Golpo ng Moro
Ang Golpo ng Moro ay ang pinakamalaking golpo sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa baybayin ng Mindanao, at bahagi ito ng Dagat Celebes. Isa ang golpo sa mga palaisdaan ng tuna sa bansa.[1]
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang golpo sa pagitan ng at pinapalibutan ng pangunahing bahagi ng Mindanao sa silangan, at ng Tangway ng Zamboanga ng Mindanao sa kanluran. Papunta sa golpo ang pangunahing daluyan ng tangway.[2]
Ang Look ng Sibuguey at Look ng Illana ay mga pangunahing look nito.
Ang Lungsod ng Zamboanga, na isang pandaigdigang pantalan, ay hinahangganan ng golpo at ng Dagat Celebes sa silangan.[3] Isa pang pangunahing pantalan sa rehiyon ang Lungsod ng Cotabato, na nasa silangang baybayin ng golpo.
Mga lindol
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Golpo ng Moro ay isa ring lugar ng mahalagang tektonikang aktibidad na may ilang mga sonang palya sa rehiyon na kayang makalikha ng mga pangunahing lindol at nakakapinsalang lokal na tsunami, tulad ng nakamiminsalang lindol sa Golpo ng Moro noong 1976 na ikinamatay ng higit sa 5,000 katao at nag-iwan sa higit sa 90,000 katao na walang tirahan nang tumama ito sa kanlurang baybayin ng Mindanao.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Barut, Noel. "National Tuna Fishery Report - Philippines" (PDF). School of Ocean and Earth Science and Technology. Marine Fisheries Research Division National Fisheries Research and Development Institute. Nakuha noong 4 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Carating, Rodelio B. (2014). Soils of the Philippines: World soils book series. Springer Science & Business. p. 61. ISBN 9401786828. Nakuha noong 4 Mayo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ZAMBOANGA PENINSULA". Department of Environment and Natural Resources. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 15 Agosto 2018. Nakuha noong 4 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)