Hammurabi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Hammurabi
Hammurabi (standing), depicted as receiving his royal insignia from Shamash (or possibly Marduk). Hammurabi holds his hands over his mouth as a sign of prayer[1] (relief on the upper part of the stele of Hammurabi's code of laws).
Kapanganakan c. 1810 BK
Babilonya
Kamatayan 1750 BK gitnang kronolohiya (kasalukuyang-araw na Jordan at Syria)
(edad c. 60)
Babilonya
Kilala dahil sa Kodigo ni Hammurabi
Pamagat Hari ng Babilonya
Kataga 42 years; c. 1792 – 1750 BC (middle)
Sinundan Sin-Muballit
Kahalili Samsu-iluna
Pananampalataya Relihiyong Babilonyo
Anak Samsu-iluna
Stele ng Kodigo ni Hammurabi na nagpapakita kay Hammurabi na direktang tumatanggap ng mga batas mula sa Diyos na si Shamash.[2] Ang isang pauna sa kodigo ni Hammurabi ay nagsasaad na pinili si Hammurabi ng mga Diyos ng kanyang mga tao upang magdala ng mga batas sa kanila. Louvre Museum, Paris

Si Hammurabi (c. 1810 BK - 1750 BK) ang ikaanim na hari ng Unang Dinastiyang Babilonyo mula 1792 BK hanggang 1750 BK, ayon sa Gitnang Kronolohiya. Sinundan niya ang kanyang amang si Sin-Muballit na nagbitiw dahil sa kanyang humihinang kalusugan. Kanyang pinalawig ang kontrol ng Babilonya sa Mesopotamya sa pamamagitan ng mga kampanyang militar. Si Hammurabi ay kilala para sa Kodigo ni Hammurabi, isa sa mga pinakamaaagang nabubuhay na mga kodigo ng batas sa naitalang kasaysayan. Ang pangalan na Hammurabi ay nanggagaling sa Amoreong termino na ʻAmmurāpi ("ang kamag-anak ay isang manggagamot") mula sa ʻAmmu, ("pang-amang kamag-anak") at Rāpi, ("manggagamot").

Pamamahala at mga pananakop[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Hammurabi ay dating Unang Dinastiyang Amoreong hari ng lungsod-estado ng Babilonya, at nagmana ng kapangyarihan mula sa kanyang amang si Sin-Muballit, noong c. 1792 BK.[3]

Kodigo ni Hammurabi[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Kodigo ni Hammurabi

Si Hammurabi ay mahusay na kilala sa kanyang pagpapakilala ng isang bagong kodigo ng batas na Babilonio na tinatawag na Kodigo ni Hammurabi. Ito ang isa sa mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at isinulat sa isang stela at inilagay sa lugar na pampubliko upang mabasa ng lahat. Ang stela na ito ay kalaunang kinuha ng mga taga-Elam at inalis sa kabisera nitong Susa. Ito ay muling natuklasan noong 1901 at nakalagak ngayon sa Louvre Museum sa Paris. Ito ay naglalaman ng 282 batas na isinulat ng mga skriba sa 12 tableta. Hindi tulad ng mas maagang mga batas, ito ay isinulat sa wikang Akkadian na pang-araw araw na wika ng Babilonya at kaya ay mababasa ng sinumang nakakabasang tao sa siyudad. Sinasabing ang mga kaparusahan nito ay napakabagsik sa mga modernong pamantayan na ang maraming mga kasalanan ay nagreresulta sa kamatayan, pananakit o paggamit ng pilosopiyang "mata sa mata; ngipin sa ngipin". Ang kodigo ni Hammurabi ang isa sa mga pinakamaagang halimbawa ng ideya ng pagpapalagay ng kainosentehan ng nagkasala at ang akusado at nag-akusa ay may pagkakataon na magpakita ng ebidensiya. Ikinatwiran ni David P. Wright na ang mga batas ng Hudaismo o kautusan ni Moises ay gumamit sa kodigo ni Hammurabi bilang iang modelo na gumagaya sa istruktura at nilalaman nito.[4]

Mga depiksyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Dahil sa reputasyon ni Hammurabi bilang tagapagbigay ng batas, siya ay ipinapakita sa mga gusaling pampamahalaan ng Estados Unidos. Siya ang isa sa 23 tagapagbigay ng batas na nasa mga bas-relief ng kamara ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos sa Kapitolyo ng Estados Unidos.[5] Ang isang frieze ni Adolph Weinman na nagpapakita ng "mga dakilang tagapagbigay ng batas sa kasaysayan" na kinabibilangan ni Hammurabi ay nasa pader na timog ng Gusali ng Korte Suprema ng Estados Unidos.[6]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Ancient Iraq by Georges Roux, Chapter 17 The Time of Confusion p. 266
  2. http://www.historians.org/tl/lessonplans/nc/kinard/hammurabi.htm
  3. Van De Mieroop 2005, p. 1
  4. David P. Wright, Inventing God's Law: How the Covenant Code of the Bible Used and Revised the Laws of Hammurabi (Oxford University Press, 2009), page 3 and passim.
  5. "Hammurabi". Architect of the Capitol. http://www.aoc.gov/cc/art/lawgivers/hammurabi.cfm. Hinango noong 2008-05-19. 
  6. "Courtroom Friezes". Supreme Court of the United States. http://www.supremecourt.gov/about/north&southwalls.pdf. Hinango noong 2008-05-19. 
Inunahan ni:
Sin-muballit
Hari ng Babilonya Sinundan ni:
Samsu-iluna