Anyong tubig

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ilog Gambia na dumadaloy sa Niokolokoba National Park
Ang Puerto ng Jackson sa Sydney, Australia na napapaligiran ng anyong tubig

Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o nakapaloob ang isang anyong tubig; ang mga ilog, sapa, kanal, agusan, bambang at ibang katangiang pang-heograpiya kung saan dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar hanggang sa isa pang lugar ay tinturing din na anyong tubig.[1]

Mga uri ng anyong tubig[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Karagatan - ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indiyano, Karagatang Artiko, at ang Katimugang Karagatan.)
  • Dagat - malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, at Dagat Mindanao.)
  • Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
  • Look - isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)
  • Golpo - isang malawak na look.
  • Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
  • Bukal - anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
  • Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging kapuluan nito.
  • Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
  • Batis - isang ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Langbein, W.B.; Iseri, Kathleen T. (1995). "Hydrologic Definitions: Stream". Manual of Hydrology: Part 1. General Surface-Water Techniques (Water Supply Paper 1541-A). Reston, VA: USGS. http://water.usgs.gov/wsc/glossary.html#Stream. .