Pumunta sa nilalaman

Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos
116th United States Congress
Coat of arms or logo
Uri
Uri
Mababa na Kapulungan ng United States Congress
Term limits
None
Kasaysayan
Simula ng bagong sesyon
3 Enero 2019 (2019-01-03)
Pinuno
Nancy Pelosi (D)
Simula 3 Enero 2019
Steny Hoyer (D)
Simula 3 Enero 2019
Kevin McCarthy (R)
Simula 3 Enero 2019
Estruktura
Mga puwesto435 voting members
6 non-voting members:
5 delegates
1 resident commissioner
Mga grupong pampolitika
     Democratic (235)
     Republican (198)
     vacant (2)
Haba ng taning
2 years
Halalan
First-past-the-post
Huling halalan
November 6, 2018
Susunod na halalan
November 3, 2020
RedistrictingState legislatures or Redistricting commissions, varies by state
Lugar ng pagpupulong
House of Representatives Chamber
United States Capitol
Washington, D.C., United States
Websayt
house.gov
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
ang Estados Unidos

Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos ang isa sa dalawang mga kapulungan ng Kongreso ng Estados Unidos na isang bikameral na lehislatura. Ito ay kadalasang tinutukoy na ang Kapulungan. Ang ibang kapulungan ang Senado ng Estados Unidos. Ang komposisyon at mga kapangyarihan ay itinatag sa Artikulong Isa ng Saligang Batas ng Estados Unidos. Ang pangunahing kapangyarihan ng Kapulungan ay magpasa ng mga pederal na lehislasyon na umaapekto sa buong bansa bagaman ang mag panukalang batas nito ay dapat ring maipasa sa Senado at karagdagang ayunan o lagdaan ng Pangulo ng Estados Unidos bago maging batas. Ito ay malibang kung ang parehong mga Kapulungan at Senado ay muling nagpasa ng lehislasyon na may isang pananaig sa veto na ikalawang-tatlo ng mayoridad sa bawat kamara. Ang Kapulungan ay may ilang mga eksklusibong kapangyarihan: ang kapangyarihan na magpasimula ng mga panukalang batas ng kita ng buwis[1] hanggang sa pag-iimpeach ng mga opisyal[2] at hanggang sa paghalal ng Pangulo ng Estados Unidos sa kasong walang mayoridad sa Kolehiyong Elektoral ng Estados Unidos.[3]

Ang bawat estado ng Estados Unidos ay kinakatawan sa Kapulungan ng proporsiyonal sa populasyon nito ngunit may karapatan sa hindi bababa sa isang kinatawan. Ang pinakamataong estado na California ay kasalukuyang may 53 kinatawan sa Kapulungan. Ang kabuuang bumubotong mga kinatawan ay itinakda ng batas na 435.[4] Ang bawat kinatawan ay nagsisilbi sa isang terminong dalawang taon. Ang Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos na nangangasiwa sa kamara ay hinahalal ng mga kasapi ng Kapulungan at kaya ay tradisyonal na pinuno ng House Democratic Caucus o House Republican Conference alinmang partido ang may mas maraming kasaping boboto. Ang Kapulungan ay nagpupulong sa katimungang wing ng Kapitoloyo ng Estados Unidos.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Section 7 of Article 1 of the Constitution
  2. Section 2 of Article 1
  3. Article 1, Section 2, and in the 12th Amendment
  4. See Public Law 62-5 of 1911, though Congress has the authority to change that number. The Reapportionment Act of 1929 capped the size of the House at 435.