Si Menmaatre Seti I (o Sethos I sa Griyego) ang Paraon ng Ikalabingsiyam na dinastiya ng Ehipto at anak nina Ramesses I at Reynang Sitre. Siya ang ama ni Ramesses II. Gaya ng lahat ng mga petsa sa Sinaunang Ehipto, ang mga aktuwal na petsa ng kanyang paghahari ay hindi maliwanag at iba't ibang mga historyan ay nag-aankin ng iba't ibang mga petsa. Ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga skolar na petsa ay 1294 BCE – 1279 BCE[4] and 1290 BC to 1279 BC[5] Ang Pangalang Seti ay nangangahulugang "Ni Set" na nagpapakita na siya ay ginawang sagrado sa diyos na si Set(at karaniwang ay Seth). Gaya ng karamihan ng mga Paraon, siya ay may ilang mga pangalan. Sa kanyang pag-akyat sa trono, kanyang ginamit ang prenomen mn-m3‘t-r‘ na karaniwang binibigkas na Menmaatre sa Ehipsiyo na nangangahulugang "Ang Walang Hanggan ang Hustisya ni Re".[1] Ang kanyang mas kilalang nomen o pangalan sa kapanganakan ay tinransliterang sty mry-n-ptḥ, o Sety Merenptah na nangangahulugang "Tao ni Set, minamahal ni Ptah". Maling itinuring ni Manetho si Seti I bilang tagapagtatag ng ikalabingsiyam na dinastiya at nagbigay dito ng haba ng paghahari na 55 taon bagaman walang kailanman na natagpuan ng ganitong katagal na paghahari.
↑J. von Beckerath (1997). Chronologie des Äegyptischen Pharaonischen (sa wikang Aleman). Phillip von Zabern. p. 190.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)