Pumunta sa nilalaman

Golpo ng Leyte

Mga koordinado: 10°50′00″N 125°25′00″E / 10.8333°N 125.4167°E / 10.8333; 125.4167
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Golpo ng Leyte
Leyte Gulf
Ang golpo sa Hinunangan, kasama ang mga Pulo ng San Pedro at San Pablo Islands sa may kalayuan
LokasyonSilangang Kabisayaan
Mga koordinado10°50′00″N 125°25′00″E / 10.8333°N 125.4167°E / 10.8333; 125.4167
Urigolpo
Mga pamayanan

Ang Golpo ng Leyte ay isang golpo sa rehiyon ng Silangang Kabisayaan sa Pilipinas. Bahagi ito ng Dagat Pilipinas ng Karagatang Pasipiko, at hinahangganan ito ng mga dalawang pulo: Samar sa dakong hilaga Leyte sa dakong kanluran. Sa timog ng golpo ay pulo ng Mindanao, na nakahiwalay sa Leyte sa pamamagitan ng Kipot ng Surigao.[1][2] Bahagyang pinalilibutan ng Pulo ng Dinagat ang golpo sa timog-silangan, at nakapuwesto sa silangang pasukan sa golpo ang mga pulo ng Homonhon at Suluan. Ito ay may humigit-kumulang 130 kilometro (80 milya) hilaga-patimog, at 60 kilometro (40 milya) silangan-pakanluran.[2]

Matatagpuan sa baybayin ng golpo ang ilang mga bayan: Balangiga, Giporlos, Guiuan, Lawaan, Mercedes, Quinapondan at Salcedo. Mayroon ding labing-isang mga marine reserve sa rehiyon ng golpo.[3]

Golpo ng Leyte malapit sa Guinsaugon, St. Bernard, Katimugang Leyte.

Naganap sa Golpo ng Leyte ang Labanan sa Golpo ng Leyte, na umabot sa Kipot ng Surigao noong Labanan sa Kipot ng Surigao, ang pinakamalaking labanan sa hukbong-dagat noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nagsimula sa katapusan ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.

Noong 2013, nagdulot ng daluyong ang Super Bagyong Yolanda sa Golpo ng Leyte. Bunga nito ang malawakang pagkawala ng buhay, ari-arian, at lupang pansaka sa mga baybayin ng Leyte.[4]

Tinukoy ng Pamantasang Estatal ng Visayas ang Golpo bilang isa sa mga mahalagang pangisdaan ng Leyte at Samar.[5] Tulad ng ibang mga mayaman na pangisdaan katulad ng Look ng Maqueda at Look ng Carigara, kilala ang golpo sa mga masaganang huli ng mga dilis, tamban, hipon, at alimasag.[6] Isa rin ito sa mga mayamang pinagkukunan ng alimango (Scylla serrata) noong 1985.[7] Bumaba ang pagkuha ng mga isda sa golpo dahil sa paggamit ng mga pampasabog sa pangingisda.[8] Winasak ng Super Bagyong Yolanda ang takip na matigas na sagay sa loob ng lugar ng golpo, na nagpabawas nang husto sa pagkuha ng isda.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Merriam-Webster's Geographic Dictionary, Third Edition, p. 647.
  2. 2.0 2.1 Woodward, C. Vann; Evan Thomas (1997). The Battle for Leyte Gulf: The Incredible Story of World War II's Largest Naval Battle. Skyhorse Publishing Inc. pp. 3–7. ISBN 1-60239-194-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. KÜHLMANN, K U (4 Abril 2002). "Evaluations of marine reserves as basis to develop alternative livelihoods in coastal areas of the Philippines". Aquaculture International. 10: 527–549. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Local amplification of storm surge by Super Typhoon Haiyan in Leyte Gulf". Geophysical Research Letters. 41 (14): 5106–5113. 28 Hulyo 2014. doi:10.1002/2014gl060689.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. dela Cruz, Rita (2003). "Commercially important seafoods in Samar and Leyte identified". Bureau of Agricultural Research. Bureau of Agricultural Research. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2015. Nakuha noong 23 Abril 2015. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Wernstedt, Frederick L.; Spencer, Joseph Earle (1967). The Philippine Island World: A Physical, Cultural, and Regional Geography. University of California Press. p. 466. Nakuha noong 23 Abril 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lee, Christopher. "A Brief Overview of the Ecology and Fisheries of the Mud Crab, Scylla serrata, IN QUEENSLAND" (PDF). Nakuha noong 23 Abril 2015. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  8. "Leyte Gulf attacked by dynamite fishers". www.aseanaffairs.com. Asean Affairs. 26 Oktubre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2016. Nakuha noong 23 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Pinili, Liberty A (6 Disyembre 2014). "Typhoon damaged reef, mangroves". Sun Star Cebu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-23. Nakuha noong 23 Abril 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)