilala rin bilang "Lusung" at ang mga kalapit nito.
Ang pagkakalarawan kay Raha Lontok na nabibilang sa uri ng Maharlika.
Ipinapakita ng larawang ito ang paglaki ng sakop ng Tondo sa pamumuno ni Raha Alon noong ika-13 dantaon.

Ito ay isang Indiyanisadong kaharian na may kulturang Intsik, na naitatag noong ika-10 dantaon, naging pinakamatandang pook sa kapuluan na nagkaroon ng ugnayan sa Dinastiyang Ming sa Tsina at sa bansang Hapon sa Silangang Asya, ito din ay may matatag na samahan sa Imperyong Brunei at mayroong mga malalakas na tanggulan at sandatahan sa hilagang Pilipinas, na pinamunuan ng mga makikisig na hari at pinagbuklod nito ang mga lalawigan sa Luzon, hanggang sa tuluyang pagbagsak ng Dinastiyang Tondo noong 1571 nang matalo ng pwersa ng Espanya ang sandatahan ni Lakandula na hari noon ng Tondo.

Sa kasalukuyan, ang Tondo ay ang pinakamatandang pook sa Maynila, dahil magpahanggang ngayon ay umiiral pa rin ang pangalan ng kaharian na isa ngayong distrito sa Maynila.

Ayon sa mga Tala[baguhin | baguhin ang batayan]

Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna, isa sa matibay na tala ng pag-iral ng Kaharian ng Tondo noong 900 AD.

Ayon sa binatbat na tanso na siyang pinakamatandang dokumento na nakita sa Pilipinas, dito naitala ang pangalang Tondo na Tundun ang sinaunang pangalan.

Nabanggit dito ang mga katagang:

"Sa pagkakataong ito, si Dayang Angkatan, at ang kanyang kapatid na lalaki na ang pangalan ay Bukah, at ang mga anak ni ang dakilang Namwaran, ay iginawad ng isang kasulatan ng buong kapatawaran mula sa Hari ng Tundun, kinakatawan ng Punong Ministro ng Pailah, Jayadewa."

Dito ay isinulat ang kapatawaran ng hari ng Tondo kay Namwaran at Dayang Angkatan sa kanilang pagkakautang na nagkakahalaga ng 926.4 na gramo ng ginto,[4] na naisulat pa sa sulat na Kawi, isang sinaunang sistemang panulat ng mga Malay at Indones na ginagamit din ng mga Pilipino bago naimbento ang sulat na Baybayin noong ika-13 dantaon.

Ayon sa tala ng mga Intsik[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang susunod na mga tala tungkol sa Kaharian ng Tondo ay matatagpuan sa mga salaysay ng Ming Shilu (明 实录]),[5] na nakikipag-kalakalan na ang mga Tsino sa sinaunang Pilipinas na naisulat noong 1373,[5] na ayon sa mga talata nito na ang mga Tsino ay nakakatungo at nakikipag-kalakalan na sa kabisera ng Kaharian ng Tondo kung saan naluluklok ang hari at ang kapangyarihan nito. (tradisyonal na Intsik: pinyin: dōngdū)[6]

Ayon sa tala ng mga Hapones[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang pulang sagisag na barkong Hapones. Tokyo Naval Science Museum.
Bantayog ni Luzon Sukezaemon sa Sakai Citizens' Hall.

Magagaling sila sa pakikipag-kalakalan sa mga dayo, at naitala din na nandarayuhan rin ang mga Hapones sa Luzon upang makipag-kalakalan, at may matibay din itong ugnayan sa bansang Hapon.[7] Naging tanyag ang Tondo sa tinda nilang tisa, ginto, pilak, perlas, porselana, pulot at mga kasuotang seda lalo na noong ika-16 na dantaon. Tinatawag ng mga Hapon ang Tondo sa katagang Luzong (呂宋) dahil tulad daw sila ng Dinastiyang Song sa galing sa kalakalan. Nagpadala ng Embahada at ambasador ang mga Hapones tulad nila Shimai Soushitsu (島井宗室) at Kamiya Soutan (神屋宗湛). Isang sikat na mangangalakal na Hapones na si Luzon Sukezaemon ay pinalitan ang kanyang sariling apelyido mula Naya (納屋) na naging Luzon (呂宋).

Diplomatikong Ugnayan sa Brunei (1500)[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa katapusan ng ika-15 dantaon, sakop ng Imperyong Brunei ang ilang kanlurang bahagi ng Pilipinas.

Noong 1500, nagkaroon ng diplomatikong ugnayan at alyansa ang Haring Tundun sa Sultan ng Brunei sa ilalim ni Sultan Bolkiah na ipinakasal ang anak nito kay Gat Lontok na naging Hari ng Namayan, ang pangalan ng Tondo sa Malay ay Kota Selurong na nagtayo ng engrandeng palasyo sa tapat ng Ilog Pasig kasama ang kanyang mga malalapit na mga kamag-anak. Dito nagmula ang dinastiya ni Raha Sulayman at iba pang mga huling hari.

Pagbagsak ng Dinastiyang Tondo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang matagal na pag-iral ng Kaharian ng Tondo ay unti-unting humina at bumagsak matapos ang pananakop at impluwensiya ng mga Espanyol sa ilalim ni Miguel López de Legazpi noong 1571, ang huling hari ng Dinastiyang Tondo ay si Lakan Dula, na kalauna'y naging Carlos Lacandola sa pangalang Kastila nang maipakalat ang Kristyanismo sa Luzon. Bumagsak ang Tondo matapos ang Labanan sa Maynila noong 1571.[8]

Ugnayan sa Bansa ng Mai[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagkaroon ng kaharian o Wangdom na may pangalang Mai o Mayi, na ang pinuno na ginamit ang 30 mga tao bilang sakripisyo sa kanyang libing, ang napailalim sa Mayi ang mga pook na kasalukuyang Baipuyan (Mga pulo ng Babuyan), Bagong (Busuanga), Li Yin at Lihan na (Malolos). Ang Malolos ay isang bayan sa tabing dagat o ilog at isa sa mga sinaunang areglo sa paligid ng Look ng Maynila malapit sa Tondo.

Lakan bilang isa sa mga Titulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Lakan ay isang titulo na itinatawag sa mga namumuno sa Tondo, ito ay kasunod o isa pang katawagan ng salitang "Hari" (na katumbas ng Maharaja sa Sanskrit) na ang pinagmulan ay ang salitang Rajah (sa baybay ng Tagalog ay Raha), ang kahulugan naman ng titulong Lakan ay "Pinuno" na ang alternatibong salita naman ay "Panginoon". Ang halimbawa ng gumamit ng titulong ito ay si Lakan Dula na huling hari ng Tondo.

Ang titulo o salitang Lakan ay nawala na sa bokabularyong Pilipino, ngunit ang mga salitang Hari at Panginoon ang siyang umiiral na mga katawagan sa mga pinuno ng Pilipinas hanggang sa ngayon.

Mga naging pinuno ng Tondo[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangalan Titulo Simula ng Pamumuno Hanggang
Jayadewa Admiral 900? ?
Lakan Timamanukum 1150? ?
Alon Lakan Alon 1200? ?
Gambang Lakan Gambang 1390? 1417?
Suko Lakan Suko 1417? 1430?
Lontok Lakan Lontok 1430? 1450?
Kalangitan Dayang Kalangitan, Reyna ng Namayan at Tondo 1450? 1515?
Salalila Raha Salalila o Raha Sulayman I 1515? 1558?
Matanda Raha Matanda o Raha Sulayman II o Raha Ache, Hari ng Namayan at Maynila 1558? 1571
Lakan Dula Banaw Lakandula, Hari ng Tondo at Sabag 1558? 1571
Sulayman Raha Sulayman, Hari ng Tondo, Maynila, at Namayan 1571 1575
Magat Salamat 1575 1589

Mga taong binanggit sa Inskripsiyon mula sa sinaunang Tondo[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangalan Petsa Tala
Jayadewa c. 880 AD-? Naging pinuno ng Tondo at Punong Ministro ng Pailah (na ngayon ay Pila, Laguna). Maaaring unang naging pinuno ng Tondo dahil siya ang pinunong nabanggit sa kasulatan.
Dayang Angkatan c. 900 AD-? Kapatid ni Buka at maaaring asawa ni Namwaran.
Namwaran c. 900 AD-? Maaaring asawa ni Dayang Angkatan at ama ng kanilang iilang mga anak.
Buka (Bulaklak) c. 900 AD-? Kapatid na lalaki ni Dayang Angkatan.

Tingnan rin[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga dagdag sa pagbabasa[baguhin | baguhin ang batayan]

Dinastiyang Bolkiah[baguhin | baguhin ang batayan]

Panahon ng kastila[baguhin | baguhin ang batayan]

Padron:Mga Dating Estado sa Pilipinas Padron:Asia in topic

Coordinates needed: you can help!