Pumunta sa nilalaman

Emu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Emu
Temporal na saklaw: Paleoseno - kasalukuyan
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
D. novaehollandiae
Pangalang binomial
Dromaius novaehollandiae
(Latham, 1790)[2]
Mga kabahaging uri

D. novaehollandiae novaehollandiae (Latham, 1790)[3]
D. novaehollandiae woodwardi
D. novaehollandiae rothschildi
D. novaehollandiae diemenensis
(Le Souef, 1907)[3]
Tasmanyanong Emu

Naitala ang mga emu sa mga lugar na may kulay na rosas.
Kasingkahulugan

Dromiceius novaehollandiae

Itlog ng Dromaius novaehollandiae

Ang emu, o Dromaius novaehollandiae, ay isang uri ng malaking ibon sa Australya na hindi nakakalipad at kahawig ng ibong abestrus.[4][5] Ito ang pinakamalaking katutubong ibon sa Australya at ang nag-iisang umiiral pang kasapi sa saring Dromaius, ang mga emu. Ito rin ang pangalawang pinakamalaking ibong umiiral pa sa mundo batay sa taas, pagkaraan ng kamag-anak nitong abestrus o ostrich. Umaabot ang taas ng ibong ito na may kayumangging kulay at malambot na balahibo sa 2 mga metro (6.6 na mga talampakan). Karaniwan ang emu sa halos lahat ng bahagi ng pangunahing lupain ng Australya, bagaman iniiwasan nito ang mga pook na may malaking bilang ng populasyon, makapal at masiksik na mga kagubatan, at tigang na mga lugar.[2] Nakapaglalakbay ang mga emu ng malalayong mga distansiya sa mabilis ngunit matipid na lakad na pakandirit at, kung kailangan, hahagibis na may tuling 50 mga kilometro bawat oras (31 mga milya bawat oras) para sa ilang distanya sa isang bigay na panahon.[6] Pagala-gala silang nagsasamantala at maaaring maglakbay ng malalayong mga distansiya upang makahanap ng makakain; kumakain sila ng samu't saring mga halaman at mga kulisap.

Naging hindi na umiiral ang mga kabahaging uri ng mga emung dating namumuhay sa Tasmanya pagkalipas ng pananatili ng mga Europeo sa Australya noong 1788; at naimpluwensiyahan ng mga kilos ng tao ang pagkalat ng mga kabahaging uri ng mga emung nasa punong-lupain. Dating pangkaraniwan ang mga emu sa may gawing silanganing dalampasigan, ngunit hindi na karaniwan sa ngayon; sa kabaligtaran, nakapagpataas ng nasasakupan ng mga emu sa mga rehiyong tigang ang pag-unlad ng agrikultura at pagkakaroon ng inuming tubig para sa mga alagang hayop sa looban ng kontinente ng Australya. Inaalagaan at kinakatay ang mga emu para sa kanilang karne, langis, at katad.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. BirdLife International (2008). Dromaius novaehollandiae. 2008 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2008. Hinango noong 05 Nobyembre 2008. Kabilang sa ipinasok sa kalipunan ng mga dato ang katuwiran kung bakit hindi gaanong ikinababahala ang pag-iiral ng uring ito.
  2. 2.0 2.1 Davies, S.J.J.F. (2003). "Emus". Sa Hutchins, Michael (pat.). Grzimek's Animal Life Encyclopedia. Bol. 8 (ika-2 (na) edisyon). Farmington Hills, MI: Gale Group. pp. 83–87. ISBN 0 7876 5784 0.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 * Brands, Sheila (Agosto 14, 2008). "Systema Naturae 2000 / Classification, Dromaius novaehollandiae". Project: The Taxonomicon. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 28, 2009. Nakuha noong Peb 4, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gaboy, Luciano L. Emu - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  5. "Emu". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 53.
  6. Davies, S. J. J. F. 1963. Emus. Australian Natural History 14:225–29

IbonAustralya Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon at Australya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.