Pumunta sa nilalaman

Judea

Mga koordinado: 31°40′N 35°00′E / 31.667°N 35.000°E / 31.667; 35.000
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hudea)
Hudea
יְהוּדָה
Isang bundok sa Hudea
Isang bundok sa Hudea
Coordinates: 31°40′N 35°00′E / 31.667°N 35.000°E / 31.667; 35.000
Part ofIsrael at West Bank
Highest elevation1,020 m (3,350 tal)

Ang Judea o Judaea, at ang modernong bersiyon ng Judah ( /ˈdə/; from Hebreo: יהודה‎, Wikang Hebreo Yəhuda, Tiberian Yəhûḏāh, Griyego: Ἰουδαία, Padron:Grc-tr; Latin: Iūdaea) ay ang sinaunang Tanakh(Hebreong Bibliya), ang kakontemporaneong Latin, at ang modernong pangalan ng mabundok na timog na bahagi ng rehiyon ng Palestina. Ang pangalan ay nagmula sa pangalang Juda na isa sa mga anak ng patriarka sa Bibliyang si Jacob na kalaunang tinawag na Israel, na may mga inapo ni Yehudah na bumubuo sa Israelitang tribo ni Juda (Yehudah) sa Bibliya at kalaunan ay nauugnay sa [Kaharian ng Juda]], kung saan ang inilalagay ng 1906 Ensiklopedyang Hudyo ay nagmula noong 934 hanggang Pagpapatapon sa Babilonya.[1] Ang pangalan ng rehiyon ay nagpatuloy na pinapaloob sa pamamagitan ng pananakop ng Imperyong Neo-Babilonya bilang Yehud (probinsiya ng Babilonya), Imperyong Persiyano bilang Yehud Medinata, Imperyong Griyego(sa ilalim ng Kahariang Ptolemaiko at kalaunan ay ng Imperyong Seleucid, Kahariang Hasmoneo, Kahariang Herodiano at Imperyong Romano bilang Judea (lalawigang Romano).[2]

Bilang kahihinatnan ng pag-aalsa ng Bar Kokhba, noong 135 CE ang rehiyon ay pinalitan ng pangalan at isinama sa Romanong Syria upang mabuo ang Syria Palaestina[3] ng nagwaging Romanong Emperador na si Adriano. Ang isang malaking bahagi ng Hudea ay isinama sa Jordaniang Kanlurang Pampang sa pagitan ng 1948 at 1967 (ibig sabihin, ang "Kanlurang Pampang" ng Kaharian ng Jordan).[4][5] Ang katagang Judea bilang isang terminong pangheograpiya ay muling binuhay ng pamahalaang Israeli noong ika-20 siglo bilang bahagi ng pangalang administratibong Israeli na pinangalanang Lugar ng Judea at Samaria para sa teritoryo na karaniwang tinutukoy bilang Kanlurang Pampang.[6]

Mga makasaysayang hangganan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang[patay na link] mga burol ng Judea
Lumang Romanong daan sa Hudea

Isinulat ng klasikong Romanong-Hudyong istoryador na si Josephus na (Mga Digmaan 3.3.5):

Sa mga hangganan ng Samaria at Hudea ay matatagpuan ang nayon na Anuath, na pinangalanan ding Borceos.[7] Ito ang hilagang hangganan ng Hudea. Ang mga katimugang bahagi ng Hudea, kung susukatin ang mga haba, ay hinahangganan ng isang nayon na magkadugtong sa mga hangganan ng Arabia; ang mga Hudyo na naninirahan doon ay tinawag itong Jordan. Ngunit, ang lawak nito ay pinalawig mula sa ilog ng Jordan hanggang sa Joppa. Ang lungsod ng Herusalem ay matatagpuan sa pinakagitna; sa pag-aangkin ng ilan, na may sapat na karunungan, ay tinawag ang lungsod na Pusod ng bayan. Hindi rin nahihirapan ang Hudea sa mga yamang nagmula sa dagat, sapagkat ang mga lugar na pangdagat ay umaabot hanggang sa Ptolemais: ito ay nahahati sa labing-isang bahagi, kung saan ang maharlikang lungsod na Herusalem ang kataas-taasan, at namuno sa lahat ng kalapit bayan, tulad ng ginagawa ng ulo sa katawan. Tungkol sa iba pang mga lungsod na mas mababa dito, pinangunahan nila ang kanilang maraming toparka; Ang Gophna ay ang pangalawa sa mga lunsod na iyon, at katabi ng Acrabatta, na kasunod nito ay ang Thamna, at Lydda, at Emmaus, at Pella. at Idumea, at Engaddi, at Herodium, at Jerico; at pagkatapos ay Jamnia at Joppa, bilang namumuno sa mga kalapit na tao; at bukod sa mga ito ay naroon ang rehiyon ng Gamala, at Gaulonitis, at Batanea, at Trachonitis, na mga bahagi rin ng kaharian ni Agrippa. Ang [hulihan ng] bansang ito ay nagsisimula sa Bundok Libano, at ang mga bukal ng Jordan, at umabot sa mga kalawakan hanggang sa Dagat ng Galilea; at ang haba ay pinahaba mula sa isang nayon na tinatawag na Arpha, hanggang sa Julias. Ang mga naninirahan dito ay pinaghalong mga Hudyo at Syrian. At sa gayon ay inilarawan ko, kasama ang lahat ng posibleng sakop, ang bansa ng Hudea, at ang mga nasa paligid nito.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Judah, Kingdom of". Jewish Encyclopedia. Nakuha noong 2014-04-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Crotty, Robert Brian (2017). The Christian Survivor: How Roman Christianity Defeated Its Early Competitors. Springer. p. 25 f.n. 4. ISBN 9789811032141. Nakuha noong 28 Setyembre 2020. The Babylonians translated the Hebrew name [Judah] into Aramaic as Yehud Medinata ('the province of Judah') or simply 'Yehud' and made it a new Babylonian province. This was inherited by the Persians. Under the Greeks, Yehud was translated as Judaea and this was taken over by the Romans. After the Jewish rebellion of 135 CE, the Romans renamed the area Syria Palaestina or simply Palestine. The area described by these land titles differed to some extent in the different periods.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Crotty, Robert Brian (2017). The Christian Survivor: How Roman Christianity Defeated Its Early Competitors. Springer. p. 25 f.n. 4. ISBN 9789811032141. Nakuha noong 28 Setyembre 2020. The Babylonians translated the Hebrew name [Judah] into Aramaic as Yehud Medinata ('the province of Judah') or simply 'Yehud' and made it a new Babylonian province. This was inherited by the Persians. Under the Greeks, Yehud was translated as Judaea and this was taken over by the Romans. After the Jewish rebellion of 135 CE, the Romans renamed the area Syria Palaestina or simply Palestine. The area described by these land titles differed to some extent in the different periods.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mark A. Tessler (1994). A History of the Israeli-Palestinian Conflict. Indiana University Press. p. 401. ISBN 0-253-20873-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Bronner, Ethan (2008-12-04). "Israeli Troops Evict Settlers in the West Bank". The New York Times. Nakuha noong 2018-09-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Neil Caplan (19 Setyembre 2011). The Israel-Palestine Conflict: Contested Histories. John Wiley & Sons. p. 8. ISBN 978-1405175395.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Based on Charles William Wilson's (1836–1905) identification of this site, who thought that Borceos may have been a place about 18 kilometers to the south of Neapolis (Nablus) because of a name similarity (Berkit). See p. 232 in: Wilson, Charles William (1881). Picturesque Palestine, Sinai and Egypt. Bol. 1. New York: D. Appleton.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link). This identification is the result of the equivocal nature of Josephus' statement, where he mentions both "Samaria" and "Judea." Samaria was a sub-district of Judea. Others speculate that Borceos may have referred to the village Burqin, in northern Samaria, and which village marked the bounds of Judea to its north.
  8. "Ancient History Sourcebook: Josephus (37 – after 93 CE): Galilee, Samaria, and Judea in the First Century CE". Fordham.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-04-29. Nakuha noong 2012-12-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)