Pumunta sa nilalaman

Lawa ng Victoria

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tanawing sagap ng satelayt ng Lawa ng Victoria.

Ang Lawa ng Victoria o Victoria Nyanza (tinatawag ding Ukerewe at Nalubaale) ay isa sa mga Dakilang mga Lawa ng Aprika.

Ang Lawa ng Victoria ay may 68,800 kuwadrado kilometro (26,600 milya kuwadrado) sa laki, ito ang pinakamalaki sa buong Aprika, ang pinakamalaking lawang tropikal sa buong mundo, at ang pangalawang pinakamalawak na tubig-tabang na lawa sa buong mundo[1] sa laki (pangatlong pinakamalaki kung titingnang ang Lake Michigan-Huron bilang iisang lawa). Spagkat malaki ito, ito ay mababaw lamang na may pinakamalaking lalim na 84metro (276 talampakan) at may mean depth na 40metro (131 talampakan), ang LAwa ng Victoria ay pimipito sa pinakamalaking tubig-alat na lawa sa boung mundo kung pinag-uusapan ang bolyum, na naglalaman ng 2.750 cubic kilometro (2.2 billion acre-feet) ng tubig. Ito ay ang pinagmumulang ng pinakamahabang sanga ng Ilog Nilo, ang Puting Nilo, at may drainage system ng 184,000 square kilometeres (71,040 sq mi). Ito ay isang bayolihikal na hotspot na may napakaraming mga organismo. Ang lawa ay nasa talampas sa kanlurang bahagi ng Lambak ng Great Rift ng Aprika at nasasakop ng mga bansang Tanzania, Uganda at ng Kenya. Ang lawa ay may dalampasigan ng 3,440 km (2,138 mi) at may mahigit 3,000 na pulo, karamihan dito ay tinitirhan. Kasama na sa mga pulong ito ay ang mga pulo ng Sesse sa Uganda, isang malaking grupo ng mga pulo hilagang kanluran ng lawa na nagiging kilala bilang isang destinasyong pang turista para sa mga turista.

Ang lawa ay bata pa; ang pangkasalukuyang basin nito ay nabuo lamang 400,000 taong nakakaraan lamang, nang ang mga ilog na pasilangan ay naipon ng isang harang sa lupa.[2] Ang kababawan ng lawa, limitadong daloy ng ilog, at malaking lawak ay nagagawang maging madalas maapektuhan ng mga climate change; ang mga sample mula sa ilalim ng lawa ay nagpapakitang tatlong beses na ito natuyo simula nang nabuo ito.[3] Ang mga siklong ito ay marahil may kaugnay sa mga nakalipas na ice age, na kung saan ang presipitasyon ay bumaba sa buong mundo.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "LAKE VICTORIA". www.ilec.or.jp. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-03. Nakuha noong 2008-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Reader, John. Africa. Washington, D.C.: National Geographic Society, 2001. p. 227
  3. 3.0 3.1 Reader, p. 228