Pumunta sa nilalaman

Etolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Etologo)

Ang etolohiya ay isang siyentipiko at obhetibong pag-aaral ng pag-uugali ng hayop, na kadalasang nakatuon sa pag-uugali sa ilalim ng likas na mga kondisyon, at napapanood na pag-uugali bilang isang ebolusyonaryong katangiang umaangkop.[1] Sinasalarawan din ng katawagang behaviorismo bilang ang siyentipiko at obhetibong pag-aaral ng pag-uugali ng hayop, na kadalasang tumutukoy sa sinukat na tugon sa estimulos o sa sinanay na mga pag-uugaling tugon sa isang konteksto sa laboratoryo, na walang isang partikular na diin sa ebolusyonaryong adaptabilidad.[2]

Pinagsama-sama ng etolohiya ang agham sa loob at labas ng laboratoryo, na may matibay na relasyon sa ilang ibang mga disiplina tulad ng neuroanatomiya, ekolohiya, at ebolusyonaryong biyolohiya. Tipikal na pinapakita ng mga etolohista ang interes nila sa isang proseso ng pag-uugali sa halip na sa isang partikular na pangkat ng hayop,[3] at kadalasang pinag-aaralan ang isang uri ng pag-uugali, tulad ng agresyon, sa ilang mga walang kaugnayan na espesye.

Mabilis na lumalagong larangan ang etolohiya. Simula noong pasimula ng ika-21 dantaon, ang mga mananaliksik ay muling sinuri at natamo ang mga bagong konklusyon sa maraming aspeto ng komunikasyon ng hayop, mga emosyon, kalinangan, pagkakatuto at seksuwalidad na ang pamayanang siyentipiko ay matagal nang naisip na nauunawaan ito. Sumulong ang mga bagong larangan, tulad ng neuroetolohiya.

Maaring mahalaga ang pagkaunawa sa etolohiya o pag-uugali ng hayop sa pagsasanay sa hayop. Kung isasaalang-alang ang likas na pag-uugali ng iba't ibang espesye o lahi ay pinapagana nito ang mga nagsasanay upang piliin ang mga indibiduwal na pinakamainam na gumanap sa kinakailangan na gawain. Pinapagana din nito ang mga nagsasanay na mahimok ang pagganap ng likas na nangyayaraing pag-uugali at pagtigil sa hindi nais na pag-uugali.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Definition of ethology". Merriam-Webster (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Setyembre 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Definition of behaviorism". Merriam-Webster (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Setyembre 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    "Behaviourism" (sa wikang Ingles). Oxford Dictionaries. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-12. Nakuha noong 9 Setyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gomez-Marin, Alex; Paton, Joseph J; Kampff, Adam R; Costa, Rui M; Mainen, Zachary F (2014-10-28). "Big behavioral data: psychology, ethology and the foundations of neuroscience". Nature Neuroscience (sa wikang Ingles). 17 (11): 1455–1462. doi:10.1038/nn.3812. ISSN 1097-6256. PMID 25349912.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. McGreevy, Paul; Boakes, Robert (2011). Carrots and Sticks: Principles of Animal Training (sa wikang Ingles). Darlington Press. pp. xi–23. ISBN 978-1-921364-15-0. Nakuha noong 9 Setyembre 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

SoolohiyaSikolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya at Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.