Larsa
31°17′9″N 45°51′13″E / 31.28583°N 45.85361°E
Ang Larsa (Wikang Sumeryo logogram: UD.UNUGKI,[1] read Larsamki[2]) ay isang mahalagang lungsod sa sinaunang Sumerya. Ito ay sentro ng kulto ng diyos araw na si Utus. Ito ay nasa mga 25 km timog silangan ng Uruk sa Dhi Qar Governorate ng Iraq, malapit sa silangang pampang ng kanal na Shatt-en-Nil sa lugar ng modernong tirahan na Tell as-Senkereh o Sankarah.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa talaan ng mga haring Sumeryo, ang "Larag" (wikang Sumeryo: LA-RA-AKKI[3]) ay isa sa mga limang siyudad na nagsanay ng paghahari sa maalamat na panahong antedelubyano (bago ang baha). Ang historikal na Larsa ay umiiral na noon pang paghahari ni Eannatum ng Lagash na nagdagdag nito sa kanyang imperyo. Ang siyudad na Lagash ay naging isang pwersang pampolitika noong panahong Isin-Larsa. Pagkatapos ng pagguho ng Ikatlong Dinastiya ng Ur noong ca. 1940 BCE, ang Ishbi-Erra na isang opisyal ng Ibbi-Sin na huling hari ng Dinastiyang Ur III ay lumipat sa Isin at nagtatag ng pamahalaan na pinagpapalagay na kahalili ng dinastiyang Ur III. Mula doon, muling nabihag rin ng Ishbi-Erra ang siyudad ng Ur gayundin ang mga siyudad ng Uruk at Lagash na pinagpapailaliman ng Lrasa. Ang mga kalaunang pinuno ng Isin ang humirang ng mga gobernador upang mamuno sa Lagash. Ang isang gayong gobernador ay isang Amoreo na si Gungunum. Kalaunan siyang kumalas sa Isin at nagtatag ng independiyenteng dinastiya sa Isin. Upang gawing lehitimo ang kanyang pamumuo at maghatid ng isang dagok sa Isin, binihag ni Gungunum ang siyudad ng Ur. Dahil ang rehiyon ng Larsa ang pangunahing sentro ng kalakalan sa pamamagitan ng Golpong Persiko (Persian Gulf), nawalan ng rutang pangkalakalan ang Isin gayundin bilang isang siyudad ng higit na kahalagaang pang-kulto. Ang dalawang mga kahalili ni Gungunum na sina Abisare (ca. 1841 BCE - 1830 BCE) at Sumuel (ca. 1830 BCE - 1801 BCE) ay parehong kumuha ng mga hakban na buong puputol sa paglapit ng Isin sa mga kanal. Pagkatapos nito, ang Isin ay biglang nawalan ng pwersang pampolitika at pang-ekonomiya. Ang Larsa ay naging makapangyarihan ngunit hindi nagtamo ng isang malaking teritoryo. Sa tugatog nito sa ilalim ni Haring Rim-Sin I (ca. 1758 BCE- 1699 BCE), ang Larsa ay kumontrol lamang ng mga 10 hanggang 15 ibang mga estado-siyudad. Gayunpaman, ang malalaking mga proyektong gusali at pang-agrikultura ay natukoy ng arkeolohiya. Pagkatapos ng pagkatalo ni Rim-Sin I ni Hamurabi ng Babilonia, ang Larsa ay naging isang maliit na lugar bagaman iminungkahing ito ang tahanan ng Unang Dinastiyang Seland ng Babilonia.[4]
Mga hari ng Larsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinuno | Petsa ng paghahari (maikling kronolohiya) | Mga komento |
---|---|---|
Naplanum | ca. 1961—1940 BCE | kontemporaryo ni Ibbi-Suen ng Ur III |
Emisum | ca. 1940—1912 BCE | |
Samium | ca. 1912—1877 BCE | |
Zabaia | ca. 1877—1868 BCE | anak ni Samium, unang inskripsiyong panghari |
Gungunum | ca. 1868—1841 BC | nagkamit ng kalayaan mula kay Lipit-Eshtar ng Isin |
Abisare | ca. 1841—1830 BCE | |
Sumuel | ca. 1830—1801 BCE | |
Nur-Adad | ca. 1801—1785 BCE | kontemporaryo ni Sumu-la-El ng Babylon |
Sin-Iddinam | ca. 1785—1778 BCE | anak ni Nur-Adad |
Sin-Eribam | ca. 1778—1776 BCE | |
Sin-Iqisham | ca. 1776—1771 BCE | kontemporaryo ni Zambiya ng Isin, anak ni Sin-Eribam |
Silli-Adad | ca. 1771—1770 BCE | |
Warad-Sin | ca. 1770—1758 BCE | posibleng kapwa hari ni Kudur-Mabuk na kanyang ama |
Rim-Sin I | ca. 1758—1699 BCE | kontemporaryo ni Irdanene ng Uruk, tinalo ni Hammurabi ng Babylon, kapatid ni Warad-Sin |
Hammurabi ng Babylon | ca. 1699—1686 BCE | Opisyal na pamumunong Babiloniano |
Samsu-iluna ng Babylon | ca. 1686—1678 BCE | Opisyal na pamumunong Babiloniano |
Rim-Sin II | ca. 1678—1674 BCE | Napatay sa paghihimagsik laban sa Babylon |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ ETCSL. The Lament for Nibru Naka-arkibo 2018-02-02 sa Wayback Machine.. Accessed 19 Disyembre 2010.
- ↑ ETCSL. The Temple Hymns Naka-arkibo 2012-03-05 sa Wayback Machine.. Accessed 19 Disyembre 2010.
- ↑ ETCSL. The Sumerian King List Naka-arkibo 2018-03-14 sa Wayback Machine.. Accessed 19 Disyembre 2010.
- ↑ W. G. Lambert, The Home of the First Sealand Dynasty, Journal of Cuneiform Studies, vol. 26, no. 1, pp. 208–210, 1974