Pumunta sa nilalaman

Tiglath-Pileser III

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tiglath-Pileser III: stela mula sa mga pader ng kanyang palasyo (British Museum, London).

Si Tiglath-Pileser III (mula anyong Hebreo[Note 1] ng Wikang Akkadiano Tukultī-apil-Ešarra, "ang aking pagtitiwala ay nasa anak na lalake ni Esharra") ang hari ng Assyria noong ika-8 siglo BCE na namuno noong 745–727 BCE[1][2] at malawakang kinikilala bilang ang pinuno na nagpakilala ng napakaunlad na mga sistemang sibil, pangmilitar, at pampolitika sa Imperyo Neo-Asiryo.[3][4] Sinunggaban ni Tiglath-Pileser III ang tronong Asiryo noong digmaang sibil at pinatay ang pamilyang maharlika. Kanyang pinabuti ang ang pamahalaan ng Assyria at seguridad nito. Ang hukbong Asiryo na pinakadakila nang hukbo simula noong panahon ni Ashur-uballit I (1366-1330 BCE) ay naging ang unang propesyonal na hukbo noong kanyang panahon. Pinasuko at sinakop ni Tiglath-Pileser III ang karamihan ng kilalang mundo sa panahong iyon: sa timog, ang mga Mesopotamiano sa Babilonya at Kaldea, mga Arabo, Magan, Meluhha at mga taga-Dilmun ng Arabian Peninsula. Sa timog kanluran, kanyang pinabagsak ang Israel, Kaharian ng Judah, Philistia, Samarra, Moab, Edom, Suteans at Nabatea. Sa hilaga,kanyang sinakop ang Urartu, Armenia atvScythia sa Bulubunduking Caucasus, Cimmeria sa Dagat Itim, at Nairi. Kanyang pinasuko ang hilagang kanluran at karamihan ng silanganin at timog kanlurang Asya menor kabilang ang mga Hittite, Phrygia, Cilicia, Commagene, Tabal, Corduenne and Caria. Sa kanluran, kanyang pinasuko ang mga Griyego ng Cyprus at Aram(modernong Syria) gayundin ang Phoenicia/Caanan. Sa silangan, kanyang pinasuko ang Persia, Medes, Gutium, Mannea, Cissia at Elam. Kalaunan sa kanyang paghahari, si Tiglath-Pileser III ay kinoronahang Hari ng Babilonya. Siya ay itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na mga komander ng militar sa kasaysayan ng mundo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lendering, Jona (2006). "Assyrian Eponym List (2/3)". Livius.org. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-11-14. Nakuha noong 2013-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Tadmor, Inscriptions, p. 29.
  3. Healy, Assyrians, p. 17
  4. "History of Mesopotamia". Encyclopædia Britannica.
  1. Spelled as "Tiglath-Pileser" in the Book of Kings (2Kings 15:29) and as "Tilgath-Pilneser" in the Book of Chronicles (2Chronicles 28:20).
Sinundan:
Ashur-nirari V
Hari ng Asirya
745 – 727 BCE
Susunod:
Shalmaneser V
Sinundan:
Nabu-mukin-zeri
Hari ng Babilonya
729 – 727 BCE