Pumunta sa nilalaman

Palay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga butil ng hinog na palay
Mga iba't ibang uri ng bigas mula sa Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay (IRRI)
Bulaklak ng palay

Ang palay ay isang binutil at, sa domestikadong anyo nito, ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng mundo, lalo na sa Asya at Aprika. Tinatawag itong palay kapag tumutukoy sa halaman at hindi pa nakiskis, bigas kapag nakiskis na, at kanin kapag naluto na at naging pagkain.

Ang palay ay binhi ng espesyeng damo, Oryza sativa (Asyanong palay)—o, mas di-karaniwan, O. glaberrima (Aprikanong palay). Dinomestika ang Asyanong palay sa Tsina 13,500 hanggang 8,200 taon na ang nakalipas; dinomestika ang Aprikanong palay sa Aprika 3,000 taon na ang nakalipas. Naging karaniwan ang palay sa maraming kultura sa buong mundo; noong 2021, 787 milyong tonelada ng bigas ang naiprodyus, ikaapat pagkatapos ng tubo, mais, at trigo. Halos 8% ng bigas lamang ang ikinakalakal sa mga iba't ibang bansa. Tsina, Indiya, at Indonesya ang mga pinakamalaking konsyumer ng bigas. Malaking bahagi ng bigas na naipoprodyus sa mga umuunlad na bansa ang nasasayang matapos anihin dahil sa mga salik tulad ng di-maayos na transportasyon at pag-iimbak. Maaaring mabawasan ang ani ng palay dahil sa mga peste kagaya ng mga insekto, daga, at ibon, pati na rin mga panirang-damo, at dahil sa mga sakit tulad ng mata-mata. Sinisikap ng mga tradisyonal na polikultura ng palay tulad ng sabayang pagsasaka ng bigas at pato at modernong integradong pagsugpo ng peste na kontrolin ang pinsala mula sa mga peste sa likas-kayang paraan.

Tulad ng lahat ng mga pananim, nakasalalay ang paglaki ng palay sa mga biyotiko at abiyotikong salik sa kapaligiran. Kabilang sa mga pangunahing biyotikong salik ang pagkasari-sari ng pananim, mga peste, at sakit sa halaman. Kabilang sa mga abiyotikong salik ang uri ng lupa, kung kapatagan man o talampas ang pinagatataniman, dami ng tubig-ulan o tubig-irigasyon, temperatura, haba ng araw, at tindi ng sikat-araw.[1]

Maaaring itanim nang deretso ang punla sa bukid na magiging palayan na tinatawag na sabog-tanim, o maaaring patubuin ang punla sa punlaan at ililipat sa palayan na tinatawag na lipat-tanim. Kailangan ng halos 60 hanggang 80 kg ng butil kada ektarya ang sabog-tanim, habang mas kaunti ang kailangan sa lipat-tanim, mga 40 kg kada ektarya, ngunit mas matrabaho ito.[2] Sa Asya, inililipat-tanim sa kamay ang karamihan ng palay. Mas kaunting oras ang ginugugol sa de-makinang paglilipat-tanim ngunit kailangang paghandaan ang pagtatanimang lupa at kailangang kumasya ang mga punlang nakalagay sa punlaan sa makina.[3] Hindi nabubuhay ang palay kapag nakalubog nang patuloy-tuloy.[4]

Ang mga nakakaing espesye ng palay ay miyembro ng kladong BOP sa pamilya ng damo, Poaceae. Magkapatid ang subpamilya ng mga palay, Oryzoideae, kawayan, mga Bambusoideae, at mga siryal, Pooideae. Isa ang sari ng palay, Oryza, sa labing-isa na nasa Oryzeae; magkapatid ito at ang Phyllorachideae. Kabilang ang mga nakakaing espesye ng palay, O. sativa at O. glaberrima sa halos 300 espesye o subespesye sa sari.[5]

Poaceae

ibang damo



Kladong PACMAD

(hal. ang damong C4, mais, batad)


Kladong BOP
Oryzoideae

Streptogyneae




Ehrharteae




Phyllorachideae


Oryzeae

ligaw na palay hal. Zizania


Oryza

iba pang espesye at subespesye ng palay



O. sativa (Asyanong palay)



O. glaberrima (Aprikanong palay)









Bambusoideae (kawayan)



Pooideae (damo at siryal kab. trigo, sebada)







Bahorelyebe ng Borobudur noong ika-9 siglo sa Indonesya na naglalarawan ng bangan at palayan na pinamumugran ng daga.

Unang dinomestika ang palay na Oryza sativa sa Tsina 9,000 ang nakalipas,[6] ng mga taong Neolitiko mula sa Mataas and Mababang Yangtze, na may kaugnayan sa mga nagsasalita ng Hmong-Mien at mga pre-Austronesyo, ayon sa pagkabanggit.[7][8][9][10] Magkapareho sa indica at japonica ang alelong punsiyonal para sa nonshattering, ang kritikal na sukatan ng domestikasyon sa mga binutil, pati na rin ang limang iba pang isang-nukleotidong polimorpismo. Nagpapahiwatig ito ng solong pagdodomestika ng O. sativa.[11] Kapwa nagmula ang indica at japonica, dalawang anyo ng Asyanong palay, mula sa iisang pagdodomestika mula sa Oryza rufipogon, isang ligaw na palay.[12][11] Sa kabila ng ebidensiyang ito, mukhang lumitaw ang indica nang dumating ang japonica sa Indiya mga 4,500 taon ang nakalipas at naghibrido sa isa pang uri ng palay, proto-indica man na hindi domestikado o ligaw na O. nivara.[13]

Ipinakilala ang palay sa mga kulturang Sino-Tibetano sa hilagang Tsina mga 6,000 hanggang 5,600 taon ang nakalipas,[14][15][8] at sa tangway ng Korea at Hapon mga 5,500 hanggang 3,200 taon ang nakalipas.[16][17] Dinala rin ito sa Taiwan ng kulturang Dapenkeng mga 5,500 hanggang 4,000 taon ang nakalipas, bago ito kumalat patimog sa pagdarayo ng mga Austronesyo papunta sa Maritimong Timog-silangang Asya, Madagaskar, at Guam, ngunit hindi umabot sa mga iba pang bahagi ng Pasipiko.[7][18][19] Dumating ito sa mga nagsasalita ng mga wikang Austroasyatiko at Kra-Dai sa Kalupaang Timog-silangang Asya at timog Tsina 5,000 taon ang nakalipas.[7][20]

Paglilinang, migrasyon at kalakalan ang nagpalaganap ng palay sa buong mundo, at kalaunang nakarating sa Kaamerikahan bilang bahagi ng Palitang Kolumbiyano pagkatapos ng 1492.[21] Dinomestika nang hiwalay ang Oryza glaberrima (Aprikanong palay), na ngayon ay di-gaanong karaniwan, sa Aprika mga 3,000 taon ang nakalipas,[21] at ipinakilala sa Kaamerikahan ng mga Kastila.[22]

Produksiyon ng bigas – 2021
Bansa Milyong tonelada
 Tsina 213
 Indiya 195
 Bangladesh 57
 Indonesya 54
 Vietnam 44
 Thailand 30
Mundo 787[23]

Noong 2021, 787 milyong tonelada ang naiprodyus na bigas ng buong mundo, pinangunahan ng Tsina at Indiya na kapag ipinagsama ay bumubuo sa 52% ng kabuuan.[23] Ikaapat ang naging puwesto nito sa talaan ng mga pananim ayon sa produksiyon, pagkatapos ng tubo, mais, at trigo.[24] Banglades, Indonesya at Biyetnam ang mga ibang pangunahing prodyuser.[24] Nasa Asya ang 90% ng produksiyon ng mundo.[25]

Kasiguruhan sa pagkain

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang pangunahing isteypol ang bigas sa Asya, Amerikang Latino, at ilang bahagi ng Aprika,[26] na nagpapakain sa higit sa kalahati ng populasyon ng mundo.[25] Subalit maaaring masayang ang malaki-laking bahagi ng pananim matapos anihin dahil sa di-episyenteng transportasyon, pag-iimbak, at paggiling. Sangkapat ng ani sa Niherya ang nasasayang pagktapos ng pag-aani. Kabilang sa mga pagkasayang sa pag-iimbak ang pinsala dahil sa amag kung kulang ang pagpapatuyo sa bigas. Sa Tsina, 0.2% lamang ang nasasayang sa mga modernong metal na silo, kumpara sa 7-13% kapag inimbak ang bigas sa mga kabahayan sa kanayunan.[27]

Mas maliit ang mga numero ng kalakalan sa mundo kumpara sa mga numero ng produksiyon, dahil 8% lamang ng naprodyus na bigas ang ikinakalakal sa mga ibang bansa. Ang Tsina, isang tagaluwas ng bigas noong simula ng d. 2000, ay naging ang pinakamalaking mang-aangkat ng bigas pagsapit ng 2013.[28] Nangunguna ang mga bansang umuunlad sa pandaigdigang pangangalakal ng bigas; pagsapit ng 2012, naging pinakamalaking tagaluwas ng bigas ang Indiya, na sinundan ng Taylandiya at Biyetnam bilang mga iba pang pinakamalaking tagaluwas.[29]

Pagkonsumo sa buong mundo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagsapit ng 2016, ang mga bansa na nagkonsumo ng pinakamaraming bigas ay Tsina (29% ng kabuuan), Indiya, at Indonesya.[30] Noong 2020, nakuha ng Banglades ang ikatlong puwesto mula sa Indonesya. Sa taunang aberahe mula 2020-23, nagkonsumo ang Tsina ng 154 milyong tonelada ng bigas, nagkonsumo ang Indiya ng 109 milyong tonelada, at kapwa nagkonsumo ang Banglades at Indonesya ng halos 36 milyong tonelada. Sa buong mundo, bumaba ang pagkonsumo ng bigas kada tao sa ika-21 siglo dahil mas kaunti ang nakaing binutil at mas maraming nakaing karne ang mga tao sa Asya at iba pang lugar. Isang eksepsiyon ang Subsaharyanang Aprika, kung saan kapwa pataas ang pagkonsumo ng bigas kada tao at populasyon.[31]

Mga peste, panirang-damo, at sakit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga peste at panirang-damo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang atangya o rice ear bug (Leptocorisa oratorius)

Maaaring mabawasan ang maaaning palay dahil sa paglago ng mga panirang-damo, at sa mga samu't saring peste kabilang ang mga insekto, nematodo, daga, kuhol, at ibon.[32] Kabilang sa mga pangunahing peste sa palay ang mga harabas, atangya, mamumulpol, kamaru, kuliglig, tipaklong, at ngusong-kabayo.[33] Maaaring palalain ng pagkasobrang paglalagay ng patabang nitrohino ang pagsalot ng mga dapulak.[34]

Palay na may kulugo mula sa Tagbong Pili, Camarines Sur

Ang mata-mata o rice blast na dala ng Magnaporthe grisea, isang halamang-singaw, ay ang pinakamalubhang sakit sa pagtatanim ng palay.[35] Ito at bacterial leaf streak (dulot ng Xanthomonas oryzae pv. oryzae) ang dalawa sa pinakamalalang sakit sa palay sa buong mundo; kabilang ang dalawa sa sampung pinakapabigat na sakit sa lahat ng mga inaaning pananim.[36]

Pagsugpo ng peste

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagdedebelop ang mga siyentipiko sa proteksiyon ng pananim ng mga likas-kayang pamamaraan sa pagsugpo ng mga peste ng palay.[37] Nakabatay ang likas-kayang pagsugpo ng mga peste sa apat na prinsipyo: biyodibersidad, resistensiya ng pananim, ekolohiya ng paligid, at herakiya ng kapaligiran—mula biyolohikal hanggang panlipunan.[38] Kadalasang di-kailangan ang pestisidyong nilalagay ng mga magsasaka.[39] Sa katunayan, maaaring udyukin ng mga pestisidyo ang pagdagsa ng mga peste tulad ng kayumangging ngusong-kabayo, kapwa sa pagpapatay sa mga insektong kapaki-pakinabang at sa pagpapatulong sa pagpaparami ng peste.[40] Ipinakita ng Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay (IRRI) noong 1993 na maaaring humantong ang 87.5% pagbawas sa paggamit ng pestisidyo sa isang pangkalahatang pagbaba sa bilang ng mga peste.[41]

Pinapastol ng isang magsasaka ang kanyang mga itik sa palayan, Gitnang Java

Kinasanayan ng mga magsasaka sa Tsina, Indonesya at Pilipinas ang pagsugpo ng mga panirang-damo at peste sa pamamagitan ng polikultural na gawain ng pag-aalaga ng mga pato at minsan, isda, sa kanilang palayan. Kabilang sa mga benepisyo ang sumusunod: nadaragdagan ang mahahalagang pananim, kinakain ang mga maliliit na peste, pinapataba ang palay, at kung pato ang pinag-uusapan, kinokontrol ang mga panirang-damo.[42][43]

Nagpoprodyus ang mga palay ng sariling panlabang kemikal upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga peste. Pinapataas ng ilang sintetikong kemikal, tulad ng herbisidang 2,4-D, ang produksiyon ng halaman ng ilang mga panlabang kemikal at sa gayon pinapataas ang resistensiya ng halaman laban sa ilang uri ng mga peste.[44] Sa kabaligtaran naman, nag-uudyok ang ibang mga kemikal, tulad ng imidacloprid, isang pamatay-insekto, ng mga pagbabago sa ekspresiyon ng heno, at sa ganoon, nagiging mas madaling tablan ang halaman sa ilang uri ng peste.[45]

Nakalikha ang mga manlalahi ng halaman ng mga kultibar ng palay na may resistensiya laban sa mga iba't ibang pesteng insekto. Nalimitahan ang kombensiyonal na pagpapalahi ng mga baryanteng di-tinatablan ng mga hamon tulad ng pagpapalaki ng mga pesteng insekto para sa pagsusuri, at ang pagkasari-sari at patuloy na ebolusyon ng mga peste. Hinahanap ang mga henong panresistensiya mula sa mga ligaw na uri ng palay, at ginagamit din ang mga pamamaraan ng henetikong inhinyeriya.[46]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Beighley, Donn H. (2010). "Growth and Production of Rice". Sa Verheye, Willy H. (pat.). Soils, Plant Growth and Crop Production Volume II [Pagpapalaki ng Palay at Produksiyon ng Bigas] (sa wikang Ingles). EOLSS Publishers. p. 49. ISBN 978-1-84826-368-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "How to plant rice" [Paano magtanim ng palay] (sa wikang Ingles). Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay. Nakuha noong Disyembre 29, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Transplanting" [Paglilipat-tanim] (sa wikang Ingles). Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay. Nakuha noong Disyembre 29, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Uphoff, Norman. "More rice with less water through SRI - the System of Rice Intensification" [Mas maraming palay sa mas kaunting tubig sa pamamgitan ng SRI - ang Sistema ng Pagpapatindi ng Palay] (PDF) (sa wikang Ingles). Cornell University. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Disyembre 26, 2011. Nakuha noong Mayo 13, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Soreng, Robert J.; Peterson, Paul M.; Romaschenko, Konstantin; Davidse, Gerrit; Teisher, Jordan K.; Clark, Lynn G.; Barberá, Patricia; Gillespie, Lynn J.; Zuloaga, Fernando O. (2017). "A worldwide phylogenetic classification of the Poaceae (Gramineae) II: An update and a comparison of two 2015 classifications" [Isang pandaigdigang pilohenetikong klasipikasyon ng Poaceae (Gramineae) II: Isang update at paghahambing ng dalawang klasipikasyon noong 2015]. Journal of Systematics and Evolution (sa wikang Ingles). 55 (4): 259–290. doi:10.1111/jse.12262. hdl:10261/240149. ISSN 1674-4918.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Fornasiero, Alice; Wing, Rod A.; Ronald, Pamela (2022). "Rice domestication" [Pagdodomestika ng palay]. Current Biology (sa wikang Ingles). 32 (1): R20–R24. Bibcode:2022CBio...32..R20F. doi:10.1016/j.cub.2021.11.025. PMID 35015986.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 Bellwood, Peter (Disyembre 9, 2011). "The Checkered Prehistory of Rice Movement Southwards as a Domesticated Cereal—from the Yangzi to the Equator" (PDF). Rice. 4 (3–4): 93–103. Bibcode:2011Rice....4...93B. doi:10.1007/s12284-011-9068-9. S2CID 44675525. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Enero 24, 2019. Nakuha noong Enero 24, 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 He, Keyang; Lu, Houyuan; Zhang, Jianping; Wang, Can; Huan, Xiujia (Hunyo 7, 2017). "Prehistoric evolution of the dualistic structure mixed rice and millet farming in China". The Holocene. 27 (12): 1885–1898. Bibcode:2017Holoc..27.1885H. doi:10.1177/0959683617708455. S2CID 133660098. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 20, 2021. Nakuha noong Marso 29, 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Hsieh, Jaw-shu; Hsing, Yue-ie Caroline; Hsu, Tze-fu; Li, Paul Jen-kuei; Li, Kuang-ti; Tsang, Cheng-hwa (Disyembre 24, 2011). "Studies on Ancient Rice—Where Botanists, Agronomists, Archeologists, Linguists, and Ethnologists Meet". Rice. 4 (3–4): 178–183. Bibcode:2011Rice....4..178H. doi:10.1007/s12284-011-9075-x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Zhang, Chi; Hung, Hsiao-Chun (2008). "The Neolithic of Southern China – Origin, Development, and Dispersal" (PDF). Asian Perspectives. 47 (2). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Enero 25, 2019. Nakuha noong Enero 25, 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 Vaughan, D.A.; Lu, B.; Tomooka, N. (2008). "The evolving story of rice evolution" [Ang nag-eebolb na kuwento ng ebolusyon ng palay]. Plant Science (sa wikang Ingles). 174 (4): 394–408. Bibcode:2008PlnSc.174..394V. doi:10.1016/j.plantsci.2008.01.016. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 24, 2020. Nakuha noong Marso 29, 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Molina, J.; Sikora, M.; Garud, N.; Flowers, J. M.; Rubinstein, S.; atbp. (2011). "Molecular evidence for a single evolutionary origin of domesticated rice" [Ebidensiyang molekular para sa isang natatanging pinagmulan ng domestikadong palay]. Proceedings of the National Academy of Sciences (sa wikang Ingles). 108 (20): 8351–8356. Bibcode:2011PNAS..108.8351M. doi:10.1073/pnas.1104686108. PMC 3101000. PMID 21536870.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Choi, Jae; atbp. (2017). "The Rice Paradox: Multiple Origins but Single Domestication in Asian Rice" [Ang Kabalintunaan ng Palay: Maraming Pinagmulan ngunit Iisang Domestikasyon sa Asyanong Palay]. Molecular Biology and Evolution (sa wikang Ingles). 34 (4): 969–979. doi:10.1093/molbev/msx049. PMC 5400379. PMID 28087768.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Zhang, Jianping; Lu, Houyuan; Gu, Wanfa; Wu, Naiqin; Zhou, Kunshu; atbp. (Disyembre 17, 2012). "Early Mixed Farming of Millet and Rice 7800 Years Ago in the Middle Yellow River Region, China". PLOS ONE. 7 (12): e52146. Bibcode:2012PLoSO...752146Z. doi:10.1371/journal.pone.0052146. PMC 3524165. PMID 23284907.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Fuller, Dorian Q. (2011). "Pathways to Asian Civilizations: Tracing the Origins and Spread of Rice and Rice Cultures". Rice. 4 (3–4): 78–92. Bibcode:2011Rice....4...78F. doi:10.1007/s12284-011-9078-7.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Crawford; Shen (1998). "The Origins of rice agriculture: recent progress in East Asia" [Ang Pinagmulan ng agrikultura ng palay: kamakailang pag-unlad sa Silangang Asya]. Antiquity (sa wikang Ingles). 72 (278): 858–866. doi:10.1017/S0003598X00087494. S2CID 162486123.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Crawford, G. W. & Lee, G.-A. (Marso 2003). "Agricultural Origins in the Korean Peninsula" [Mga Pinagmulan ng Agrikultura sa Tangway ng Korea]. Antiquity (sa wikang Ingles). 77 (295): 87–95. doi:10.1017/s0003598x00061378. S2CID 163060564.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Beaujard, Philippe (Agosto 2011). "The first migrants to Madagascar and their introduction of plants: linguistic and ethnological evidence" [Ang mga unang migrante sa Madagaskar at ang kanilang pagpapakilala ng mga halaman: ebidensiya sa lingguwistika at etnolohiya] (PDF). Azania: Archaeological Research in Africa (sa wikang Ingles). 46 (2): 169–189. doi:10.1080/0067270X.2011.580142. S2CID 55763047. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Hulyo 31, 2019. Nakuha noong Hulyo 31, 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Carson, Mike T. (2012). "An overview of latte period archaeology" [Pangkalahatang-ideya ng arkeolohiya ng panahong latte] (PDF). Micronesica (sa wikang Ingles). 42 (1/2): 1–79. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Abril 12, 2019. Nakuha noong Enero 25, 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Higham, Charles F. W.; Douka, Katerina; Higham, Thomas F. G.; Hart, John P. (Setyembre 18, 2015). "A New Chronology for the Bronze Age of Northeastern Thailand and Its Implications for Southeast Asian Prehistory" [Bagong Kronolohiya para sa Panahon ng Tanso ng Hilagang-silangang Taylandiya at ang mga Implikasyon nito para sa Preistorya ng Timog-silangang Asya]. PLOS ONE (sa wikang Ingles). 10 (9): e0137542. Bibcode:2015PLoSO..1037542H. doi:10.1371/journal.pone.0137542. PMC 4575132. PMID 26384011.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 Choi, Jae Young (Marso 7, 2019). "The complex geography of domestication of the African rice Oryza glaberrima" [Ang kumplikadong heograpiya ng domestikasyon ng Aprikanong palay Oryza glaberrima]. PLOS Genetics (sa wikang Ingles). 15 (3): e1007414. doi:10.1371/journal.pgen.1007414. PMC 6424484. PMID 30845217.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. National Research Council (1996). "African Rice". Lost Crops of Africa: Volume I: Grains [Mga Nawalang Pananim ng Aprika: Bolyum I: Mga Binutil] (sa wikang Ingles). Bol. 1. National Academies Press. doi:10.17226/2305. ISBN 978-0-309-04990-0. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 22, 2009. Nakuha noong Hulyo 18, 2008.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 "Rice production in 2021; Crops/Regions/World list/Production Quantity/Year (from pick lists)" [Produksiyon ng bigas noong 2021; Pananim/Rehiyon/Talaan ng mundo/Dami ng Produksiyon/Taon (mula sa mga pick list)] (sa wikang Ingles). FAOSTAT, UN Food and Agriculture Organization, Corporate Statistical Database. 2023. Nakuha noong Disyembre 4, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 24.2 World Food and Agriculture – Statistical Yearbook 2021 [Pagkain at Agrikultura ng Mundo – Taunang Aklat ng Estadistika ng 2021] (sa wikang Ingles). United Nations Food and Agriculture Organization. 2021. doi:10.4060/cb4477en. ISBN 978-92-5-134332-6. S2CID 240163091. Nakuha noong Disyembre 10, 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 Fukagawa, Naomi K.; Ziska, Lewis H. (Oktubre 11, 2019). "Rice: Importance for Global Nutrition" [Bigas: Kahalagahan para sa Pandaigdigang Nutrisyon]. Journal of Nutritional Science and Vitaminology (sa wikang Ingles). 65 (Supplement): S2–S3. doi:10.3177/jnsv.65.S2. ISSN 0301-4800. PMID 31619630.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Food Staple" [Pagkaing Isteypol] (sa wikang Ingles). National Geographic Education. Nakuha noong Disyembre 6, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Kumar, Deepak; Kalita, Prasanta (Enero 15, 2017). "Reducing Postharvest Losses during Storage of Grain Crops to Strengthen Food Security in Developing Countries" [Pagbabawas sa Sayang Pagkatapos ng Pag-aani habang Naka-imbak Ang Mga Binutil upang Patatagin ang Kasiguruhan sa Pagkain sa Mga Umuunlad na Bansa]. Foods (sa wikang Ingles). 6 (1): 8. doi:10.3390/foods6010008. ISSN 2304-8158. PMC 5296677. PMID 28231087.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Cendrowski, Scott (Hulyo 25, 2013). "The Rice Rush" [Pagkukumahog sa Bigas]. Fortune (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 4, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Chilkoti, A. (Oktubre 30, 2012). "India and the Price of Rice" [Indiya at ang Presyo ng Bigas]. Financial Times (sa wikang Ingles). London. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 20, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Global rice consumption continues to grow" [Tumataas pa rin ang pandaigdigang pagkonsumo ng bigas] (sa wikang Ingles). Grain Central. Marso 26, 2018. Nakuha noong Disyembre 5, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Rice Sector at a Glance" [Sektor ng Bigas sa Isang Sulyap] (sa wikang Ingles). Economic Research Service, US Department of Agriculture. Setyembre 27, 2023. Nakuha noong Disyembre 5, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Pests and diseases management" [Pagsugpo ng mga peste at sakit] (sa wikang Ingles). International Rice Research Institute. Nakuha noong Enero 4, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Insects" [Mga Insekto] (sa wikang Ingles). International Rice Research Institute. Nakuha noong Enero 4, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Jahn, Gary C.; Almazan, Liberty P.; Pacia, Jocelyn B. (2005). "Effect of Nitrogen Fertilizer on the Intrinsic Rate of Increase of Hysteroneura setariae (Thomas) (Homoptera: Aphididae) on Rice (Oryza sativa L.)" [Epekto ng Patabang Nitrohino sa Likas na Antas ng Pagdami ng Hysteroneura setariae (Thomas) (Homoptera: Aphididae) sa Palay (Oryza sativa L.)]. Environmental Entomology (sa wikang Ingles). 34 (4): 938. doi:10.1603/0046-225X-34.4.938. S2CID 1941852.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Dean, Ralph A.; Talbot, Nicholas J.; Ebbole, Daniel J.; atbp. (Abril 2005). "The genome sequence of the rice blast fungus Magnaporthe grisea" [Ang sekwensiyang henoma ng halamang-singaw ng mata-mata, Magnaporthe grisea]. Nature (sa wikang Ingles). 434 (7036): 980–986. Bibcode:2005Natur.434..980D. doi:10.1038/nature03449. PMID 15846337.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Liu, Wende; Liu, Jinling; Triplett, Lindsay; Leach, Jan E.; Wang, Guo-Liang (Agosto 4, 2014). "Novel Insights into Rice Innate Immunity Against Bacterial and Fungal Pathogens" [Naiibang Pananaw sa Likas na Imyunidad Laban sa Mga Patohenong Bakterya at Halamang-Singaw]. Annual Review of Phytopathology (sa wikang Ingles). 52 (1): 213–241. doi:10.1146/annurev-phyto-102313-045926. ISSN 0066-4286. PMID 24906128.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Jahn, Gary C.; Khiev. B.; Pol, C.; Chhorn, N.; Pheng, S.; Preap, V. (2001). "Developing sustainable pest management for rice in Cambodia". Sa Suthipradit S.; Kuntha C.; Lorlowhakarn, S.; Rakngan, J. (mga pat.). Sustainable Agriculture: Possibility and Direction [Likas-Kayang Agrikultura: Posibilidad at Direksiyon] (sa wikang Ingles). Bangkok (Thailand): National Science and Technology Development Agency. pp. 243–258.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Savary, S.; Horgan, F.; Willocquet, L.; Heong (2012). "A review of principles for sustainable pest management in rice" [Isang pagsusuri ng mga prinsipyo ng likas-kayang pagsugpo ng peste sa palay]. Crop Protection (sa wikang Ingles). 32: 54. Bibcode:2012CrPro..32...54S. doi:10.1016/j.cropro.2011.10.012.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Bangladeshi farmers banish insecticides". SCIDEV.net. Hulyo 30, 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 26, 2008. Nakuha noong Mayo 13, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Wu, Jincai; Ge, Linquan; Liu, Fang; Song, Qisheng; Stanley, David (Enero 7, 2020). "Pesticide-Induced Planthopper Population Resurgence in Rice Cropping Systems" [Paglaki ng Populasyon ng Ngusong-kabayo sa Mga Palayan Dahil sa Pestisidyo]. Annual Review of Entomology (sa wikang Ingles). 65 (1): 409–429. doi:10.1146/annurev-ento-011019-025215. ISSN 0066-4170. PMID 31610135. S2CID 204702698.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Hamilton, Henry Sackville (Enero 18, 2008). "The pesticide paradox" [Ang kabalintunaan ng pestisidyo] (sa wikang Ingles). International Rice Research Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 19, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Bezemer, Marjolein (Oktubre 23, 2022). "Mixed farming increases rice yield" [Tumataas ang ani dahil sa pinaghalong pagsasaka]. reNature Foundation (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 11, 2019. Nakuha noong Enero 2, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Cagauan, A. G.; Branckaert, R. D.; Van Hove, C. (2000). "Integrating fish and azolla into rice-duck farming in Asia" [Pag-iintegrado ng mga isda at azolla sa pagsasaka ng palay at pato sa Asya] (PDF). Naga (ICLARM Quarterly) (sa wikang Ingles). 23 (1): 4–10. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2024-03-14. Nakuha noong 2024-06-23.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Xin, Zhaojun; Yu, Zhaonan; Erb, Matthias; Turlings, Ted C. J.; Wang, Baohui; atbp. (Abril 2012). "The broad-leaf herbicide 2,4-dichlorophenoxyacetic acid turns rice into a living trap for a major insect pest and a parasitic wasp". The New Phytologist. 194 (2): 498–510. doi:10.1111/j.1469-8137.2012.04057.x. PMID 22313362.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Cheng, Yao; Shi, Zhao-Peng; Jiang, Li-Ben; Ge, Lin-Quan; Wu, Jin-Cai; Jahn, Gary C. (Marso 2012). "Possible connection between imidacloprid-induced changes in rice gene transcription profiles and susceptibility to the brown plant hopper Nilaparvatalugens Stål (Hemiptera: Delphacidae)". Pesticide Biochemistry and Physiology. 102–531 (3): 213–219. Bibcode:2012PBioP.102..213C. doi:10.1016/j.pestbp.2012.01.003. PMC 3334832. PMID 22544984.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Makkar, Gurpreet Singh; Bhatia, Dharminder; Suri, K.S.; Kaur, Simranjeet (2019). "Insect resistance in Rice (Oryza sativa L.): overview on current breeding interventions" [Resistensiya ng Palay (Oryza sativa L.) laban sa insekto: buod sa kasalukuyang mga interbensiyon sa pagpapalahi]. International Journal of Tropical Insect Science (sa wikang Ingles). 39 (4): 259–272. doi:10.1007/s42690-019-00038-1. ISSN 1742-7592. S2CID 202011174.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)