Babilonya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Babilonya (paglilinaw).
Sinaunang
Mesopotamya
Eufrates · Tigris
Mga Imperyo/Lungsod
Sumerya
Eridu · Kish · Uruk · Ur
Lagash · Nippur · Ngirsu
Elam
Susa
Imperyong Akkadiano
Akkad · Mari
Amorreo
Isin · Larsa
Babilonya
Babilonya · Caldea
Asiria
Assur · Nimrud
Dur-Sharrukin · Nineve

Ang Babilonya[1] ay isang makasaysayang estadong lungsod na naging imperyo sa Gitnang Silangan. Isa itong pangunahing lungsod sa sinaunang Mesopotamya sa masaganang kapatagan sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates. Bago ito naging estadong lungsod, ang Babilonya ay isang maliit na Semitikong Akkadong lungsod noong panahon ng Imperyong Akkadio noong humigit-kumulang 2300 BK.

Mabilis na nagunaw ang imperyo matapos ang kamatayan ni Hammurabi. Ang Mga Nakabiting Hardin ng Babilonya ay naging isa sa mga Pitong Kababalaghan ng Sinaunang Mundo.

Matatagpuan ang labi nito sa pangkasalukuyang-panahong Al Hillah, Lalawigan ng Babil (Gubernaturang Babil), sa Irak, mga 85 kilometro (55 mi) sa timog ng Baghdad. Ang matandang lungsod na ito ng Mesopotamya (ang Irak ngayon) ang kabiserang lungsod ng Babilonya. Nabanggit sa unang pagkakataon sa kasaysayan ang lungsod noong ika-24 daantaon BK. Sa kabuoan ng kasaysayan nito, humina ang kapangyarihang angkin ng Babilonya.

Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangalan na Babilonya ay nanggagaling sa Griyegong Babylṓn (Βαβυλών), isang pagsasatitik ng Akkadong Babili. Ang Babilonang pangalan noong maagang pangalawang sanlibong taon BK ay Babilli o Babilla na kung alin ay mukhang adapsyon ng hindi pa alam na orihinal na hindi Semitikong pangalan ng lugar. Sa unang sanlibong taon BK, ito ay napalitan na ng Babili sa ilalim ng impluwensiya ng katutubong etimolohiya na nanggaling sa bāb-ili ("Pintuang-daan ng Diyos" o "Pintuang-daan noong Diyos").

Sinaunang Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang tableta na naglalarawan sa paghahari ni Sargon ng Akkad (h-k. ika-23 siglo BK maikling kronolohiya) ay di-tuwirang nagpahayag sa lungsod ng Babilonya. Ang tinatawag na Mga Salaysay na Weidner ay nagpapahayag na itinayo ni Sargon ang Babilonya "sa harap ng Akkad" (ABC 19:51). Ang isa pang mas bagong salaysay ay nagpapahayag na "naghukay ng lupa ng balon ng Babilonya at gumawa ng kapilas ng Babilonya sa tabi ng Akkad" (ABC 20:18–19) si Sargon.

Lumang Panahon ng Babilonya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Unang Dinastiyang Babilonya ay itinatag ng isang Amorrheong pinuno na nagngangalang Sumu-abum noong 1894 BK, na nagpahayag ng pagsasarili mula sa kalapit na lungsod-estado ng Kazallu. Hindi katutubo ang mga Amorrheo sa Mesopotamya ngunit mga medyo-lagalag na Cananeong Hilaga-kanlurang Semitikong mananalakay mula sa hilagang Lebant.

Pagiging Persang Babilonya[baguhin | baguhin ang batayan]

Bumagsak ang Imperyong Babilonya nang mapasakamay ito ni Haring Ciro (o Ciro ang Dakila) ng Persiya noong 539 BK. Pagkatapos magapi ang Babilonya, pinakawalaan ng hari ang mga Hebreo na nadakip sa pagsugod ng dating haring Nebuchadnezzar. Ang Babilonya ang huling imperyong natatag sa Sinaunang Mesopotamya. Dahil kontrolado ng Persiya ang imperyo, tinawag na itong Persang Babilonya. Ang huling pinuno ng imperyo ay si Philip II Philoromaeus; tuluyang bumagsak ang imperyo sa pananakop ng mga Romano.

Ang mga labi ng lungsod ng Babilonya, taong 2003.

Paglusob sa mga Hebreo[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Bibliya, pagkatapos ng kamatayan ni Haring Solomon nilusob at sinira ng mga Babilonyan, na pinangungunahan ni Nebuchadnezzar, ang Jerusalem, at nagtangay din sila ng maraming mga mamamayang ginawang mga bihag. Sa kalaunan, naging sagisag sa mga pahina ng Bibliya ang Babilonya na anumang makapangyarihan at makasalanang lungsod, o maging ng anumang gawing pangkaisipan na laban at labag sa kalooban ng Diyos.[2]

Ang mapa nang unang dinastiya ng Babilonya.


Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Babilonia". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077. 
  2. The Committee on Bible Translation (1984). "Babylon, Babylonians, Dictionary/Concordance, pahina B1". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.