Look ng Ormoc
Itsura
Look ng Ormoc | |
---|---|
Lokasyon | Pulo ng Leyte, Pilipinas |
Mga koordinado | 10°57′N 124°36′E / 10.950°N 124.600°E |
Uri | look |
Mga pamayanan |
Ang Look ng Ormoc ay isang malaking look sa pulo ng Leyte sa Silangang Kabisayaan, Pilipinas. Ang look ay isang karugtong ng Dagat Camotes. Ang lungsod ng Ormoc ay nasa ulo ng look at nagluluwas ng bigas, copra at asukal.
Ang Labanan sa Look ng Ormoc ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naganap mula Nobyembre 11 hanggang kalagitnaan ng Disyembre sa Look ng Ormoc noong kahulihan ng taong 1944. Binuo ito ng isang serye ng halos arawang mga sagupaan sa pagitan ng mga destroyer at mga labanan sa himpapawid. Ito ay nagbigay ng tiyak na resulta sa pagpapasiya ng huling bunga ng Labanan sa Golpo ng Leyte. Nawasak ang Ormoc sa kasagsagan ng labanan at ang kasalukuyang lungsod ay itinatayo sa mga guho nito.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- May kaugnay na midya ang Ormoc Bay sa Wikimedia Commons