Dinastiyang Song
Song 宋
| |
---|---|
Kabisera | Bianjing (960–1127) Jiangning (1129–1138) Lin'an (1138–1276) |
Pamahalaan | Monarkiya |
KDP (nominal) | Pagtataya sa |
• Bawat kapita | 26.5 taels[1] |
Salapi | Jiaozi, Guanzi, Huizi, Salaping Tsino, Baryang Tsino, mga tansong barya, atbp. |
Dinastiyang Song | |||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tsino | 宋朝 | ||||||||||||||||||||||||||||
|
Ang dinastiyang Song ([sʊ̂ŋ];Tsino: 宋朝; pinyin: Sòng cháo; 960–1279) ay isang imperyal na dinastiyang Tsino na nagsimula noong 960 at tumagal hanggang 1279. Ang dinastiya ay itinatag ni Emperor Taizu ng Song kasunod ng kaniyang pag-agaw sa trono ng Huling Zhou, na nagtatapos sa Panahon ng Limang Dinastiya at Sampung Kaharian. Ang Song ay madalas katunggali ang mga kapanahunang dinastiyang Liao, Western Xia, at Jin. Sa naglaon ay nasakop ito ng dinastiyang Yuan na pinamunuan ng mga Mongol.
Ang pamahalaang Song ay ang una sa kasaysayan ng mundo na naglabas ng mga salaping papel o tunay na perang papel sa buong bansa at ang unang gobyerno ng Tsina na nagtatag ng isang permanenteng nakatayong hukbong-dagat. Sa dinastiyang din ito ang unang nakita ang paggamit ng pulbura, pati na rin ang unang pagtanto sa tunay na hilaga gamit ang isang aguhon.
Ang dinsatiyang Song ay nahahati sa dalawang magkakaibang panahon: Hilagang Song at Timog Song. Sa panahon ng Hilagang Song (Tsino: 北宋; 960–1127), ang kabesera ng Song ay nasa hilagang lungsod ng Bianjing (ngayon ay Kaifeng) at kontrolado ng dinastiya ang karamihan sa ngayong Silangang Tsina. Ang Timog Song (Tsino: 南宋; 1127–1279) ay tumutukoy sa panahon matapos mawala sa kontrol ng Song ang hilagang kalahati nito sa dinastiyang Jin na pinangunahan ng mga Jurchen sa Digmaang Jin–Song. Sa panahong ito, ang gobyerno ng Song ay umatras timog ng Yangtze at itinatag ang kabesera nito sa Lin'an (Hangzhou ngayon). Bagaman ang dinastiyang Song ay nawalan ng kontrol sa tradisyonal na "lugar ng kapanganakan ng sibilisasyong Tsino" sa tabi ng Ilog Dilaw, ang ekonomiya ng Song ay nanatiling malakas, dahil ang imperyo ng Timog Song ay mayroong isang malaking populasyon at produktibong lupain sa agrikultura. Ang dinastiyang Timog Song ay lalong nagpalakas sa hukbong pandagat nito upang ipagtanggol ang mga katubigan at hangganan nito at upang magsagawa ng mga misyon sa dagat sa ibang bansa. Upang maitaboy ang Jin, at kalaunan ang mga Mongol, ang Song ay bumuo ng bagong rebolusyonaryong teknolohiya ng militar na pinalakas ng paggamit ng pulbura.
Noong 1234, ang dinastiyang Jin ay sinakop ng mga Mongol, na kinontrol ang hilagang Tsina, humantong sa hindi kaaya-ayang ugnayan sa Timog Song. Si Möngke Khan, ang ika-apat na Dakilang Khan ng Imperyong Mongol, ay namatay noong 1259 habang kinubkob ang kastilyo ng bundok Diaoyucheng, Chongqing. Ang kainyang nakababatang kapatid na si Kublai Khan ay ipinahayag bilang bagong Dakilang Khan, kahit na ang kaniyang pag-angkin sa puwesto ay bahagya lamang kinikilala ng mga Mongol sa kanluran. Noong 1271, ipinahayag ni Kublai Khan na siya ang Emperador ng Tsina at itinatag ang dinastiyang Yuan.[2] Matapos ang dalwang dekada ng tagpi-tagping digmaan, sinakop ni Kublai Khan ang dinastiyang Song noong 1279, matapos nagdusa ang South Song sa Labanan ng Yamen. Ang pagsalakay ng mga Mongol, sa kalaunan, ay humantong sa muling pag-iisa ng mga Tsino sa ilalim ng dinastiyang Yuan.[3]
Ang populasyon ng Tsina ay dumoble sa laki noong ika-9, ika-10, at ika-11 siglo. Ang paglaking ito ay naging maaari sa pamamagitan ng pinalawak na paglilinang ng palay sa gitna at katimugang Song, ang paggamit ng maagang hinog na bigas mula sa timog-silangan at timog Asya, at ang paggawa ng laganap na mga labis na pagkain.[4][4] Ang senso ng Hilagang Song ay nakapagtala ng 20 milyong sambahayan, doble ng mga dinastiyang Han at Tang. Tinatayang ang Hilagang Song ay may populasyon na 90 milyong katao,[5] at 200 milyon sa panahon ng dinastiyang Ming.[6] Ang dramatikong pagtaas ng populasyon na ito ang nagsulong ng isang rebolusyon sa ekonomiya sa premodernong Tsina. Ang pagpapalawak ng populasyon, paglaki ng mga lungsod, at ang paglitaw ng isang pambansang ekonomiya ay humantong sa unti-unting pag-atras ng pamahalaang sentral mula sa direktang paglahok sa mga gawaing pang-ekonomiya. Ang mas mga mababang edukado nagtamo ng isang malaking tungkulin sa pangangasiwa at gawaing lokal. Ang mga itinalagang opisyal sa mga sentro ng bayan at panlalawigan ay umasa sa mga iskolaring dalubhasa para sa kanilang mga serbisyo, pagtataguyod, at lokal na pangangasiwa.
Ang buhay panlipunan sa panahon ng Song ay buhay na buhay. Ang mga mamamayan ay nagtipon upang tingnan at ipagkalakalan ang mahahalagang likhang sining, ang populasyon ay nagsalamuha sa mga pampublikong pagdiriwang at mga pribadong club, at ang mga lungsod ay mayroong buhay na buhay na mga baryo. Ang paglaganap ng panitikan at kaalaman ang napahusay ng mabilis na paglawak ng paglilimbag sa pamamagitan ng bloke ng kahoy at ang pag-imbento ng ika-11 siglong paglilimbag sa pamamagitan ng uring nalilipat paglilimbag. Ang teknolohiya, agham, pilosopiya, matematika, at inhinyeriya ay umunlad sa panahong Song. Ang mga pilosopo tulad nina Cheng Yi at Zhu Xi ay muling nagbigay ng sigla sa Confucianismo sa pamamagitan ng bagong komentaryo, na nagpasok ng mga kaisipang Budismo, at binigyang diin ang isang bagong pagsasama ng mga klasikong teksto na naglabas ng pangunahing doktrina ng Neoconfucianismo. Bagaman ang institusyon ng mga pagsusulit para sa serbisyo sibil ay umiiral na mula pa noong dinastiyang Sui, naging higit na tanyag ito sa panahon ng Song. Ang mga opisyal na nagkamit ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagtagumpay sa pagsusuri ng imperyal ay naging nangungunang salik sa paglipat mula sa mga naghaharing-uri mula sa militar-aristokratikrasya patungo sa mga naghaharing-uri mula sa iskolar-burokrata.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Broadberry, Stephen. "China, Europe and the Great Divergence: A study in historical national accounting, 980-1850" (PDF). Economic History Association. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 9 Enero 2021. Nakuha noong 15 Agosto 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rossabi 1988.
- ↑ Rossabi 1988, p. 76.
- ↑ 4.0 4.1 Ebrey, Walthall & Palais 2006, p. 156.
- ↑ Durand, John (1960). "The Population Statistics of China, A.D. 2-1953". Population Studies. 13 (3): 209–256. doi:10.2307/2172247. JSTOR 2172247.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Veeck et al. 2007, pp. 103–104.