Bubuyog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bubuyog
Osmia ribifloris
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Klase: Insecta
Orden: Hymenoptera
Suborden: Apocrita
Superpamilya: Apoidea
(unranked): Anthophila ( = Apiformes)
Families

Andrenidae
Apidae
Colletidae
Dasypodaidae
Halictidae
Megachilidae
Meganomiidae
Melittidae
Stenotritidae

Ang bubuyog[1](Kastila: abeja, Pranses: abeille, Aleman: Biene, Ingles: bee)[2], ay isang uri ng kulisap. Ang pormal na pangalan ng bubuyog ay Anthophila. Ang mga bubuyog ay nabibilang sa superpamilya ng mga Apoidea at binubuo ng siyam na pamilya. Tinatayang may kumulang-kulang na dalawampung libong (20,000) uri ang mga bubuyog sa mundo. Sila'y matatagpuan sa lahat ng kontinente maliban sa Antartica. Kabilang sa mga ito ang mga pukyutan, ang mga bubuyog na lumilikha ng pulut-pukyutan[3].

Nakasanayan na ng mga bubuyog ang mabuhay sa nektar at mga polen mula sa mga bulaklak. Nagmumula sa nektar ang kanilang lakas o enerhiya at sa pollen naman nila nakukuha ang protina at sustansiya. Kadalasan, polen ang pinapakain sa mga batang bubuyog o larba[4].

Morpolohiya ng isang babaeng pukyutan.

Nagtataglay din ng probosis ang mga bubuyog, katulad ng mga lamok, na siyang ginagamit nila sa pagkuha o paghigop ng nektar mula sa mga bulaklak. Ang mga lalaking bubuyog ay may labintatlong (13) antena at labindalawa (12) naman ang sa mga kababaihan na pangkaraniwan sa kanilang superpamilya. Lahat ng mga bubuyog ay nagtataglay ng dalawang pares ng pakpak. Sa ibang mga uri ng bubuyog, ang isang kasarian o kaantasan ay nagtataglay ng mas maikling mga pakpak[5].

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. The New Filipino-English English-Filipino Dictionary (Ang Bagong Diksiyunaryong Pilipino-Ingles Ingles-Pilipino), ni Maria Odulio de Guzman, National Bookstore, 1968, muling nailimbag noong 2005, may 197 na mga pahina, ISBN 971-08-1776-0
  3. Imkern (Apikultor), 2014, may 176 na mga pahina, ISBN 978-3-867-66467-7
  4. El Gran Libro De Las Abejas (Bubuyog), ni Jutta Gay at Inga Menkhoff, 2014, may 320 na mga pahina, ISBN 978-3-771-60017-4
  5. Abejas: un mundo biológicamente extraordinario (Mundo ng Bubuyog), ni Jürgen Tautz at Jaime Esaín Escobar, 2010, may 286 na mga pahina, ISBN 978-8-420-01139-4



Kulisap Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.