Pumunta sa nilalaman

Pagpapatapon sa Babilonya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Pagpapatapon sa Babilonya ay isang pangyayari sa Kasaysayang Hudyo kung saan ang maraming mga mamamayan ng Kaharian ng Juda ay ipinatapon ni Nabucodonosor II na humantong sa pagkakawasak ng Templo ni Solomon at Herusalem. Ayon sa Bibliya, sa Labanan ng Carcemish noong ca. 605 BCE, kinubkob ni Nabucodonosor II ang Herusalem na nagresulta sa pagbibigay ng tributo ni Jehoiakim sa Babilonya. Sa ikaapat na paghahari ni Nabucodonosor II, si Jehoiakim ay tumangging magbayad ng tributo na humantong pa sa pagkukubkob ng Babilonya sa Herusalem na humantong sa kamatayan ni Jehoiakim, pagpapatapos kay Jeconias, mga hukom, mga mamamayan ng Juda at ni Zedekias sa Babilonya. Ang kalaunang papgpapatapon sa mga mamamayan ng Juda ay nangyari at humantong sa pagkakawasak ng Templo ni Solomon. Ito ay pinetsahan na 597 BCE, 587/586 BCE at 582/581 BCE. Gayunpaman, may mga pagkakaiba sa eksaktong petsa na pinagdedebtaihan pa rin mga iskolar at ang Bibliya ay may magkakasalungat na salasaysay sa petsa, bilang ng pagpapatapon at bilang ng mga mamamayang itinapon. Ayon sa Aklat ni Jeremias, ang pagpapatapon sa Babilonya ay tatagal ng 70 taon mula kay Jeconias(Jeremias 29:2,10) ngunit ito ay tumagal lamang nang 59 taon (598-539 BCE ayon sa karamihan ng mga iskolar), 58 taon (ayon kay Thiele) o 48 taon lamang(587-539 BCE ayon kay Young). Ayon sa Aklat ni Ezra, pinabalik ni Dakilang Ciro ang mga taga-Judah mula sa Babilonya. Ayon sa iskolar na si Lester L. Grabbe, bagaman may "pangkalahatang patakaran (si Dakilang Ciro) sa mga ipinatapon (ni Nabucodonosor II) na mga bansa na bumalik sa kanilang mga bayan at muling itayo ang mga lugar ng kanilang mga kulto"", ang "sinasabing kautusan ni Dakilang Ciro sa mga Hudyo na muling bumalik sa Herusalem at muling itayo ang Templo ni Solomon ay hindi maituturing na totoo". Ayon din kay Grabbe, ang pagpapabalik ni Ciro ay patak patak at nangyari sa maraming mga dekada kesa sa isang pangyayari.[1] Walang binanggit sa Silindro ni Ciro na Judah o Herusalem

Kuwento ayon sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinuportahan ni Paraon Necho II ang humihinang Imperyong Neo-Asirya laban sa lumalakas na Babilonya at Medes. Noong 609 BCE, si Necho II ay nagmartsa sa Syria upang tulungan ang pinuno (tinawag na hari ngunit hindi pinangalanan sa Bibliya) ng Asirya na si Ashur-uballit II. Ayon sa 2 Hari 23, hinarang at pinilit ni Josias na hari ng Kaharian ng Juda na labanan si Neco II sa Megiddo kung saan pinatay ni Necho II si Josias. Ayon sa Tekstong Masoretiko ng 2 Hari 23:39, nilabanan ni Necho II ang hari ng Asirya. Dahil sa kamaliang ito, ito ay binago at ginawang "tinulungan ni Necho II ang hari ng Asirya" sa NIV. Ang mga hukbo ni Necho II at mga hukbo ng Asirya ay tumawid sa Ilog Eufrates upang bawiin ang Harran na itinatag ni Ashur-ubbalit II matapos bumagsak ang Nineveh sa magkasanib na puwersa ng Babilonya at Medes noong 612 BCE. Ang Asirya at Ehipto ay nabigo at umurong sa puwersang Babilonya at Medes na humantong sa pagtatapos ng Imperyong Neo-Asirya. Ayon sa 2 Hari, sa pagbalik ni Necho II sa Ehipto, pinalitan niya ang haring si Jehoahaz na anak ni Josias ng isa pang anak ni Josias na si Jehoiakim. Si Jehiakim ay naging isang basalyo ng Ehipto at nagbibigay ng tributo dito.(2 Hari 23:35). Nang matalo ang Ehipto ng Babilonya sa Labanan ng Carcemish noong 605 BCE, kinubkob ni Nabucodonosor II ang Herusalem na nagtulak kay Jehoiakim na lumipat ng katapatan tungo sa Babilonya at naging basalyo nito sa loob ng 3 taon. Nang mabigo ang mga Babilonyo na muling sakupin ang Ehipto, lumipat si Jehoiakim na katapatan tungo sa Ehipto. Noong 598 BCE, kinubkob ni Nabudonosor ang Herusalem sa loob ng 3 at si Jehoiakim ay tinakilaan upang dalhin ni Nabudonosor II sa Babilonya(2 Kronika 36:6) ngunit namatay at hinalinhan ng kanyang anak na si Jeconias. Pagkatapos ng 3 buwan sa ika-7 ni Nabucodonosor II sa buwan ng Kislev 598 BCE, ipinatapon ni Nabucodonosor si Jeconias at mga mamamayan ng Kaharian ng Juda sa Babilonya at nilagay na kapalit ni Jeconias si Zedekias na maging hari ng Kaharian ng Juda. Si Zedekias ay nag-alsa laban sa Babilonya at nakipag-alyansa sa Paraong si Apries. Dahil dito, kinubkob ni Nabudonosor II ang Juda na tumagal ng 30 buwan at pagkatapos ng 11 taong paghahari ni Zedekias, nagwagi si Nabudonosor II sa pananakop sa Juda kung saan pinatay ni Nabucodonosor II ang mga anak ni Zedekias at si Zedekias ay binulag at tinakilaan at dinala sa Babilonya kung saan siya naging bilanggo hanggang sa kanyang kamatayan(Jeremias 52:10-14). Ang Herusalem at Templo ni Solomon ay winasak ng mga Babilonyo noong ca. 587/586 BCE(Jer 52:13-14).Pagkatapos bumagsak ang hari ng Babilonya na si Nabonidus kay Dakilang Ciro noong ca. 539 BCE, pinabalik niya ang mga taga-Juda sa Herusalem at pinayagan ang mga ito na muling itayo ang templo ni Solomon na itinayo noong 516 BCE na naging Ikalawang Templo sa Herusalem. Ang Juda ay naging probinsiya ng Imperyong Persiya bilang Yehud Medinata nang 207 taon. Ayon sa mga iskolar, dito napakilala at naimpluwensiyahan ng mga Persiyano at relhiiyong Zoroastrianismo ang mga Hudyo sa kanilang mga paniniwalang gaya ng mga anghel, demonyo, dualismo at mesiyas at tagapagligtas(Saoshyant).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Grabbe, Lester L. (2004). Yehud - A History of the Persian Province of Judah. p. 355. ISBN 9780567089984. {{cite book}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)