Pumunta sa nilalaman

Hangin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pieter Kluyver (1816–1900)

Ang hangin (Ingles: air) ay isang kahaluan ng mga gas na binubuo ng 78% na nitroheno, 1% ng argon, 20.96% ng oksiheno, at humigit-kumulang 0.04% ng gas ng asidong karboniko, at maaari ring maglaman ng maliliit na mga dami ng mga gas na bihira. Naglalaman din ang hangin ng nag-iiba't ibang dami ng singaw ng tubig. Puro ito kapag nasa dagat at sa itaas ng mga bundok, subalit may nakalutang na mga impuridad na organiko at mineral, hibla ng gulay, alikabok, pollen, karbon, at sari-saring mga mikrobyo kapag nasa ibang mga lugar. Ang dami ng mga bagay na ito ay mataas sa mga bayan, mga sentro ng pagmamanupaktura, mga minahan (kung walang ginagawang paraan na maiwasan ang pagkakaroon ng mga ito), mga tibagan (mga quarry), mga pagawaan o talyer na iba't ibang uri, at iba pa.[1]

Kapag palaging nalalanghap ang hanging madumi o may polusyon, ang karbon at iba pang mga alikabok na mineral ay nalalagak sa mga baga at nagbibigay ng abong kulay sa mga baga. Ang labis na alabok ay malamang na makapagresulta sa malubhang sakit na pamamaga (implamasyon), at maaaring mahantad sa panunuyo. Sa silid na mayroong masamang bentilasyon, ang hangin ay nagiging salat sa oksiheno, tumataas ang gas ng asidong karboniko at singaw ng tubig, at nagiging puno ng mga partikulo ng materya ng hayop. Naipakita ni Leonard Hill na ang masasamang mga epekto ng polusyon sa hangin ay hindi dahil sa masamang hangin, bagkus ay dahil sa hindi sapat na sirkulasyon ng hangin na nasa paligid ng mga katawan ng mga naninirahan sa isang tirahan o silid. Ang pagpapawis mula sa katawan ay nababawasan at nawawala ang epekto ng mga daloy ng hangin na makaestimula sa balat ng tao.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Air". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 21-22.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.