Asiria

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sinaunang
Mesopotamya
Eufrates · Tigris
Mga Imperyo/Lungsod
Sumerya
Eridu · Kish · Uruk · Ur
Lagash · Nippur · Ngirsu
Elam
Susa
Imperyong Akkadiano
Akkad · Mari
Amorreo
Isin · Larsa
Babilonya
Babilonya · Caldea
Asiria
Assur · Nimrud
Dur-Sharrukin · Nineve

Ang mga Asirio ay ang mga taong namuhay sa hilagang bahagi ng kasalukuyang Irak noong mula mga 2900 BK magpahanggang 600 BK. Nanirahan sila sa mataas na pook sa may Ilog ng Tigris. Kabilang sa kanilang pangunahing mga lungsod ng Assur at Nineveh. Nagkaroon sila ng Imperyong umaabot mula Ehipto hanggang Golpo ng Persa.[1]

Noong Gitnang Panahon ng Tanso, ang Asiria ay isang rehiyon sa Ilog ng Tigris na ipinangalan sa unang kabisera nito, ang sinaunang lungsod ng Assur (Akkadiano: Aššur; Hebrew: אַשּׁוּר Aššr, Arameo: Aṯr). Di-naglaon, bilang isang nasyon at imperyo na namahala sa buong Matabang Kresyente, Ehipto, at malaking bahagi ng Anatolia, tumutukoy ang katawagang "mismong Asiria" sa hilagang hati ng Mesopotamya (ang timog na hati ay ang Babilonya na ang Nineveh ang kabisera).

Nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga haring Asirio ang isang malaking kaharian sa tatlong magkakaibang bahagi ng kasaysayan. Tinatawag ang mga ito na panahon o kahariang Matanda (ika-20 hanggang ika-15 dantaon BK), Gitna (ika-15 hanggang ika-10 dantaon BK), at Neo-Asirio (911-612 BK), kung saan ang pinakahuli ang pinakatanyag at may maraming naidokumento.

Mga gusali[baguhin]

Yari sa mga tisang ibinilad sa araw ang kanilang mga gusali. Ngunit gumamit sila ng mga pundasyong bato para sa mga templo at mga palasyo, at nilagyan ng mga mabusisi o detalyadong mga ukit ang mga pader.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp.. (1985). "Who were the Assyrians?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.


Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.