Crimea

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Nagsasariling Republika ng Crimea
Автономна Республіка Крим
Автономная Республика Крым
Qırım Muhtar Cumhuriyeti
Pambansang Kasabihan: Процветание в единстве  (Ruso)
Protsvetanie v edinstve  (transliterasyon)
"Kaginhawaan sa Pagsamasama"
Pambansang Awit: Нивы и горы твои волшебны, Родина  (Ruso)
Nivy i gory tvoi volshebny, Rodina  (transliterasyon)
Ang iyong mga kapatagan at bundok ay maganda, Inang Bansa

Lokasyon ng Crimea (pula) na may respeto sa Ukranya (bughaw)
Kabisera Simferopol
44°56′N 34°6′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Pinakamalaking lungsod Kabisera
Opisyal na wika Ukranyano1
Kinikilalang rehiyonal na wika Ruso, Tatar ng Crimea
Pangkat etniko  58.32% Ruso
24.32% Ukranyano
12.10% Tatar ng Crimea
Pamahalaan Isang nagsasariling republika sa loob ng Ukranya
 -  Kinatawan ng Pangulo Serhiy Kunitsyn
 -  Punong Ministro Sergey Aksyonov (de facto)
 -  Ispiker ng Parlamento
Vladimir Konstantinov
Nagsasarili galing sa Imperyong Ruso / Unyong Sobyet
 -  Nilikha 18 Oktubre 1921 
 -  Tinanggal 30 Hunyo 1945 
 -  Ibinalik 12 Pebrero 1992 
Lawak
 -  Kabuuan 26,100 km2 (148)
10,038 sq mi 
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2007 1,973,185 (148)
 -  Senso ng 2001 2,033,700 
 -  Kakapalan 75.6/km2 (116)
29.3/sq mi
Pananalapi Hryvnia (UAH)
Pook ng oras EET (UTC+2)
 -  Tag-araw (DST) EEST (UTC+3)
Internet TLD crimea.ua
Kodigong pantawag 380|380 65/692
Map of the Crimea.png

Ang Crimea o ang Nagsasariling Republika ng Crimea (Ingles: Autonomous Republic of Crimea), ay isang nagsasariling republika ng Ukranya na makikita sa hilagang bahagi ng Dagat Itim, at pinamumunuan ang isang tangway na kapareho ang pangalan.

Ang teritoryo ng Crimea ay sinakop at kinontrol ng maraming beses sa loob ng kasaysayan nito. Kinontrol ng mga Cimmeryo, Griyego, Persa (Persian), Gotiko, mga Hun, mga Bulgaro, mga Khazar, ang estado ng Kievan Rus, Bizantinong Griyego, mga Kipchak, at ng mga Mongol ang Crimea sa unang bahagi ng kasaysayan nito. Noong ika-13 na siglo, bahagyang kinontrol ito ng mga taga-Benesya and taga-Genoa, at sinundan ito ng Khanate ng Crimea at ang Imperyong Otomano noong ika-15 hangang ika-18 na siglo, ng Imperyong Ruso noong ika-18 hangang ika-20 siglo, at ng Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet ng Rusya and pagtagal, and Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet ng Ukranya sa loob ng Unyong Sobyet sa huling bahagi ng ika-20 siglo, ng Aleman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at ngayon, ang estado ng Ukranya.

Ang Crimea ay isang parliamentaryong republika na pinamumunuan ng Saligang Batas ng Crimea, sa pagsasang-ayon ng mga batas ng Ukranya. Ang kabisera at sentro ng pangangasiwa ng pamahalaan ng republika ay ang lungsod ng Simferopol, na matatagpuan sa gitna ng tangway. Ang pangkalahatang area ng Crimea ay 26,200 kilometrong kuwadrado (100,100 sq. mi). Noong 2007, ang populasyon ng Crimea ay umaabot sa 1,973,185.

And Crimea ay ang pinagmumulan ng mga Tatar ng Crimea, isang katutubong minoridad na nagbubuo ng 13% ng populasyon. Sapilitang pinataboy ang mga Tatar sa Gitnang Asya noong pamumuno ni Josef Stalin, pero nagsimula na silang bumalik noong mga sumunod na taon.[1]

Pinagmulan ng pangalan na Crimea[baguhin]

Ang pangalan na Crimea ay nagmula sa lungsod ng Qırım (ngayong Stary Krym), na nagsilbi bilang ang kabisera ng lalawigan ng Crimea ng mga Golden Horde. And salitang Qırım ay Tatar para sa "aking burol" (qır - burol, ım - aking). Subalit, mayroong ibang bersiyon ng pinagmulan ng Qırım. Ang Rusong Kyrm ay ang pina-rusong anyo ng Qırım. Tinawag ng mga Griyego ang Crimea ng Tauris (pagtagal ay naging Taurica), dahil sa mga naktatira dito, ang mga Tauri. Sinabi ni Herodotus, na isang Griyegong dalubhasa sa kasaysayan, na inararo ni Hercules ang lupa gamit ng isang malaking kalabaw ("Taurus"), kaya ganoon ang pangalan ng lupain.

Sa Ingles, minsan tinatawag ang Crimea na kasama ng pantukoy na ang, pero ang paggamit ng wala ang 'ang' ay mas nagiging madalas sa pagsimula ng mga taon ng Unyong Sobyet.

Sanggunian[baguhin]