Pumunta sa nilalaman

Palitang Kolumbiyano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
katutubong halaman sa Bagong Mundo. Paikot sa kanan, mula sa kaliwang tuktok: 1. Mais (Zea mays) 2. Kamatis (Solanum lycopersicum) 3. Patatas (Solanum tuberosum) 4. Baynilya (Vanilla) 5. Pará rubber tree (Hevea brasiliensis) 6. Kakaw (Theobroma cacao) 7. Tabako (Nicotiana rustica)
katutubong halaman sa Lumang Mundo. Paikot sa kanan, mula sa kaliwang tuktok: 1. Citrus (Rutaceae); 2. Mansanas (Malus domestica); 3. Saging (Musa); 4. Mangga (Mangifera); 5. Sibuyas (Allium); 6. Kape (Coffea); 7. Trigo (Triticum spp.); 8. Kanin (Oryza sativa)

Ang Palítang Kolumbiyano o ang Dakilang Palítan ay ang malawakang paglilipat ng mga hayop, halaman, kultura, populasyon ng tao, teknolohiya, at mga ideya sa pagitan ng hating-globo ng Kaamerikahan at Apro-Eurasya noong ika-15 at ika-16 na siglo, may kinalaman ito sa Europeong Kolonisasyon at kalakalan matapos ang paglalayag ni Christopher Columbus noong 1492.[1] Bamaga't hindi intensiyonal, ang mga nakakahawang sakit ay isa sa mga kaakibat na produkto ng palítan.

Ang pakikisama sa pagitan ng dalawang lugar ay nagpalaganap ng iba't ibang uri ng bagong pananim at paghahayupan, na sumuporta sa tumataas na populasyon sa dalawang hating-globo, bagaman ang mga sakít ay nagdulot ng matinding pagbabâ ng bílang ng mga katutubong tao ng Kaamerikahan. Ang mga mangangalakal ay bumalik sa Europa na may dalang mais, patatas, at kamatis, na naging mga mahalagang pananim sa Europa noong ika-18 na siglo. Pinakilala rin ng mga Europeo ang kasaba at mani sa tropikal na Asya at Kanlurang Aprika, kung saan pinayabong nila ang lupa nito na dáting walang kakayahang mamunga nang marami.

Ang terminong ito ay unang ginamit noong 1972 ng Amerikanong historyador na si Alfred W. Crosby sa kaniyang kasaysayang pangkalikasang aklat na The Columbian Exchange.[2] Ito ay mabilis na hinalaw ng mga iba pang histroyador at mamamahayag at naging sikát na ito.

Pinagmulan ng termino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong taóng 1972, nilimbag ni Alfred W. Crosby, isang Amerikanong historyador, ang The Columbian Exchange.[2] sa Unibersidad ng Texas sa Austin. Nasa aklat din na ito ang mga epekto sa kapaligiran ng pagdating ni Columbus sa bagong mundo. Ang terminong ito ay naging sikát sa mga historyador at mga mamamahayag, tulad ni Charles C. Mann, at ang libro niyang 1493 ay nagpalawak at in-update ang orihinal na saliksik ni Crosby.

Bago pa ang AD 1500, ang mga patatas ay hindi pa tinatanim sa labas ng Timog Amerika. Noong mga 1840s, ang Ireland ay sobrang umasa sa patatasa na ang pinakamalápit na sanhi ng Dakilang Taggutom ay isang sakít ng patatas. Ang mais at kasaba na ipinakilala ng mga Portuges mula sa Timog Amerika noong ika-16 na siglo, ay napalitan ng[3] batad at millet bílang pinakamahalagang pagkaing pananim ng Aprika.[4] Noong ika-16 ipinakilala sa Asya ng mga Kastilang kolonisador ang mga bagong pananim ng sangkap na hilaw sa bagong pangunahing ani mula sa Amerika, kabílang ang mais at kamote. Isa ito sa mga nagdulot ng pagtaas ng populasyon sa Asya.[5]

Ang mga kamatis na dinala sa Europa mula sa Bagong Mundo dahil sa Espanya, ay una nang inaalagaan sa Italya para sa kanilang halagang ornamentál. Mula ika-19 na dantaon, ang mga sarsa ng kamatis ay naging karaniwan sa lútong Neapolitano at pagkaing Italyano. Ang kape (pinakilala sa Amerika circa 1720) mula sa Aprika at Gitnang Silangan, at tubo (pinakilala mula sa Timog Asya) mula sa Spanish West Indies ang naging pangunahing export commodity crops Ng ekstensibong Amerikang Latinong plantasyon. Pinakilala naman sa India ng mga Portuges, ang sili at patatas mula sa Timog Amerika ay naging malaking parte ng Indian cuisine.[6]

Bago ang Palitang Kolumbiyano, walang pang mga kahel sa Florida, walang saging sa Ecuador, walang paprika sa Hungary, walang patatas sa Ireland, walang kape sa Colombia, walang pinya sa Hawaii, walang punò ng goma sa Aprika, walang sili sa Thailand, walang kamatis sa Italya, at walang tsokolate sa Switzerland.

Sa umpisa, and palitan ng mga hayop ay dumaan lang sa isang ruta, mula Europe papunta sa Bagong Mundo, habang and mga rehiyong Eurasyano ay nagpaamo ng mas maraming hayop. Mga kabayo, asno, mula, baboy, baka, tupa, kambing, manok, malalaking aso, pusa at bubuyog ay mabilis na in-adopt ng mga katutubo para sa transportasyon, pagkain, at iba pang gámit. Isa sa mga kauna-unahang Europeong kalakal papunta sa Amerika ang mga kabayo, at ito ang nagpabago ng búhay ng maraming tribo ng katutubong Amerikano sa mga kabundukan. Naging nomadiko o lagalag ang kanilang pamumuhay, na dati ay agrikultural, nangaso sila ng bison habang nakasakay sa kabayo at bumabâ sa Dakilang Kapatagan. Pinalawak ng mga natitiráng tribo ang kanilang teritorya sa pamamagitan ng pangangabayo. Ang mga hayop ay tinuring na sobrang importante pati ang pagkakaroon ng mga kabalyada ay naging sukatán ng yaman ng isang tao.

Ipinagpapalagay rin na ang yellow fever ay nadalá sa Amerika mula sa Aprika sa pamamagitan ng Kalakalang Alipin ng Atlantiko. Dahil ito ay endemiko sa Aprika, maraming tao roon ang mayroon nang immunity sa sakít na iyon. Ang mga Europeo ay nagdusa sa mas mataas na tsansa ng kamatayan kaysa sa mga Aprikano kapag na-expose sa yellow fever sa Aprika at sa Amerika, kung saan maraming epidemya ang kumalat sa mga kolonya mula ika-17 na dantaon at tumuloy hanggang ika-19 na dantaon.

Napakaraming siglo na ang nakalipas ngunit may pagtatalo pa rin ukol sa mga pinagmulan ng sipilis. May mga bagong genetic evidence na sumusuporta sa teorya na si Christopher Columbus ang nagdaláng sipilis sa Europa mula sa Bagong Mundo. Ayon sa pag-aaral, ang genetic analysis ng pamilya ng sipilis ay nagsasabi na ang pinakamalapit nitong kaugnay ay isang Timong Amerikanong sakít na nagdudulot ng yaws, isang impeksiyon na dulot ng isang sub-species ng parehong bakteryum.

Di-sinasadyang pagpapakilala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga halaman na dumating mula sa lupa, tubig, o hangin noong mga "sinaunang" panahon (o bago ang 492 sa Nagkakaisang Kaharian) ay tinatawag na archaeophytes, at ang mga halaman na ipinakilala sa Europa matapos ang mga panahong ito ay tinawag na neophytes. Bílang dagdag sa mga sakít na binanggit sa taas, marami ding mga specie ng mga organismo ang naipakilala sa kabílang parte ng mundo, nang hindi sinasadya o sa aksidente. Kabílang dito ang mga brown rat, mga bulateng lupa (tila wala sa mga bahagi ng pre-Kolumbiyanong Bagong Mundo), at mga zebra mussel, na dumating sakay ng mga barko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Nunn, Nathan; Qian, Nancy (2010). "The Columbian Exchange: A History of Disease, Food, and Ideas". Journal of Economic Perspectives. 24 (2): 163–188. CiteSeerX 10.1.1.232.9242. doi:10.1257/jep.24.2.163. JSTOR 25703506.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Gambino, Megan (Oktubre 4, 2011). "Alfred W. Crosby on the Columbian Exchange". Smithsonian Magazine. Nakuha noong Oktubre 19, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Super-Sized Cassava Plants May Help Fight Hunger In Africa" Naka-arkibo December 8, 2013, sa Wayback Machine., The Ohio State University
  4. "Maize Streak Virus-Resistant Transgenic Maize: an African solution to an African Problem" Naka-arkibo 2019-12-27 sa Wayback Machine., Scitizen, August 7, 2007
  5. "China's Population: Readings and Maps", Columbia University, East Asian Curriculum Project
  6. Collingham, Lizzie (2006). "Vindaloo: the Portuguese and the chili pepper". Curry: A Tale of Cooks and Conquerors. Oxford: Oxford University Press. pp. 47–73. ISBN 978-0-19-988381-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)