Ptolomeo XI Alejandro II
Ptolomeo XI | |
---|---|
Berenice III ng Ehipto | |
Ptolomeo XII | |
Asawa | Berenice III |
Buong pangalan | |
Ptolomeo XI Alejandro II | |
Ama | Ptolomeo X Alejandro I |
Ina | Cleopatra Selene |
Si Ptolomeo XI Alejandro II(Griyego: Πτολεμαῖος Ἀλέξανδρος, Ptolemaĩos Aléxandros) ay paraon ng Kahariang Ptolemaiko ng ilang araw noong 80 BCE. Siya ang anak nina Ptolomeo X Alejandro I at Cleopatra Selena ng Syria.
Ang kanyang tiyuhin na si Ptolomeo IX ay namatay noong 81 o 80 BCE na nag-iwan sa kanyang tanging lehitimong anak na babae bilang tagapagmana sa trono kaya si Cleopatra Berenice ay namunong mag-isa sa isang panahon. Gayunpaman, ninanis ng Romanong si Lucius Cornelius Sulla ang isang pinuno panig sa Roma at ipadala si Ptolomeo X sa Ehipto na nagpapakita ng mga pagnanais ni Ptolomeo Alejandro sa Roma bilang katwiran sa panghihimasok. Ang mga pagnanais ay nag-uudyok kay Ptolomeo XI na pakasalan si Berenice III ng Ehipto na kanyang madrasta, pinsan at posibleng kalahating kapatid. Gayunpaman, sa 19 na araw pagkatapos ng kasalan, pinatay ni Ptolomeo XI ang kanyang asawa sa hindi maipaliwanag na kadahilanan na isang hindi matalinong desisyon dahil si Berenice ay napakasikat sa madla at kaya ay kinuyog ng madlang tao si Ptolomeo XI at pinatay sa Alehandriya.