Pumunta sa nilalaman

Domestikasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga aso at tupa ay kabilang sa mga unang hayop na dinomestika ng tao.
kanan: teosinte, kanan: mais, gitna: hybrid ng mais-teosinte

Ang domestikasyon ay isang proseso kung saan ang isang populasyon ng mga hayop o halaman ay nabago sa lebel na henetiko sa isang proseso ng seleksiyon upang palakasin ang mga katangian na magiging kapakinabangan sa mga tao. Ang domestikasyon ay iba sa pagpapaamo sa dahilang sa domestikasyon, ang pagbabago sa ekspresyong penotipo at henotipo ng hayop ay nangyayari samantalang ang pagpapaamo ay simpleng proseso kung saan ang mga hayop ay nasanay sa presensiya ng tao. Sa Konbensiyon ng Dibersidad na Biolohiko, ang isang domestikadong espesye ay inilalarawan bilang "isang epesye na ang prosesong ebolusyonaryo ay naimpluwensiyahan ng mga tao upang matagpo ang mga pangangailangan nito".[1] Kaya ang naglalarawang katangian ng domestikasyon ay ang artipisyal na seleksiyon nito ng mga tao. Nadala ng mga tao ang mga populasyong hayop na ito sa ilalim ng kontrol at pangangalaga nito sa malawak na mga dahilan: upang mag prodyus ng pagkain o mahahalagang mga komoditad (gaya ng lana, bulak, silk), para tumulong sa iba't ibang mga uri ng paggawa (gaya ng pagiging sasakyan, proteksiyon at para sa digmaan), pagsasaliksik siyentipiko o simpleng bilang kasama o bilang palamuti. Sa paglipas ng libo libong mga taon, ang maraming mga domestikadong espesye ay naging buong hindi katulad ng mga natural na ninuno nito. Ang tenga ng mais ay dosenang mga beses na ngayon ng sukat ng mga ligaw na ninuno nitong teosinte. Ang isang parehong pagbabago ay nagbago sa ligaw na mga strawberry at domestikadong strawberry.

Inilarawan ni Charles Darwin kung paanong ang proseso ng domestikasyon ay kinasasangkutan ng parehong mga elementong may kamalayan at metodikal. Ang rutinang mga interaksiyon ng mga tao sa mga hayop at halaman ay lumilikha ng mga presyur na seleksiyon (pagpili) na nagsasanhi sa pang-aangkop (adaptation) habang ang espesye ay nagbabago sa presensiya ng tao, paggamit o kultibasyon. Ang sinasadyang selektibong pagpaparami (selective breeding) ay ginagamit rin upang lumikha ng ninanais na pagbabago na kadalasan ay pagkatapos ng simulang domestikasyon. Ang mga pwersang ito, walang kamalayang natural na seleksiyon at metodikal na pagpaparaming selektibo ay maaaring parehong gumampan ng mga papel sa mga proseso ng domestikasyon sa buong kasaysayan.[2] Ang parehong ito ay inilarawan mula sa perpsektibo ng tao bilang mga proseso ng seleksiyong artipisyal. Ang domestikasyon ng trigo ay nagbibigay ng isang halimbawa. Ang mga ligaw o lagalag na trigo ay nahuhulog sa lupa upang muling binhian ang sarili nito kapag hinog na ngunit ang mga domestikadong trigo ay nanatili sa tangkay para sa mas madaling pag-aani. May ebidensiya na ang mahalagang pagbabagong ito ay nangyari sanhi ng isang randomang mutasyon malapit sa pagsisimula ng kultibasyon ng trigo. Ang trigo na may mutasyong ito ay inaani at nagiging buto para sa susunod na panananim. Kaya sa hindi pagkakatanto, ang mga sinaunang magsasaka ay pumili para sa mutasyong ito na kundi ay mamamatay. Ang resulta ay ang domestikadong trigo na umaasa sa mga magsasaka para sa sarili nitong reproduksiyon at pagkalat.[3] Ang mutasyon ang hindi tanging paraan kung saan ang artipisyal na seleksiyon at natural na seleksiyon ay gumagana.

Inilarawan ni Darwin kung paanong ang mga natural na bariasyon sa mga indbidwal na halaman at hayop ay sumusuporta rin sa seleksiyon ng mga bagong katangian. Ipinagpalagay na ang mas maamong aberahange mga lobo na may kaunting takot sa mga tao ay pumili ng sarili nito bilang mga domestikong aso sa loob ng maraming mga henerasyon. Nagawa ng mga lobong ito na yumabong sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tao upang maghanap ng pagkain malapit sa mga apuyan at basurahan ng mga tao. Kalaunan, ang isang simbiyotikong relasyon ay umunlad sa pagitan ng mga tao at mga proto-asong ito. Ang mga aso ay kumakain , mga itinapong pagkain at natagpuan ng mga tao na ang aso ay makapagbababala sa mga ito sa papalapit na panganib, tumulong sa pangangaso, magsilbing mga alagang hayop[4] , magbigay ng init o magdagdag sa suplay ng pagkain ng mga ito. Habang nagpapatuloy ang relasyong ito, ang tao ay kalaunang nagpanatili ng mga nagpaamo sa sariling mga lobo at nagparami ng mga ito sa mga uri ng hayop na umiiral sa modernong panahon.

Sa mga kamakailang panahon, ang selektibong pagpaparami ay mahusay na nagpapaliwanag kung paano ang nagpapatuloy na mga proseso ng domestikasyon ay kadalasang gumagana. Ang ilang mga mahusay na alam na ebidensiya ng kapangyarihan ng selektibong pagpaparami ay nagmula sa eksperimento ng siyentipikong Ruso na Dmitri K. Belyaev noong mga 1950. Ang kanyang pangkat ay gumugol ng maraming mga taon sa pagpaparami ng mga silver fox (Vulpes vulpes) at pumili lamang ng mga indibidwal na nagpakita ng kaunting takot sa mga tao. Kalaunan, pinili lamang ng pangkat ni Belyaev ang mga fox na nagpakita ng pinaka-positibong tugon sa mga tao. Siya ay nagkamit ng isang populasyon ng mga kulay gray na fox na ang pag-aasal at hitsura ay malaking nabago. Ang mga napiling ito ay hindi na nagpapakita ng anumang takot sa mga tao at karaniwang nagwawagayway ng mga buntot nito at dumidila sa mga tagapag-alang tao upang magpakita ng pagmamahal sa mga ito. Ang mga fox na ito ay may mas hindi matigas na mga tenga, nakaikot na mga buntot at ibang mga katangiang karaniwang matatagpuan sa mga aso.[5] Sa kabila ng tagumpay ng eksperimentong ito, lumilitaw na ang selektibong pagpaparami ay hindi palaging nagkakamit ng domestikasyon. Ang mga pagtatangka na idomestika ang maraming mga uri ng ligaw na mga hayop ay naging hindi matagumpay. Ang halimbawa nito ang zebra. Bagaman ang apat na espesye ng zebra ay maaaring makipagtalik sa at bahagi ng parehong henus sa mga kabayo at asno, ang mga pagtatangka sa domestikasyon ng mga ito ay nabigo.[6] Ang mga paktor gaya ng temperamento, istrakturang panlipunan at kakayahan na dumami o magtalik sa pagkakabihag ng mga hayop na ito ay gumagampan ng isang papel sa pagtukoy kung ang isang espesye ay matagumpay na madodomestika.[2] Sa kasaysayan ng tao hanggang sa ngayon, ang tanging ilang mga espesye ng malalaking mga hayop ay nadomestika.

Ang bakang Hereford na dinomestika para sa karne nito.

Ayon sa biologong ebolusyonaryong si Jared Diamond, ang espesye ng hayop ay dapat magtagpo sa anim na kriterya upang maisaalang alang para sa domestikayon.[7] Ang mga ito ang: mababagong diyeta, kakayahan na maparami o mapagtalik sa pagkakabihag nito, kaaya-ayang disposisyon, temperamento at mababagong herarkiyang panlipunan nito.

Talaan ng mga dinomestikang hayop ng mga tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Espesye at subespesye Ligaw na ninuno nito Petsa Lokasyon ng pinagmulan Layunin Larawan Digri at uri ng domestikasyon Saklaw sa kaparangan vs pagkakabihag
Aso (Canis lupus familiaris) Lobong gray (Canis lupus) sa pagitan ng 30,000 BC at 15,000 BC[8] Eurasya karne, pelt, mga alagang hayop, palabas, pangangaso, drapto, pagsasaliksik, mga relihiyon, pag-aaway, pagpapatakbo, transportasyon, paggawa, rescuing, pag-gabay, pagseserbisyo, pagkakawan, pagga-guwardiya, pagpapastol, kontrol ng peste maamo; malaking mga pagbabagong pisikal at pag-aasal Labis na karaniwan sa pagkakabihag, ang mga kamag-anak nitong ligaw ay higit na hindi karaniwan
Domestikadong Tupa (Ovis aries) Mouflon (Ovis orientalis) sa pagitan ng 11,000 BC at 9000 BC[9][10] Timogkanlurang Asya hibla, karne, gatas, katad, pelt, vellum, mga alagang hayop, palabas, pagpapatakbo, mga relihiyon, pagsasaliksik, pagga-guwardiya, pag-aaway, palamuti Ilang mga pagbabagong pisikal
Domestikong baboy (Sus scrofa domesticus) Wild boar (Sus scrofa) 9000 BC[11] Malapit na Silangan, Tsina karne, katad, pagsasaliksik, palabas, pagpapatakbo, pag-aaway, paggawa, mga alagang hayop Ilang mga pagbabagong pisikal
Domestikong kambing (Capra aegagrus hircus) Kambing na ligaw (Capra aegagrus) 8000 BC[12] Iran gatas, karne, hibla, paggawa, balat, buhok, palabas, pagpapatakbo, mga relihiyon, pag-aaway, paglilinis, mga alagang hayop Mga katamtamang pagbabagong pisikal
Baka (Bos primigenius taurus) Aurochs (Bos primigenius) (ekstinto) 8000 BC[13][14] Europa, Asya and North Africa karne, gatas, katad, hides, paggawa, pag-aararo, drapto, vellum, dugo, transportasyon, pertilisasyon ng lupa, pag-aaway, palabas, mga alagang hayop, mga relihiyon Ilang mga pagbabagong pisikal Karaniwan sa pagkakabihag, ang mga ligaw na kamag-anak nito ay ekstinto
Zebu (Bos primigenius indicus) Aurochs (Bos primigenius) (ekstinto) 8000 BC India karne, gatas, katad, hides, paggawa, pag-aararo, drapto, vellum, dugo, transportasyon, pertilisasyon ng lupa, pag-aaway, palabas, pagpapatakbo, mga relihiyon Domestikado Ang mga ligaw na ninuno nito ay ekstinto
Pusa (Felis catus) Pusang ligaw (Felis silvestris) 7500 BC[15][16][17][18] Malapit na Silangan kontrol ng peste, mga alagang hayop, palabas, pelt, karne, pagsasaliksik maamo, Ilang mga pagbabagong pisikal
Manok (Gallus gallus domesticus) Red Junglefowl (Gallus gallus) 6000 BC[19] India and Timogsilangang Asya karne, mga itlog, mga balahibo, katad, palabas, pagpapatakbo, palamuti, pag-aaway, mga alagang hayop Ilang mga pagbabagong pisikal
Guinea pig (Cavia porcellus) Montane Guinea Pig (Cavia tschudii) 5000 BC[20] Peru karne, mga alagang hayop, palabas, pagpapatakbo, pagsasaliksik Mga katamtamang pagbabagong pisikal
Asno (Equus africanus asinus) Aprikanong ligaw na asno (Equus africanus) 5000 BC[21][22] Ehipto transportasyon, paggawa, pag-aararo, drapto, mount, karne, gatas, mga alagang hayop, pagpapatakbo, pagga-guwardiya Mga katamtamang pagbabagong pisikal
Domestikadong pato (Anas platyrhynchos domesticus) Patong Mallard (Anas platyrhnchos) 4000 BC Tsina karne, taba, foie gras, mga balahibo and down, dugo, mga itlog, mga alagang hayop, palabas, pagpapatakbo, palamuti Domestikado
Tubig buffalo (Bubalus bubalis) Wild water buffalo (Bubalus arnee) 4000 BC India, Tsina paggawa, pag-aararo, drapto, mount, pag-aaway, karne, palabas, pagpapatakbo, gatas Domestikado
Kabayo (Equus ferus caballus) Kabayong ligaw (Equus ferus) 4000 BC[23] Eurasyan Steppes karne, transportasyon, paggawa, pag-gabay, pagseserbisyo, pangangaso, execution, pag-aararo, drapto, mount, pag-aaway, palabas, mga kasal, pagpapatakbo, mga relihiyon, gatas, mga alagang hayop Domestikado Karaniwan sa pagkakabihag, labis na bihira sa kaparangan
Domestikado Silkmoth (Bombyx mori) Wild Silkmoth (Bombyx mandarina) 3000 BC Tsina silk, pagkain, mga alagang hayop, karne Domestikado
Domestikong kalapati (Columba livia domestica) Batong kalapati (Columba livia) 3000 BC Mediterranean Basin palabas, mga kasal, messenger, karne, pagpapatakbo, mga alagang hayop Artipisyal na pinili sa maraming mga uri kabilang ang mga karneng breed, pagpapatakbo/mensaherong mga bred at mga fancy plummage
Domestikong gansa (Anser anser domesticus) Greylag Goose (Anser anser) 3000 BC Ehipto karne, taba, foie gras, mga balahibo and down, mga itlog, palabas, pagga-guwardiya, mga alagang hayop Domestikado
Llama (Lama glama) Guanaco (Lama guanicoe) 2400 BC[24] Peru transportasyon, paggawa, drapto, mount, karne, palabas, mga kasal, pagpapatakbo, mga alagang hayop, pagga-guwardiya Domestikado
Alpaca (Vicugna pacos) Vicuña (Vicugna vicugna) 2400 BC[24] Peru gatas, transportasyon, hibla, karne, palabas, mga alagang hayop, pagga-guwardiya Domestikado
Domestikadong guineafowl (Numida meleagris) Helmeted Guineafowl (Numida melegris) 2400 BC[25] Africa karne, mga itlog, kontrol ng peste, palabas, alarming, mga alagang hayop Domestikado
Ferret (Mustela putorius furo) Europaan polecat (Mustela putorius) 1500 BC Europa pangangaso, kontrol ng peste, palabas, pagpapatakbo, mga alagang hayop Domestikado
Ringneck dove (Streptopelia risoria) African Collared Dove (streptopelia roseogrisea) 500 BC North Africa palabas, mga alagang hayop Domestikado
Bali cattle (Bos javanicus domestica) Banteng (Bos javanicus) Unknown Timogsilangang Asya, Java karne, gatas, palabas, pagpapatakbo, paggawa, pag-aararo, drapto Domestikado
Gayal (Bos frontalis) Gaur (Bos gaurus) Unknown Timogsilangang Asya karne Domestikado
Domestikado turkey (Meleagris gallopavo) Wild Turkey (Meleagris gallopavo) 180[24] Mexico, Estados Unidos karne, mga balahibo, mga itlog, palabas, mga alagang hayop Domestikado
Goldfish (Carassius auratus auratus) PRusyan carp (Carassius gibelio) 300–400 Tsina mga alagang hayop, palabas, pagpapatakbo, palamuti Domestikado
Domestic rabbit (Oryctolagus cuniculus) Europaan Rabbit (Oryctolagus cuniculus) 600[26] Europa karne, pelt, hibla, mga alagang hayop, palabas, pagpapatakbo, pagsasaliksik Domestikado
Domestic Canary (Serinus canaria domestica) Atlantic Canary (Serinus canaria) 15th century Canary Islands, Europa mga alagang hayop, pagsasaliksik, palabas, mining, pag-aaway Domestikado
Kalabaw (Bubalus bubalis carabenesis) Wild water buffalo (Bubalus arnee) 17th century Pilipinas paggawa, pag-aararo, drapto, mount, pag-aaway, karne, gatas, palabas, pagpapatakbo Domestikado
Siamese na nag-aaway na isda (Betta splendens) Unknown species of the genus Betta 19th century Thailand pag-aaway, mga alagang hayop Domestikado
Koi (Cyprinus carpio haematopterus) Common carp (Cyprinus carpio) 1820s Hapon palamuti, palabas, mga alagang hayop Domestikado
Domestikadong silver fox (Vulpes vulpes) Red fox (Vulpes vulpes) 1950s Unyong Sobyet, Rusya pelt, pagsasaliksik, mga alagang hayop maamo, Ilang mga pagbabagong pisikal Maliit na domestikong populasyon, ang mga ligaw na kamag-anak nito ay katamtamang karaniwang
Domestikado hedgehog (Atelerix albiventris) Four-toed Hedgehog (Atelerix albiventris) 1980s Sentral na Aprika at Silanganing Aprika mga alagang hayop Domestikado
Society Finch (Lonchura striata domestica) White-rumped Munia (Lonchura striata) mga alagang hayop uncertain Hapon mga alagang hayop, pagsasaliksik Domestikado
Yak (Bos grunniens) Wild Yak (Bos mutus) 2500 BC Tibet gatas, transportasyon, paggawa, pag-aararo, mount, pagpapatakbo, pag-aaway, karne, hibla Domestikado sa pagkakabihag
Fancy rat and Lab rat Brown rat (Rattus norvegicus) 1800s UK mga alagang hayop, pagsasaliksik, palabas Domestikado Karaniwan sa pagkakabihag at sa kaparangan
Domestikado Dromedary Camel (Camelus dromedarius) Wild Dromedary Camel (Camelus dromedarius) 4000 BC Arabia transportasyon, paggawa, pangangaso, pag-aararo, drapto, mount, palabas, mga kasal, pagpapatakbo, mga relihiyon, pag-aaway, gatas, karne Domestikado Moderately Karaniwan sa pagkakabihag, maliit na lagalag na populasyon, ang mga tunay na ligaw na dromedaryo ay maaaring ekstinto
Domestikadong Kamelyong Bactrian (Camelus bactrianus) Ligaw na Kamelyong Bactrian (Camelus bactrianus) 2500 BC Sentral na Asya gatas, transportasyon, paggawa, pangangaso, pag-aararo, drapto, mount, pag-aaway, palabas, mga kasal, pagpapatakbo, mga relihiyon, karne, hair Domestikado sa pagkakabihag Katamtamang karaniwan sa pagkakabihag, kritikal na nanganganib sa kaparangan
Guppy (Poecilia reticulata some strains)[27] Guppy (Poecilia reticulata) Unknown Barbados, Brazil, Guyana mga alagang hayop Nasa/maamo sa pagkakabihag
Fancy mouse House mouse (Mus musculus) 1100 BC Tsina mga alagang hayop, pagsasaliksik, pagpapatakbo, pagkain maamo, malaking mga pagbabagong pisikal Karaniwan sa pagkakabihag at sa kaparangan

Semidomestikado, rutinang nabibihag-bred, o ang estado ng domestikasyon ay hindi malinaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga hayop na malawak na ginamit o inalagaan bilang mga hayop ng mga tao ngunit hindi malaking nabago mula sa mga uring ligaw na hayop. Ang karamihan ng mga hayop sa tablang ito ay kahit papaano medyo nabago mula sa mga ninuno nitong ligaw sa pamamagitan ng malawak na pakikipag-ugnayan nito sa mga tao. Ang marami ay hindi maaaring palayain sa kaparangan o sa isang paraan ay nakasalalay sa mga tao.

Espesye at subespesye Ligaw(wild) na ninuno nito Petsa Lokasyon ng pinagmulan Layunin Larawan Digri at uri ng domestikasyon Saklaw sa kaparangan vs pagkakabihag
Western honey bee (Apis mellifera) Western honey bee (Apis mellifera) 4000 BC Europa, Asya at Aprika pulot, wax, polinasyonon Domestikado
Italian bee (Apis mellifera ligustica) Italian bee (Apis mellifera ligustica) 1880s Italya honey, pollination Madaling i-domestika
Europaan dark bee (Apis mellifera mellifera) Europaan dark bee (Apis mellifera mellifera) mga modernong panahon Europa honey, pollination Domestikado sa pagkakabihag
Carniolan honey bee (Apis mellifera carnica) Carniolan honey bee (Apis mellifera carnica) mga alagang hayopa uncertain Slovenia honey, pollination Madaling i-domestika
Indian Peafowl (Pavo cristatus) Indian Peafowl (Pavo cristatus) 500 BC India palabas, mga balahibo, karne, landscaping, palamuti, mga alagang hayop, garden bird Nasa/maamo in capticity
Budgerigar (Melopsittacus undulatus) Budgerigar (Melopsittacus undulatus) 1850s Australia mga alagang hayop, palabas, talking bird Plumage changes, some breeds are physically larger
Corn snake (Pantherophis gutttatus) Corn snake (Pantherophis guttatus) 1960s Estados Unidos mga alagang hayop Domestikado
Java Sparrow (Padda oryzivora) Java Sparrow (Padda oryzivora) Ming Dynasty Tsina mga alagang hayop Maaaring i-domestika and mga non-wild coloration pied at fancy colored Javas mula sa mahabang Asyanong captivity lines
Cockatiel (Nymphicus hollandicus) Cockatiel (Nymphicus hollandicus) 1870s Australia mga alagang hayop, palabas, talking bird
American mink (Neovison vison) American mink (Neovison vison) 19th century North America fur, mga alagang hayop, ratting Nasa/maamo sa pagkakabihag
Asian elephant (Elephas maximus) Asian elephant (Elephas maximus) 2000 BC Indus Valley Civilization paggawa, pag-aararo, transportasyon, mount, pangangaso, palabas, pagpapatakbo, pag-aaway, execution, ceremonies, mga kasal Nasa/maamo sa pagkakabihag
Indian elephant (Elephas maximus indicus) Indian elephant (Elephas maximus indicus) Unknown India paggawa, ceremonies, mga kasal, mga relihiyon, mount, transportasyon Semi-domestikado
Addax (Addax nasomaculatus) Addax (Addax nasomaculatus) 2500 BC Ehipto karne, horns, katad, skin Nasa/maamo sa pagkakabihag Maliit na bihag na populasyon ngunit nanganganib sa kaparangan
Scimitar oryx (Oyrx dammah) Scimitar oryx (Oyrx dammah) 2320-2150 BC Ehipto karne, hides, mga relihiyon, ceremonies, horns Nasa/maamo sa pagkakabihag Maliit na bihag na populasyon ngunit halos ekstinto sa kaparangan
Muscovy Duck (Cairina moschata) Muscovy Duck (Cairina moschata) 700–600 BC[24] South America karne, taba, mga balahibo, mga itlog, palabas, mga alagang hayop Nasa/maamo sa pagkakabihag
Cochineal (Dactylopius coccus) Cochineal (Dactylopius coccus) 700–500 BC[24] Chile, Mexico dye Nasa/maamo sa pagkakabihag
Crimsonspotted Rainbowfish (Melanotaenia duboulayi) Crimsonspotted Rainbowfish (Melanotaenia duboulayi) 1920s Eastern Australia mga alagang hayop, kontrol ng peste Nasa/maamo sa pagkakabihag
Long-tailed Chinchilla (Chinchilla lanigera) Long-tailed Chinchilla (Chinchilla lanigera) 1930s Andes mga alagang hayop, fur, pagsasaliksik Domestikado sa pagkakabihag
Short-tailed Chinchilla (Chinchilla chinchilla) Short-tailed Chinchilla (Chinchilla chinchilla) 1930s Andes fur Raised sa pagkakabihag
Water flea (Daphnia magna) Water flea (Daphnia magna) 1930s North America, Eurasya, Africa pagsasaliksik Nasa/maamo sa pagkakabihag
Zebra Finch (Taeniopygia guttata) Zebra Finch (Taeniopygia guttata) 20th century Australia mga alagang hayop, palabas Domestikado sa pagkakabihag
Axolotl (Ambystoma mexicanum) Axolotl 20th century Mexico pagsasaliksik, mga alagang hayop Mga katamtamang pagbabagong pisikal
Australian Green Tree Frog (Litoria caerulea) Australian Green Tree Frog late 20th century Australia mga alagang hayop
Argentine Horned Frog (Ceratophrys ornata) Argentine Horned Frog late 20th century Argentina mga alagang hayop
Cranwell's horned frog (Ceratophrys cranwelli) Cranwell's Horned Frog late 20th century Argentina mga alagang hayop
Mopani worm (Gonimbrasia belina) Mopani worm (Gonimbrasia belina) 1950s Katimugang Aprika karne Nasa/maamo sa pagkakabihag
Common eland (Taurotragus oryx) Common eland (Taurotragus oryx) Unknown Zimbabwe, Timog Aprika, Kenya karne, gatas, katad, hides, horns Domestikado sa pagkakabihag
Diamond Dove (Geopelia cuneata) Diamond Dove (Geopelia cuneata) Unknown Australia mga alagang hayop Domestikado sa pagkakabihag
Muskox (Ovibos moschatus) Muskox (Ovibos moschatus) 1960s Estados Unidos wool, karne, gatas Nasa/maamo sa pagkakabihag
Grey-banded kingsnake (Lampropeltis alterna) Grey-banded kingsnake (Lampropeltis alterna) mga alagang hayopa uncertain Texas, New Mexico, Chihuahua mga alagang hayop Nasa/maamo sa pagkakabihag
Central Bearded Dragon (Pogona vitticeps) Central Bearded Dragon (Pogona vitticeps) 1970s Australia mga alagang hayop Mga katamtamang pagbabagong pisikal
Sugar glider (Petaurus breviceps) Sugar glider (Petaurus breviceps) 1980s Australia mga alagang hayop Domestikado
Indian gray mongoose (Herpestes edwardsii) Indian gray mongoose (Herpestes edwardsii) mga alagang hayopa uncertain India pag-aaway, kontrol ng peste, mga alagang hayop Nasa/maamo sa pagkakabihag
Capybara (Hydrochoerus hydrochaeris) Capybara (Hydrochoerus hydrochaeris) mga alagang hayopa uncertain South America karne, pelt, balat, mga alagang hayop
Indian Palm Squirrel (Funambulus palmarum) Indian Palm Squirrel (Funambulus palmarum) mga alagang hayopa uncertain India mga alagang hayop madaling mapaamo
Lawson's Dragon (Pogona henrylawsoni) Lawson's Dragon (Pogona henrylawsoni) 1980s Australia mga alagang hayop Nasa/maamo sa pagkakabihag
Buff-tailed bumblebee (Bombus terrestris) Buff-tailed bumblebee (Bombus terrestris) 1980s Europa wax, pollination Nasa/maamo sa pagkakabihag
Golden Pheasant (Chrysolophus pictus) Golden Pheasant (Chrysolophus pictus) mga alagang hayopa uncertain Tsina karne, palamuti, garden bird Nasa/maamo sa pagkakabihag
Sika deer (Cervus nippon) Sika deer (Cervus nippon) Unknown Hapon, Tsina karne, antlers Nasa/maamo sa pagkakabihag
Mandarin Duck (Aix galericulata) Mandarin Duck (Aix galericulata) Unknown Tsina karne, taba, palamuti Nasa/maamo sa pagkakabihag
Ehiptoian mongoose (Herpestes ichneumon) Ehiptoian mongoose (Herpestes ichneumon) Unknown Ehipto kontrol ng peste, mga alagang hayop Nasa/maamo sa pagkakabihag
Asiatic honey bee (Apis cerana) Asiatic honey bee (Apis cerana) Unknown South and Timogsilangang Asya honey, pollination Domestikado sa pagkakabihag
Haponese Cormorant (Phalacrocorax capillatus) Haponese Cormorant (Phalacrocorax capillatus) 960 AD Hapon fishing Nasa/maamo sa pagkakabihag
Great Cormorant (Phalacrocorax carbo) Great Cormorant (Phalacrocorax carbo) 960 AD Tsina fishing maamo sa pagkakabihag
Haponese Quail (Coturnix japonica) Haponese Quail (Coturnix japonica) 1100–1900 Hapon karne, mga itlog, mga alagang hayop Domestikado sa pagkakabihag
Common carp (Cyprinus carpio) Common carp (Cyprinus carpio) 1200–1500 Europa, Asya karne Maamo sa pagkakabihag
House cricket (Acheta domestica) House cricket (Acheta domestica) 12th century Southwestern Asia, Tsina, Hapon karne, pagkain, pag-aaway, mga alagang hayop Domestikado sa pagkakabihag
Europaan mink (Mustela lutreola) Europaan mink (Mustela lutreola) 1800s Europa fur Nasa/maamo sa pagkakabihag
King Quail (Coturnix chinensis) King Quail (Coturnix chinensis) mga alagang hayopa uncertain Asya, Australia mga alagang hayop
Grey Francolin (Francolinus pondicerianus) Grey Francolin (Francolinus pondicerianus) mga alagang hayopa uncertain India, Pakistan karne, mga alagang hayop, pag-aaway Nasa/maamo sa pagkakabihag
Lowland Paca (Cuniculus paca) Lowland Paca (Cuniculus paca) Unknown Mexico, Argentina karne, mga alagang hayop Nasa/maamo sa pagkakabihag
Steppe Lemming (Lagurus lagurus) Steppe Lemming (Lagurus lagururs) Unknown Steppes mga alagang hayop
Degu (Octodon degus) Degu (Octodon degus) 1990s Chilean Andes mga alagang hayop, pagsasaliksik
Mongolian gerbil (Meriones unguiculatus) Mongolian gerbil (Meriones unguiculatus) 1990s Mongolia mga alagang hayop, pagsasaliksik Nasa/maamo sa pagkakabihag
Crucian carp (Carassius carassius) Crucian carp (Carassius carassius) 2000s England, Rusya karne, mga alagang hayop
Indian honey bee (Apis cerana indica) Indian honey bee (Apis cerana indica) Unknown India honey, pollination Nasa/maamo sa pagkakabihag
Semi-Domestikado Reindeer Reindeer (Rangifer tarandus) 3000 BC Asian subarctic. karne, gatas, transportasyon, paggawa, drapto, mount, hides, pagpapatakbo, katad, antlers SemiDomestikado
White Cockatoo (Cacatua alba) White Cockatoo (Cacatua alba) Tang Dynasty Tsina mga alagang hayop, palabas
Fallow Deer (Dama dama) Fallow Deer (Dama dama) 1000 BC Mediterranean Basin karne, hides, antlers SemiDomestikado
Europaan medicinal leech (Hirudo medicinalis) Europaan medicinal leech (Hirudo medicinalis) 800 BC Europa, Asya dugoletting, surgery
Rose-ringed Parakeet (Psittacula krameri) Rose-ringed Parakeet (Psittacula krameri) Unknown Africa, Asya mga alagang hayop, talking bird
Roman Snail (Helix pomatia) Roman Snail (Helix pomatia) 100 AD Europa karne
Stingless bee (Melipona beecheii) Stingless bee (Melipona beecheii) 180 AD Mexico, Amazon Basin honey, pollination SemiDomestikado
Mute Swan (Cygnus olor) Mute Swan (Cygnus olor) 1000-1500 Europa karne, landscaping, mga balahibo, garden bird SemiDomestikado
Ostrich (Struthio camelus) Ostrich (Struthio camelus) 19th century Africa karne, mga itlog, mga balahibo, katad, taba, oil, mount, pagpapatakbo SemiDomestikado
Common fruit fly (Drosophila melanogaster) Common fruit fly (Drosophila melanogaster) 1910s Australia, Timog Aprika pagsasaliksik, pagkain
Yellow-collared Lovebird (Agapornis personatus) Yellow-collared Lovebird (Agapornis personatus) 1920s Tanzania mga alagang hayop
Fischer's Lovebird (Agapornis fischeri) Fischer's Lovebird (Agapornis fischeri) 1920s East-Central Africa mga alagang hayop
Turquoise Parrot (Neophema pulchella) Turquoise Parrot (Neophema pulchella) 20th century Australia mga alagang hayop, palabas
African clawed frog (Xenopus laevis) African clawed frog (Xenopus laevis) 1950s Timog Aprika mga alagang hayop, pagsasaliksik
Sea-Monkey (Artemia salina x nyos) Brine shrimp (Artemia salina) 1950s Lake Urmia, Iran mga alagang hayop
American bison (Bison bison) American bison (Bison bison) 20th century North America karne, katad, hides SemiDomestikado
Ball python (Python regius) Ball python (Python regius) 1960s Africa mga alagang hayop Captive bred
Eclectus Parrot (Eclectus roratus) Eclectus Parrot (Eclectus roratus) 1980s Australia, Indonesia, New Guinea, Solomon Islands mga alagang hayop
Salmon-crested Cockatoo (Cacatua moluccensis) Salmon-crested Cockatoo (Cacatua moluccensis) 1980s Maluku Islands mga alagang hayop, palabas, talking bird
Greater Rhea (Rhea americana) Greater Rhea (Rhea americana) 1990s South America karne, mga itlog, mga balahibo, katad, taba, oil SemiDomestikado
Emu (Dromaius novaehollandiae) Emu (Dromaius novaehollandiae) 1990s Australia karne, mga itlog, mga balahibo, katad, taba, oil SemiDomestikado
Pale Gerbil (Gerbillus perpallidus) Pale Gerbil (Gerbillus perpallidus) Unknown Ehipto mga alagang hayop
Persian jird (Meriones persicus) Persian jird (Meriones persicus) Unknown Iran mga alagang hayop
Fat-tailed Gerbil (Pachyuromys duprasi) Fat-tailed Gerbil (Pachyuromys duprasi) Unknown Ehipto, Libya, Tunisia, Algeria mga alagang hayop
Green Iguana (Iguana iguana) Green Iguana (Iguana iguana) 1990s South America mga alagang hayop, karne, katad Captive bred
Black Spiny-tailed Iguana (Ctenosaura similis) Black Spiny-tailed Iguana (Ctenosaura similis) mga alagang hayopa uncertain Central America mga alagang hayop, karne Captive bred
Leopard gecko (Eublepharis macularius) Leopard gecko (Eublepharis macularius) 20th century Pakistan mga alagang hayop katamtamang pagbabagong pisikal
Green Tree Python (Morelia viridis) Green Tree Python (Morelia viridis) mid 1990s New Guinea, Indonesia, Australia mga alagang hayop Captive bred
Western Rosella (Platycercus icterotis) Western Rosella (Platycercus icterotis) Unknown Southwest Australia mga alagang hayop
Red-tailed Black Cockatoo (Calyptorhynchus banksii) Red-tailed Black Cockatoo (Calyptorhynchus banksii) late 1990s Australia mga alagang hayop
Gouldian Finch (Erythrura gouldiae) Gouldian Finch (Erythrura gouldiae) late 1990s Australia mga alagang hayop, palabas
Rusty-spotted cat (Prionailurus rubiginosus) Rusty-spotted cat (Prionailurus rubiginosus) mga alagang hayopa uncertain India, Sri Lanka mga alagang hayop Madaling i-domestika
Star Finch (Neochmia ruficauda) Star Finch (Neochmia ruficauda) mga alagang hayopa uncertain Australia mga alagang hayop, palabas
Eurasyan Siskin (Carduelis spinus) Eurasyan Siskin (Carduelis spinus) mga alagang hayopa uncertain Europa, Asya mga alagang hayop, singing
Crested Gecko (Rhacodactylus ciliatus) Crested Gecko (Rhacodactylus ciliatus) Unknown New Caledonia mga alagang hayop Captive bred Medyo Karaniwan sa pagkakabihag, halos ekstinto sa kaparangan
Common kusimanse (Crossarchus obscurus) Common kusimanse (Crossarchus obscurus) Unknown West Africa mga alagang hayop Nabihag na bred
Kissing gourami (Helostoma temminckii) Kissing gourami (Helostoma temminckii) Hindi alam Thailand, Indonesia karne, mga alagang hayop Domestikado
Ang mapang ito ay nagpapakita ng mga lugar ng domestikasyon ng ilang halimbawa ng mga pananim. Ang mga lugar kung saan ang pananim ay simulang dinomestika ay tinatawag na mga sentro ng pinagmulan.

Gaya ng mga hayop, ang mga halaman ay dinomestika rin ng mga tao para sa kapakanibangan ng mga ito. Ang mga dinomestikang halamang ito mula sa mga ligaw na ninuno nito ay kinabibilangan ng saging, mansanas, ubas at marami pang iba. Ang mga pinakaunang mga pagtatangkang pantao sa pagdodomestika ng halaman ay nangyari sa Timog-Kanluraning Asya. May sinaunang ebidensiya para sa may kamalayang kultibasyon at pagpili ng pag-aasal ng mga halaman sa bago ang Neolitikong mga pangkat sa Syria. Ang mga butil ng rye na may mga dometikong katangian ay narekober mula sa mga kontekstong epi-Paleolitiko(mga 11,050 bago ang kasalukuyan) sa Abu Hereyra sa Syria[28] ngunit ito ay lumilitaw na isang lokalisadong phenomenon na nagresulta mula sa kultibasyon ng mga tayo ng ligaw na rye kesa sa depinitibong hakbang tungo sa domestikasyon. Noong 10,000 BCE, ang halamang bottle gourd (Lagenaria siceraria) na ginamit bilang isang lalagyan bago ang pagdating ng teknolohiyang seramiko ay lumilitaw na dinomestika. Ang domestikadong bottle gourd ay umabot sa mga Amerika mula sa Asya noong 8000 BCE na pinakamalamang na sanhi ng migrasyon ng mga tao mula sa Asya tungo sa Amerika.[29] Ang mga pananim na cereal ay unang dinomestika noong 9000 BCE sa Matabang Gasuklay sa Gitnang Silangan. Ang unang mga domestikadong pananim ay pangkalatahang mga taunan na may mga malalaking buto o mga prutas. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga pulse gaya ng mga gisantes(pea) at mga butil gaya ng trigo. Ang Gitnang Silangan ay lalong angkop sa mga espesyeng ito. Ang tuyong tag-init ay kaaya-aya sa ebolusyon ng mga may malalaking butong taunang halaman at ang iba't ibang mga matataas na lugar ay tumungo sa malaking iba ibang uri ng espesye. Habang ang domestikasyon ay nangyayari, ang mga tao ay nagsimulang lumipat mula sa pagiging lipunang mangangaso-tagatipon tungo sa isang nailagay na pamayanang agrikultural. Ang patuloy na domestikasyon ay unti-unti na isang proseso ng pagsubok at pagkakamali na nangyayari nang pahinto hinto. Sa paglipas ng mga panahon, mga perennial at mga maliliit na mga puno ay nagsimulang idomestika kabilang ang mga mansanas at olibo. Ang ilang mga halaman ay hindi nadomestika hanggang kamakailan lamang gaya ng maning macadamia at pecan. Sa ibang mga bahagi ng daigdig, ang iba't ibang mga espesye ng halaman ay dinomestika. Sa mga Amerika, ang kalabasa, mais at sitaw(bean) at marahil ay kamoteng kahoy ay bumubuo ng diyeta dito. Sa Silangang Asya, ang millet, bigas at soya ang pinakamahalagang mga pananim. Ang mga domestikadong espesye ng halaman ay kadalasang nag-iiba mula sa mga ligaw na kamag-anak nito sa mga mahuhulaang paraan. Ang mga pagkakaibang ito ay tinatawag na sindromang domestikasyon at kinabibilangan [30] mas mataas na mga rate ng herminasyon, mas mahuhulaan at sabay sabay na herminasyon, tumaas na sukat ng mga organong reproduktibo nito, isang kagawian para sa mga hinog na buto na manatili sa halaman kesa matanggal at mahulog sa lupa, nabawasang mga pagtatanggol na pisikal at kemikal at pagbabago sa paglalaang biomasa.

Mga mikrorganismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga dinomestikang mikroorganismo para sa pagkain ng tao ang: kabute, lebadura(paghuhurno, paggawa ng alak at pagluluto), mga amag(para sa paggawa ng keso, tempeh, Quorn, Pu-erh at ilang mga sausage, bakterya(para sa keso, yogurt, kephir, buttermilk, maasim na krema at kombucha tea). Ang mga dinomestikang mikroorganismo para sa medisina at agham ang mga virus(para sa mga bakuna at pagsasaliksik), bakterya(para sa paggawa ng mga droga) at mga amag(para sa paggawa ng mga antibiotiko).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. See Article 2 (Use of Terms) of the Convention on Biological Diversity
  2. 2.0 2.1 Diamond, Jared (1999). Guns, Germs, and Steel. New York: Norton Press. ISBN 0-393-31755-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Zohary, D. & Hopf, M. (2000). Domestication of Plants in the Old World Oxford: Oxford Univ. Press.
  4. Taking Care of Dog's Immunity. Naka-arkibo 2019-05-02 sa Wayback Machine. Reviewner. Hinango noong 02 ng Mayo 2019.
  5. Lyudmila N. Trut (1999). "Early Canid Domestication: The Farm-Fox Experiment" (PDF). American Scientist. Sigma Xi, The Scientific Research Society. 87 (March–April): 160–169. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-02-15. Nakuha noong 2011-06-25.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Clutton-Brock, J. (1981) Domesticated Animals from Early Times. Austin: Univ. Texas Press.
  7. Diamond, Jared (1998). Guns, Germs, and Steel. Vintage. pp. 169–174. ISBN 978-0-09-930278-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. [http://dienekes.blogspot.com/2008/10/dog-domestication-in-aurignacian biothes name="Worldfirst">MSNBC : World's first dog lived 31,700 years ago, ate big
  9. Krebs, Robert E. & Carolyn A. (2003). Groundbreaking Scientific Experiments, Inventions & Discoveries of the Ancient World. Westport, CT: Greenwood Press. ISBN 0-313-31342-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Simmons, Paula; Carol Ekarius (2001). Storey's Guide to Raising Sheep. North Adams, MA: Storey Publishing LLC. ISBN 978-1-58017-262-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Giuffra E, Kijas JM, Amarger V, Carlborg O, Jeon JT, Andersson L (2000). "The origin of the domestic pig: independent domestication and subsequent introgression". Genetics. 154 (4): 1785–91. PMC 1461048. PMID 10747069. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  12. Melinda A. Zeder, Goat busters track domestication Naka-arkibo 2012-02-04 sa Wayback Machine. (Physiologic changes and evolution of goats into a Domestikado animal), April 2000.
  13. "Late Neolithic megalithic structures at Nabta Playa (Sahara), southwestern Ehipto". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-10-09. Nakuha noong 2012-09-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Source : Laboratoire de Préhistoire et Protohistoire de l'Ouest de la France [1] Naka-arkibo 2009-06-26 sa Wayback Machine., (sa Pranses).
  15. [2], domestication of the cat on Cyprus, National Geographic.
  16. "Oldest Known Pet Cat? 95DOGGIES00-Year-Old Burial Found on Cyprus". National Geographic News. {{cite web}}: Unknown parameter |accessmga alagang hayopa= ignored (tulong); Unknown parameter |mga alagang hayopa= ignored (tulong); line feed character in |title= at position 17 (tulong)
  17. Muir, Hazel. "Ancient remains could be oldest pet cat". New Scientist. {{cite news}}: Unknown parameter |accessmga alagang hayopa= ignored (tulong); Unknown parameter |mga alagang hayopa= ignored (tulong)
  18. Walton, Marsha. "Ancient burial looks like human and pet cat". CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-22. Nakuha noong 2012-09-26. {{cite news}}: Unknown parameter |accessmga alagang hayopa= ignored (tulong); Unknown parameter |mga alagang hayopa= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. West B., Zhou B-X. (1989). "Did chickens go north? New evidence for domestication" (PDF). World’s Poultry Science Journal. 45 (3): 205–18. doi:10.1079/WPS19890012. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2004-07-29. Nakuha noong 2012-09-25. {{cite journal}}: line feed character in |title= at position 13 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. History of the Guinea Pig (Cavia porcellus) in South America, a summary of the current state of knowledge
  21. Beja-Pereira, Albano; atbp. "African Origins of the Domestic Donkey". Science. 304 (1781). doi:10.1126/science.1096008. PMID 15205528. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |laysummary= ignored (tulong); Unknown parameter |mga alagang hayopa= ignored (tulong); line feed character in |title= at position 32 (tulong)
  22. Roger Blench, The history and spread of donkeys in AfricaPDF (235 KB)
  23. The Domestication of the Horse; see also Domestication of the horse
  24. 24.0 24.1 24.2 24.3 24.4 D.L Johnson and B.K. Swartz, Jr. Evidence for Pre-Columbian Animal Domestication in the New World Naka-arkibo 2020-01-10 sa Wayback Machine.
  25. "Guinea Fowl". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-23. Nakuha noong 2012-10-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Interesting Rabbit Domestication History". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2012-10-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. name="Guideon, et. al." Guideon, Khoo; Kok Fang Lim, Damien K. Y., Fan Chen, Woon Kiong Chan, Tit Meng Lim, Violet P. E. Fang (2002). "Genetic Diversity within and Among Feral Populations and Domestikado Strains of the Guppy (Poecilia reticulata) in Singapore". Marine Biotechnology. 4 (4): 367–378. doi:10.1007/s10126-002-0007-z. {{cite journal}}: Unknown parameter |accessmga alagang hayopa= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)[patay na link]
  28. Hillman G, Hedges R, Moore A, Colledge S, Pettitt P (2001). "New evidence of Lateglacial cereal cultivation at Abu Hureyra on the Euphrates". Holocene. 11 (4): 383–393. doi:10.1191/095968301678302823.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  29. Erickson DL, Smith BD, Clarke AC, Sandweiss DH, Tuross N (2005). "An Asian origin for a 10,000-year-old domesticated plant in the Americas". Proc. Natl. Acad. Sci. U.S.A. 102 (51): 18315–20. doi:10.1073/pnas.0509279102. PMC 1311910. PMID 16352716. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  30. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-12. Nakuha noong 2012-09-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)