Pumunta sa nilalaman

Kapuluang Babuyan

Mga koordinado: 19°15′N 121°40′E / 19.250°N 121.667°E / 19.250; 121.667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga pulo ng Babuyan)
Kapuluang Babuyan
Kapuluang Babuyan sa Kipot ng Luzon
Kapuluang Babuyan is located in Pilipinas
Kapuluang Babuyan
Kapuluang Babuyan
Lokasyon sa loob ng Pilipinas
Heograpiya
LokasyonKipot ng Luzon
Mga koordinado19°15′N 121°40′E / 19.250°N 121.667°E / 19.250; 121.667
Katabing anyong tubig
Kabuuang pulo24
Pangkalahatang pulo
Sukat600 km2 (230 mi kuw)[1]
Pamamahala
RehiyonLambak ng Cagayan
LalawiganCagayan
Munisipalidad
Demograpiya
Populasyon19,349 (2020)
Densidad ng pop.32.2 /km2 (83.4 /mi kuw)

Ang Kapuluang Babuyan ( /bɑːbəˈjɑːn/ bah-bə-YAHN-'), kilala din bilang Pangkat ng Kapuluan ng Babuyan, ay isang arkipelago sa Pilipinas, na matatagpuan sa Kipot ng Luzon, hilaga ng pangunahing pulo ng Luzon at timog ng Taiwan sa pamamagitan ng Bambang ng Bashi tungong Kipot ng Luzon. Binubuo ang kapuluan ng limang pangunahing pulo at pinapalibutan ng mas maliliit na mga pulo. Ang pangunahing mga pulo na ito ay, simula sa hilagang-silangan paikot sa kaliwa, Babuyan, Calayan, Dalupiri, Fuga, at Camiguin de Babuyanes. Nahihiwalay ang Kapuluang Babuyan mula sa Luzon sa pamamagitan ng Bambang ng Babuyan, at mula sa lalawigan ng Batanes sa hilaga, sa pamamagitan ng Bambang ng Balintang.

Ang arkipelago, na binubuo ng 24 bulkang-koralinang mga pulo, ay mayroong kabuuang sukat na 590 km2 (230 mi kuw).[1] Calayan ang pinakamalaki dito na may sukat na 196 km2 (76 mi kuw), habang ang pinakamataas na punto ay ang Bundok Pangasun (1,108 metro, 3,635 tal) sa Babuyan Claro.[2]

Ang sumusunod ay ang mga pulo ng Babuyan at karatig na mga maliliit na pulo at bato,[3] kasama ang mga sukat ng lupain at pinakamataas na elebasyon:

Pangunahing pulo Katabing mga maliliit na pulo Sukat[2] Pinakamataas na elebasyon [2]
Babuyan Claro
  • Pulo ng Pan de Azucar
100 km2
39 mi kuw
1,108 m
3,635 tal
Pulo ng Calayan
  • Pulo ng Panuitan
  • Mga Bato ng Wyllie
196 km2
76 mi kuw
499 m
1,637 tal
Camiguin de Babuyanes
  • Mga Bato ng Guinapac
  • Mga Pulo ng Pamoctan
    (area: 0.7 km2, 0.27 mi kuw
    elevation: 202 m, 663 tal)
  • Pulo ng Pinon
166 km2
64 mi kuw
828 m
2,717 tal
Pulo ng Dalupiri
  • Maliit na Pulo ng Irao
50 km2
19 mi kuw
297 m
974 tal
Pulo ng Fuga
  • Pulo ng Barit
  • Pulo ng Mabag
70 km2
27 mi kuw
208 m
682 tal
Pulo ng Didicas 0.7 km2
0.27 mi kuw
244 m
801 tal
Kapuluang Balintang

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Babuyan Islands - island group, Philippines". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Encyclopedia Britannica. Nakuha noong 18 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Genevieve Broad; Carl Oliveros. "Biodiversity and conservation priority setting in the Babuyan Islands, Philippines" (PDF). The Technical Journal of Philippine Ecosystems and Natural Resources (sa wikang Ingles). 15 (1–2): 1–30. Nakuha noong 18 Abril 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. U.S. Coast and Geodetic Survey (1919). "United States Coast Pilot, Philippine Islands, Part 1", pp. 41–44. Government Printing Office, Washington (sa Ingles)