Pumunta sa nilalaman

International Union for Conservation of Nature

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
International Union for Conservation of Nature and Natural Resources (IUCN)
Pagkakabuo5 Oktubre 1948; 75 taon na'ng nakalipas (1948-10-05) (bilang International Union for the Protection of Nature)
Fontainebleau, France
UriPandaigdigang samahan
PokusPagpanatili ng kalikasan, laksambuhay
Kinaroroonan
Nasasakupang pook
Buong daigdig
Kasapi
1400
Mahahalagang tao
Inger Andersen (Pangkalahatang Direktor)
Zhang Xinsheng (Pangulo)
Kita
CHF 114 milyon / US$ 116 milyon (2013)
Empleyado
Higit 1,000 (sa buong mundo)
Boluntaryo
16,000
WebsiteIUCN.org

Ang International Union for Conservation of Nature (IUCN; opisyal nitong pangalan: International Union for Conservation of Nature and Natural Resources[2]) ay isang pandaigdigang samahan na nagsasagawa ng mga gawain sa larangan ng pangangalaga ng kalikasan at napananatiling paggamit ng likas na yaman. Kabilang sa mga gawain nito ang pagkuha at pagsusuri ng mga datos, pananaliksik, field projects, adbokasiya, at pagtuturo. Ang misyon nito ay upang "maimpluwensiyahan, mahikayat at matulungan ang mga pamayanan sa buong mundo na pangalagaan ang kalikasan at matiyak na ang ano mang paggamit ng likas na yaman at pantay-pantay at mapananatili ang ekolohiya".

Sa mga nakalipas na dekada, pinalawig ng IUCN ang mga gawain nito liban sa konserbasyon ng ekolohiya at ngayon ay kasama na rin ang mga napananatiling kaunlaran sa mga proyekto nito. Hindi tulad ng iba pang pandaigdigang pangkalikasang samahan, hindi kasama sa mga gawain ng IUCN ang pakilusin ang mamamayan upang suportahan ang pangangalaga ng kalikasan. Layon nitong mahikayat ang mga hakbang ng mga pamahalaan, negosyo at iba pang partido at makapagbigay ng impormasyon at payò sa pamamagitan ng pakikipagtulungan. Higit na kilalá ng madla ang IUCN sa paglalathala nito ng IUCN Red List of Threatened Species, na nagsusuri sa katayuan ng konserbasyon ng mga species sa buong mundo.[3]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "About IUCN:IUCN's Vision and Mission". iucn.org. IUCN. 2014-12-03. Nakuha noong 27 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "About". IUCN. 2014-12-03. The organisation changed its name to the International Union for Conservation of Nature and Natural Resources in 1956 with the acronym IUCN (or UICN in French and Spanish). This remains our full legal name to this day.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "About IUCN". IUCN. Nakuha noong 17 Nobyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)