Pumunta sa nilalaman

Artipisyal na pagpili

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Seleksiyong artipisyal)
Ang halong Chihuahuang ito at ang Malaking Dane ay nagpapakita ng isang malawak na saklaw ng mga sukat ng lahi(breed) ng aso na nalikha sa pamamagitan ng artipisyal na seleksiyon.
Ang selektibong pagpaparami ay nagtransporma sa ilang mga kasong prutas ng teosinte(kaliwa) sa mga row ng nalantad na kernel ng modernong mais(kanan).

Ang Artipisyal na Seleksiyon (o selektibong pagpaparami) ay naglalarawan ng sinasadyang pagpaparami ng ilang mga katangian ng mga organismo o kombinasyon ng mga katangian nito. Ang terminong ito ay ginamit ni Charles Darwin bilang salungat sa natural na seleksiyon kung saan ang diperensiyal na pagpaparami ng mga organismo na may ilang mga katangian ay maituturo sa mga napabuting kakayahang pagpapatuloy o reproduktibo(pagpaparami). Salungat sa artipisyal na seleksiyon kung saan ang mga tao ang pumabaor o pumipili ng mga spesipikong katangian, sa natural na seleksiyon, ang kapaligiran o kalikasan ang umaasal bilang panala kung saan ang ilang mga bariasyon lamang ang maaaring maipasa. Ang sinasadyang paggamit ng artipisyal na seleksiyon ay naging labis na karaniwan sa biolohiyang eksperimental gayundin sa pagtutuklas at pag-iimbento ng mga bagong droga(gamot). Ang artipisyal na seleksiyon ay maaari ring hindi sinasadya. Pinaniniwalaang ang domestikasyon ng mga pananim ay malaking hindi sinasadya.[1]

Ang artipisyal na seleksiyon ay sinanay ng mga Sinaunang Romano.[2] Ang mga treatise na may edad na 2,000 taon ay nagbibigay ng payo sa pagpili ng mga hayop para sa iba't ibang layunin at ang mga sinaunang akdang ito ay bumanggit rin ng mas matandang mga akda gaya ng kay Mago ang Carthaginian.[3] Ang nosyon ng artipisyal na seleksiyon ay kalaunang inihayag ng Persiyanong Muslim na polymath na si Abu Rayhan Biruni noong ika-11 siglo CE. Kanyang isinaad ang ideyang ito sa kanyang aklat na pinamagatang India at nagbigay ng iba't ibang mga halimbawa.[4]

Inimbento ni Charles Darwin ang terminong artipisyal na seleksiyon bilang isang ilustrasyon sa kanyang iminungkahing mas malawakang proseso ng natural na seleksiyon. Isinaad ni Darwin na maraming mga domestikadong hayop at halaman ay may mga espesyal na katangian na napaunlad ng sinasadya pagpaparami ng mga hayop at halaman mula sa mga indibidwal na nagpakita ng mga kanais nais na katangian at nagpigil sa pagpaparami ng mga indibidwal na may kaunting kanais nais na mga katangian. Ginamit ni Darwin ang terminong ito sa 1859 na unang edisyon ng kanyang akdang On the Origin of Species(Tungkol sa Pinagmulan ng Espesye) sa Kabanata IV at VI.[5][6]

Salungat sa natural na seleksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang tunay na pagkakaiba sa mga prosesong henetiko na pinagsasaligan ng artipisyal at natural na seleksiyon at ang konsepto ng artipisyal na seleksiyon ay ginamit ni Darwin bilang isang ilustrasyon sa mas malawak na proseso ng natural na seleksiyon. Ang prosesong seleksiyon ay tinaguriang "artipisyal" kapag ang mga preperensiya at impluwensiya ng tao ay may malaking epekto sa ebolusyon ng isang partikular na populasyon o espesye. Ang katunayan, nakikita ng maraming mga ebolusyonaryong biologo ang domestikasyon bilang isang uri ng natural na seleksiyon at pagbabagong pag-aangkop na nangyayari habang ang mga organism ay dinadala sa ilalim ng kontrol ng mga tao. Gayunpaman, magagamit na magtangi sa pagitan ng artipisyal na seleksiyon na hindi sinasadya o kinasasangkutan ng lamang ng pagmamanipula ng kapaligirian at ang artipisyal na seleksiyon na nagbabago ng panloob na mga sekwensiyang DNA sa laboratoryo. Ang manipulasyong henetiko sa mga laboratoryo ay maaaring gamitin upang lumikha ng parehong mga pagbabago na maaaring makamit sa pamamagitan ng mas mabilis na selektibong pagpaparami sa pamamagitan ng cishenesis. Gayunpaman, ang ibang mga pagbabago gaya ng transhenesis ay nagpapakilala ng DNA sa organismo na hindi makukuha sa gene pool ng mga espesye.

Paggamit sa laboratoryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sinasadyang paggamit ng kapangyarihang selektibo ay naging karaniwan sa biolohiyang eksperimental partikular na sa mikrobiolohiya at henetika. Sa pamamaraang laboratoryo sa pag-iinheryeryang henetiko, ang mga gene ay ipinapakilala sa mga selula sa kulturang selula na karaniwan ay bakterya sa isang maliit na sirkular na molekulang DNA na tinatawag na plasmid sa isang prosesong tinatawag na transpeksiyon. Ang isinasaalang alang na gene ay sinasamahan sa plasmid ng isang tagaulat na gene o selektibong tagamarka na nagkokodigo ng isang spesipikong katangian gaya ng resistansiya sa antibiotiko o kakayahang lumaki sa mga konsentrasyong may mataas na asin. Ang mga selula ay maaari namang ikultura sa isang kapaligiran na papatay sa mga normal na selula ngunit kaaya-ayang matirhan ng mga nakuha at naihahayag sa mga gene sa plasmid. Sa paraang ito, ang mga paghahayag ng tagaulat ng gene ay nagsisilbi bilang isang hudyat na ang isinasaalang alang na gene ay naihahayag rin sa mga selula. Ang isa pang pamamaraang ginagamit sa pagpapaunlad ng droga ay gumagamit ng paulit ulit na prosesong selektibong tinatawag na seleksiyong in vitro upang mag-ebolb ng mga aptamero o mga pragmentong asidong nukleyiko na may kakayahang magbigkis sa spesipikong organikong kompawnd na may mataas na apinidad ng pagbibigkis. Ang mga pag-aaral sa pisiolohiyang ebolusyonaryo, henetikang pang-asal at iba pang mga area ng biolohiyang pang-organismo ay gumamit rin ng sinasadyang artipisyal na seleksiyon bagaman ang mas matagal na panahon ng henerasyon at mas malaking kahirapan sa pagpaparami ay gumagawa sa mga gayong proyekto na nakahahamon sa mga bertebrata.[7][8][9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Artificial Selection PowerPoint, University of Wisconsin-Madison
  2. Buffum, Burt C. Arid Agriculture; A Hand-Book for the Western Farmer and Stockman, p. 232. Accessed at [1], 20 Hunyo 2010.
  3. Lush, Jay L. Animal Breeding Plans, p. 21. Accessed at [2], 20 Hunyo 2010.
  4. Jan Z. Wilczynski (Disyembre 1959), "On the Presumed Darwinism of Alberuni Eight Hundred Years before Darwin", Isis, 50 (4): 459–466 [459–61], doi:10.1086/348801{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Darwin 1859, p. [3]
  6. Darwin 1859, pp. 197–198
  7. Swallow JG, Garland T, Jr. (2005). Selection experiments as a tool in evolutionary and comparative physiology: insights into complex traits—an introduction to the symposium. Integr Comp Biol, 45:387–390.PDF
  8. Garland T, Jr. (2003). Selection experiments: an under-utilized tool in biomechanics and organismal biology. Ch.3, Vertebrate Biomechanics and Evolution ed. Bels VL, Gasc JP, Casinos A. PDF Naka-arkibo 2015-09-23 sa Wayback Machine.
  9. Garland T, Jr., Rose MR, eds. (2009). Experimental Evolution: Concepts, Methods, and Applications of Selection Experiments. Naka-arkibo 2009-10-28 sa Wayback Machine. University of California Press, Berkeley, California.