Napananatiling kaunlaran
Ang napananatiling kaunlaran[1] o sustainable development ay ang prinsipyo upang makamit ang mga mithiin ng kaunlarang pantao habang napananatili ang kakayahan ng kalikasan na magbunga ng likas na yaman at ecosystem services kung saan nakasalalay ang ekonomiya at lipunan. Ninanais nito ang isang lipunan kung saan ang kondisyon ng pamumuhay at paggamit ng likas yaman ay patuloy na makatutugon sa pangangailangan ng tao nang hindi isinasawalang-bahala ang integridad at katatagan ng sistema ng kalikasan. Masasabi na ang napananatiling kaunlaran ay ang kaunlaran na nakatutugon sa pangangailangan ng kasalukuyan nang hindi inilalagay sa alanganin ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon.
Bagaman ang modernong konsepto ng napananatiling kaunlaran ay halos hinango lahat mula sa ulat ng 1987 Brundtland Commission, ang konseptong ito ay hindi na bago, at may hinango rin sa napananatiling pamamahala ng kagubatan at mga isyung pangkapaligiran noong ika-dalawampung siglo. Habang lumalawak ang konsepto, natuon ang pokus nito sa kaunlarang pang-ekonomiya, kaunlarang panlipunan, at proteksyon ng kapaligiran para sa mga susunod pang henerasyon. Iminungkahi na ang taguring 'napananatili' ay dapat unawain bilang mithiin ng sangkatauan na magkaroon ng human-ecosystem equilibrium (homeostasis), habang ang 'napananatiling kaunlaran' ay tutukoy sa holistikong hakbang at mga panandaliang proseso na maghahatid sa atin sa dulo ng pagpananatili.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "UN Sec-Gen message on the new agreement to eliminate malnutrition". United Nations Information Centre (UNIC) Manila. 10 Hunyo 2013. Nakuha noong 20 Marso 2019.
{{cite web}}
: Cite has empty unknown parameter:|1=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shaker, Richard Ross (Setyembre 2015). "The spatial distribution of development in Europe and its underlying sustainability correlations". Applied Geography (sa wikang Ingles). 63. p. 35. doi:10.1016/j.apgeog.2015.07.009.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)