Pumunta sa nilalaman

Paraon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paraon ng Sinaunang Ehipto
Larawan ng isang Paraon na may suot na nemes sa ulo, pekeng balbas at shendyt (kilt)
(pagkatapos ni Djoser ng Ikatlong dinastiya ng Ehipto
Detalye
EstiloHorus, Nebty
Unang monarkoHaring Narmer o Haring Menes (ayon sa tradisyon)
(Ang unang gamit ng pamagat ng Paraon para sa isang hari ng Ehipto ay kay Merneptah)
Huling monarko
[2]
Itinatagc. 3150 BCE
Binuwag
  • 343 BCE
    (huling katutubong paraon)[1]
  • 30 BCE
    (huling Griyegong paraon)
  • 314 CE
    (huling Emperador Romano na tinawag na paraon)[2]
Tahanan
NaghirangDiyos
O1
O29
pr-ˤ3
"Great house"
sa hiroglipo
sw
t
L2
t


A43A45


S1
t
S3
t


S2S4


S5
nswt-bjt
"King of Upper
and Lower Egypt"
sa hiroglipo

Ang Paraon (Ingles: Pharaoh) ( /ˈfɛər/, /USalsoˈf.r/;[3] Wikang Ehipsiyo: pr ꜥꜣ;[note 1] Coptic: ⲡⲣ̅ⲣⲟ, romanisado: Pǝrro; Biblical Hebrew: פַּרְעֹה Părʿō) ay pamagat na ginammit sa mga hari o monarko ng Sinaunang Ehipto mula sa Unang dinastiya ng Ehipto (c. 3150 BCE) hanggang sa pagsunggab sa teritoryo ng Sinaunang Ehipto ng Imperyong Romano.[4] Ang katagang Paraon ay simulang ginamit lamang noong pamumuno ni Merneptah, c. 1210 BCE noong Ikalabingsiyam na dinastiya ng Ehipto at ang pamagat na Hari ay ginamit sa gitna ng Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto. Sa mas naunang mga dinastiya ng Sinaunang Ehipto, tatlong pamagat ang ginamit ng mga pinuno nito: ang Horus, Sedge at Bubuyog(nswt-bjtj), at Ang Dalawang Babae o Nebty (nbtj) name.[5]Ang Ginintuang Horus gayudin ang mga pamagat na nomen at prenomen ay kalaunang idinagdag.[6]

Sa lipunan ng Sinaunang Ehipto, ang Sinaunang relihiyong Ehipsiyo ay sentral sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga mamamayan nito. Ang isa sa mga tungkulin ng Paraon ay bilang isang tagapamagitan sa pagitan ng mga Diyos at mga tao at kaya ang mga Paraon ay may tungkulin sibil at pamamahala ng relihiyon. Ang Paraon ang may ari ng lahat ng lupain ng Sinaunang Ehipto, nagpasa ng mga batas, nagbuwis at nagtanggol sa mga mananakop na bansa bilang punong komandante ng hukbo.[7] Sa tungkuling pangrelihiyon, ang Paraon ang nagsasagawa ng mga seremonya at humihirang ng mga lugar na pagtatayuan ng mga templong pangrelihiyon. Ang Paraon ang responsable sa pagpapanatili ng Maat o kaayusan ng uniberso, balansa at hustisya at kabilang dito ang pakikidigma laban sa mga kaaway na bansa upang mag-aambag sa Maat gaya ng pagkakamit ng mga mapagkukunan.[8]

Sa maagang mga panahon bago ang pag-iisa ng Itaas at Ibabang Ehipto, ang Deshret o "Pulang Korona" ang representasyon ng Ibabang Ehipto[9] samantalang ang Hedjet o "Puting Korona" ay isinusuo ng mga hari ng Itaas ng Ehipto.[10] Pagkatapos ng pag-iisa ng parehong kaharian sa isang Ehipto, ang Pschent ang kombinasyon ng parehong pula at puting korona na opisyal na korona ng mga haring Ehipsiyo.[11] Sa paglipas ng mga panahon, ang mga takip sa ulo ay ipinakilala ng iba't ibang mga dinastiya gaya ng Khat, Nemes, Atef, Hemhem crown, and Khepresh.

Ang salitang Paraon ay hinango sa Wikang Ehipsiyo na pr ꜥꜣ, *Padron:Ipa "dakilang bahay" na isinulat ng dalawang biliteral hieroglyph pr "bahay" ꜥꜣ "column" na nangangahuolugang dakila o mataas. Ito ay ginamit lamang sa mas malaking mga parirala gaya ng smr pr-ꜥꜣ "Kortesano ng Mataas na Bahay" na spesipikong tumtukoy sa mga gusali ng hukuman o palasyo.[12] Mula sa Ikalabingdalawang dinastiya ng Ehipto, ang salitang ito ay lumitaw sa isang pormula ng kahilingan na "Dakilang Bahay, Naway ito ay maging Buhay, Masagana at magkaroon ng Magandang Kalusugan ngunit ito ay tumutukoy lamang sa palasyo ng hari at hindi sa tao. Noong panahon ng Bagong Kaharian ng Ehipto, ang pamagat na Paraon ay naging pamagat ng hari. Ang kauna-unahang instansiya kung saan ang pr ꜥꜣ ay spesipikong tumukoy sa pinuno ay sa isang liham kay Akhenaten (naghari 1353–1336 BCE) na "para sa Dakilang Bahay, L, W, H, at ang Panginoon".[13][14] Gayunpaman, may posibilidad na ang pamagat na pr ꜥꜣ ay nilapat rin kay Thutmose III (c. 1479–1425 BCE) batay sa kung ang inskripsiyon sa Templo ng Armant ay makukumpirmang tumutukohhy sa hari.[15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Clayton 1995, p. 217. "Although paying lip-service to the old ideas and religion, in varying degrees, pharaonic Egypt had in effect died with the last native pharaoh, Nectanebo II in 343 BC"
  2. 2.0 2.1 von Beckerath, Jürgen (1999). Handbuch der ägyptischen Königsnamen. Verlag Philipp von Zabern. pp. 266–267. ISBN 978-3422008328.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wells, John C. (2008), Longman Pronunciation Dictionary (ika-3rd (na) edisyon), Longman, ISBN 9781405881180{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Clayton, Peter A. Chronicle of the Pharaohs the Reign-by-reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. London: Thames & Hudson, 2012. Print.
  5. Wilkinson, Toby A. H. (2002-09-11). Early Dynastic Egypt (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-1-134-66420-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Bierbrier, Morris L. (2008-08-14). Historical Dictionary of Ancient Egypt (sa wikang Ingles). Scarecrow Press. ISBN 978-0-8108-6250-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Pharaoh". AncientEgypt.co.uk. The British Museum. 1999. Nakuha noong 20 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Mark, Joshua (2 Setyembre 2009). "Pharaoh - World History Encyclopedia". World History Encyclopedia. Nakuha noong 20 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Hagen, Rose-Marie; Hagen, Rainer (2007). Egypt Art (sa wikang Ingles). New Holland Publishers Pty, Limited. ISBN 978-3-8228-5458-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "The royal crowns of Egypt". Egypt Exploration Society (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Gaskell, G. (2016-03-10). A Dictionary of the Sacred Language of All Scriptures and Myths (Routledge Revivals) (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-1-317-58942-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. A. Gardiner, Ancient Egyptian Grammar (3rd edn, 1957), 71–76.
  13. Hieratic Papyrus from Kahun and Gurob, F. LL. Griffith, 38, 17.
  14. Petrie, W. M. (William Matthew Flinders); Sayce, A. H. (Archibald Henry); Griffith, F. Ll (Francis Llewellyn) (1891). Illahun, Kahun and Gurob : 1889-1890. Cornell University Library. London : D. Nutt. pp. 50.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Robert Mond and O.H. Meyers. Temples of Armant, a Preliminary Survey: The Text, The Egypt Exploration Society, London, 1940, 160.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "note", pero walang nakitang <references group="note"/> tag para rito); $2