Pumunta sa nilalaman

Ptolomeo IX Soter

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Ptolomeo IX Soter II[note 1] (Griyego: Πτολεμαῖος Σωτήρ, Ptolemaĩos Sōtḗr "Ptolemy the Saviour"), na pinalayawang Lathyros (Λάθυρος, Láthuros "chickpea"),[3] ay dalawang beses na naging paraon ng Kahariang Ptolemaiko. Siya ang anak ni Ptolomeo VIII Physcon at Cleopatra III. Siya ay naghari bilang si Ptolemy Philometor Soter kasama ng kanyang lolang si Cleopatra II at inang si Cleopatra III mula 116 hanggang 107 BCE at muli bilang paraong si Ptolemy Soter mula 88 BCE hanggang 81 BCE.

Pagkatapos mapatay ang kanyang nakatatandang kapatid na lalakeng si Ptolomeo Memphite noong 130 BCE sa digmaang sibil sa pagitan Ptolomeo VIII at Cleopatra II, si Ptolomeo IX ang naging tagapagmana sa trono. Sa kamatayan ng kanyang ama noong 116 BCE, siya ay naging pinuno kasama ni Cleopatra II (hanggang 115 BCE) at kasama ni Cleopatra III. Kalaunan ay nakipag-alitan siya sa kanyang ina at noong 107 BCE ay ipinatapon ito at ipinalit ang kanyang nakababatang kapatid na lalakeng si Ptolomeo X. Matagumpay na nasakop ni Ptolomeo IX ang Cyprus at mula dito ay sinakop niya ang Hudea ngunit napigilan ni Ptolomeo X na masakop niya ang Ehipto (103-102 BCE). Noong 88 BCE, pinatalsik ng mga Alehandriyano si Ptolomeo X at muling iniluklok sa trono si Ptolomeo IX. Siya ay nagharing mag-isa hanggang 81 BCE nang kanyang hiranging ang kanyang anak na babaeng si Berenice III bilang kapwa pinnuno bago ang kanyang kamatayan. Siya ang humalili sa tronong Ptolemaiko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bennett, Chris. "Ptolemy IX". Egyptian Royal Genealogy. Nakuha noong 11 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hölbl 2001, p. 203
  3. Ptolemy Soter II and Ptolemy Alexander I at LacusCurtius — (Chapter XI of E. R Bevan's House of Ptolemy, 1923)


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "note", pero walang nakitang <references group="note"/> tag para rito); $2