Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Apries (Sinaunang Griyego : Ἁπρίης ) ang pangalan na ginamit ni [Herodotus]] (ii. 161) at Diodorus Siculus (i. 68) kay Wahibre Haaibre na isang paraon ng Sinaunang Ehipto ng Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto .[ 2] Siya ay tinawag na Hophra sa Aklat ni Jeremias 44:30.[ 3]
Namana ni Apries ang trono sa kanyang amang si Psamtik II noong Pebrero 589 BCE.[ 1] Itinayo ni Apries ang dagdag sa mga templo sa Athribis (Tell Atrib), Bahariya Oasis , Memphis, Ehipto , at Sais, Ehipto ."[ 4] Sa kanyang ikaapat na taon ng paghahari, ang kanyang kapatid na babae na si Ankhnesneferibre ay ginawang bagong asawa ng Diyos na si Amun sa Thebes, Ehipto .[ 4] Sa kanyang pamumno, nagkaroon ng mga panloob na problema, Noong 588 BCE, pinadala ni Apries ang isanng puwersa sa Herusalem upang protektahan ito mula sa mga puwersa ng Imperyong Neo-Babilonya na ipinadala ni Nabucodonosor II ayon sa Aklat ni Jeremias 37:5; 34:21). Umurong ang kanyang mga puwersa na umiwas sa komprontasyon sa mga Babilonyo.[ 5] Ang Kaharian ng Juda ay winasak ng Imperyong Neo-Babilonya noong 587/586 BCE. Tinangka ni Apries na manghimasok sa politika ng Kaharian ng Juda ngunit nabigo ito na sinundan ng pag-aalsa ng mga sundalo sa mahalagang stratehikong Aswan garrison.[ 1] [ 5]