Ang Nebka ang pangalan sa kapanganakan ng paraon na namuno noong Ikatlong dinastiya ng Ehipto. Siya ay pinaniniwalaang katulad ng anyong helenisadongNecherophes ng historyan na si Manetho. Si Nebka ang isa sa pinaka-pinagtatalunang hari sa Lumang Kaharian ng Ehipto dahil ang kanyang pangalan ay ipinasa lamang bilang pangalang cartouche ngunit palaging naingatan sa parehong paraang tipograpikal. Dahil ang mga sanggunian para sa pangalang "Nebka" ay marami, ang pinunong ito ay nakikita na pigurang mahalaga sa kasaysayan. Sa ngayon, pinagtatalunan ng mga Ehiptologo at pagkakakilanlan at posisyong kronolohikal ni Nebka. Ang ilang mga skolar gaya nina Toby Wilkinson, Kenneth Anderson Kitchen, Stephan Seidlmayer at Rainer Stadelmann ay nakumbinsing si Nebka ay ang haring si Hor-Sanakht.[1][2][3] Ang kanilang pagpapalagay ay batay sa isang pragmentong selyong putik na nagpapakita ng mga bakas ng mga tanda na pinaniniwalaang mga Ehiptologo na ang natitira ng isang cartouche na may tandang "Ka" mula sa "Nebka".[4] Ang pagtukoy kay Nebka kay Sanakth ay sinasalungat ng ibang mga Ehiptologo gaya nina John D. Degreef, Nabil Swelim at Wolfgang Helck[1][5][6] Kanilang itinuro na ang mga natitira ng mga inskripsiyon ay mahirap matukoy ng gayon. Sa halip, maaaring ang natitira ng hugis oba na krest ng isang muog na may isa o ilang mga bangka. Ang siyudad na ito ay binanggit sa ilalim ng paraon na si Peribsen sa pangalan nitong "mga bangka ng Matatanda". Kaya ang selyong putik bilang isang patunay ay hindi sapat na nakakahiyakat. Kanila ring isinaad na ang ina ng haring si Djoser na si Reyna Nimaethap ay pinamagatang "Ina ng isang hari" at ang pamagat na ito ay ginamit sa isang anyong singular. Kaya, siya ay dapat may isa lamang anak na lalake na umakyat sa trono at walang lugar para sa isang "Sanakht" o "Nebka". Sa karagdagan, sa libingan ng asawa ng reyna na si Haring Khasekhemwy, ang tanging mga selyong putik ni Djoser ang natagpuan at walang isa na kay Sanakht o Nebka. Ayon kay Kitchen na kumilala kay Sanakth kay Nebka, ang Kanon na Turin ay mahirap ipaliwanag na nagbibigay ng parehong tagal ng paghahari kay Nebka(19 taon) gaya kay Djoser na isang sirkunstansiya na hindi dapat. Dahil dito, maraming mga skolar ay naniniwala na ang pangalang "Nebka" ay simpleng maling nailagay sa pagkakamali.[1][5][6][7]
↑Kenneth Anderson Kitchen: Ramesside Inscriptions, Translated and Annotated Notes and Comments, vol. 2. Wiley-Blackwell, London 1998, ISBN 063118435X, page 534 – 538.
↑Toby A. H. Wilkinson: Early Dynastic Egypt. Strategies, Society and Security. Routledge, London u. a. 1999, ISBN 0-415-18633-1, page 101 – 104.
↑Jean-Pierre Pätznik: Die Siegelabrollungen und Rollsiegel der Stadt Elephantine im 3. Jahrtausend vor Christus. Spurensicherung eines archäologischen Artefaktes (= Breasted´s Ancient Records (BAR), International Series, vol. 1339). Archaeopress, Oxford 2005, ISBN 1-84171-685-5, page 69 – 72 & 78 – 80.
↑ 5.05.1Wolfgang Helck: Untersuchungen zur Thintenzeit (= Ägyptologische Abhandlungen, vol. 45). Harrassowitz, Wiesbaden 1987, ISBN 3-447-02677-4
↑ 6.06.1Dietrich Wildung: Die Rolle ägyptischer Könige im Bewusstsein ihrer Nachwelt. Volume 1: Posthume Quellen über die Könige der ersten vier Dynastien (= Münchner ägyptologische Studien, vol. 17). B. Hessling, Berlin 1969. page 54 – 58.
↑Nabil Swelim: Some Problems on the History of the Third Dynasty - Archaeological and Historical Studies, vol. 7. The Archaeological Society of Alexandria, Alexandria 1983, page 196–198.