Pumunta sa nilalaman

Lakandula

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lakan Dula)

Si Raha Lakandula (1503 - 1575), ay kilala bilang "Ang Dakilang Raha ng Tondo". Siya ang bukod tanging may prebilehiyo nang hindi pagbabayad ng buwis at pagiging malaya sa paghahanap-buhay. Subalit hindi nagtagal ang kaginhawang ito , sapagkat ito ay ipinatigil ni Governador Lavezares. Ito ang naging dahilan kung bakit nag-alsa si Raha Lakandula laban sa mga Kastila. Ngunit nang makita ni Raha Lakandula ang malakas na hukbo ni Legazpi, sinalubong at nakipagkaibigan siya kay Legazpi. Pinakiusapan niya si Raha Sulayman na tanggapin na ang pamamahala ng mga dayuhan, ngunit hindi maatim ni Raha Sulayman na makipagkaibigan sa mga Espanyol. Kaya ang ginawa ni Raha Sulayman ay tinipon niya ang kanyang mga tauhan at muling sinunog ang Maynila at saka tumakas. Lulan ng 40 malalaking bangka, patungo sa Bulacan at Pampanga at namamaybay sa Tondo sa bandang Bankusay. Hindi nabatid kung siya ay tumakas o namatay sa labanan.

Noong taong 1574, nagsimula ang labanang Raha Lakandula at ang mga Kastila. Noong 1587, ipinagpatuloy ito ng anak ni Raha Lakandula, si Magat Salamat. Ang dahilan ng kanilang paghihimagsik ay ang hindi pagtupad ng mga Kastila na ibalik ang prebelehiyo nila ng hindi pagbabayad ng buwis.


TalambuhayKasaysayanPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.