Magat Salamat
Si Magat Salamat (1550-1595) ay ang prinsipe ng Kaharian ng Tondo at ang pangalawang anak ni Raha Lakandula. Ipinagpatuloy niya ang pag-aalsa na sinimulan ni Raha Lakandula ang kanyang ama ang himagsikan laban sa mga Kastila. Noong 1575 dumaong ang barko ni Martin de Goiti, isang mananakop na Espanyol upang makipag-usap sa hari ng Maynila na si Rajah Lakandula. Noong una ay nagkaroon ng maayos na negosasyon sa magkabilang panig nina Lakandula at Martin de Goiti ngunit di nagtagal ay nagkaroon ng isang mainit na labanan sa Bangkusay, Tondo. Sa pamumuno ni Martin de Goiti at mahigit 500 Espanyol natalo nila ang hukbo nina Raha Lakandula at Sulayman na may 100 Pilipino lamang. Muli silang nag organisa ng isang plano laban kay Martin de Goiti pero sa pagkakataong ito ay katulong na nila si Panday Pira, isang Pilipinong panday na gumagawa ng mga espada, kanyon at marami pang kagamitan na may talim na nagbabalak magtayo ng mga kanyon sa bukana ng Ilog de Maynila (Pasig River ngayon). Sa tulong ng mahigit 5000 Pilipinong nakibahagi sa himagsikan 137 lamang ang nasawi sa labanan. Nanalo ang panig nina Magat Salamat laban sa mga Espanyol. Namatay si Magat Salamat habang siya ay nahimbing sa kanyang pagtulog noong taong 1595. Bilang pagpupugay sa kanya isang mababang paaralan sa may Tondo ang ipinangalan sa kanya. Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.