Pumunta sa nilalaman

Kodigo ni Hammurabi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Code of Hammurabi)
Stele ng Kodigo ni Hammurabi na nagpapakita kay Hammurabi na direktang tumatanggap ng mga batas mula sa Diyos na si Shamash.[1] Ang isang pauna sa kodigo ni Hammurabi ay nagsasaad na pinili si Hammurabi ng mga Diyos ng kanyang mga tao upang magdala ng mga batas sa kanila. Louvre Museum, Paris

Ang Kodigo ni Hammurabi o Code of Hammurabi ay isang batas kodigo na nilikha noong ca  1772 BCE (gitnang kronolohiya) sa sinaunang Babilonya ng ikaanim na hari ng Babilonyang si Hammurabi.[2] Iisa lamang ang halimbawa ng Kodigo ang nananatili at nasagip sa kasalukuyan, na nakaukit sa isang pitong talampakan, apat na pulgada ang habang basalto[3][4] na nasa wikang Akkadiyo na nasa panitik na kuneiporma.

Ang Kodigo ni Hammurabi ang isa sa mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at isinulat sa isang stela at inilagay sa lugar na pampubliko upang mabasa ng lahat. Ang stela na ito ay kalaunang kinuha ng mga taga-Elam at inalis sa kabisera nitong Susa. Ito ay muling natuklasan noong 1901 at nakalagak ngayon sa Louvre Museum sa Paris. Ito ay naglalaman ng 282 batas na isinulat ng mga skriba sa 12 tableta. Hindi tulad ng mas maagang mga batas, ito ay isinulat sa wikang Akkadian na pang-araw araw na wika ng Babilonya at kaya ay mababasa ng sinumang nakakabasang tao sa siyudad. Sinasabing ang mga kaparusahan nito ay napakabagsik sa mga modernong pamantayan na ang maraming mga kasalanan ay nagreresulta sa kamatayan, pananakit o paggamit ng pilosopiyang "mata sa mata". Ang kodigo ni Hammurabi ang isa sa mga pinakamaagang halimbawa ng ideya ng pagpapalagay ng pagiging inosente ng nagkasala at ang akusado at nag-akusa ay may pagkakataon na magpakita ng ebidensiya. Ikinatwiran ni David P. Wright na ang mga batas ng Hudaismo o kautusan ni Moises ay gumamit sa kodigo ni Hammurabi bilang isang modelo na gumagaya sa istruktura at nilalaman nito.[5]

Mga halimbawa ng kodigo ni Hammurabi

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kung ang sinuman ay nagdala ng isang akusasyon ng krimen sa harap ng mga nakatatanda at hindi niya ito napatunayan, siya ay papatayin kung ang inakusa niya ay isang kasalanang may parusang kamatayan.
  • Kung ang sinuman ay nagnakaw ng pag-aari ng isang templo o korte, siya ay papatayin. Ang tumanggap ng ninakaw na bagay mula sa kanya ay papatayin rin.
  • Kung ang sinuman ay nagsasagawa ng marahas na pagnanakaw at nahuli, siya ay papatayin.
  • Kung sinaktan ng anak na lalake ang kanyang ama, ang kanyang mga kamay ay puputulin.
  • Kung binulag ng isang tao ang mata ng isa pang tao, ang kanyang mata ay bubulagin rin.
  • Kung ang isang tao ay bumungi sa isa, siya ay bubungiin rin.
  • Kung binali ng isang tao ang buto ng isa pang tao, ang kanyang buto ay babaliin rin.
  • Kung sinaktan ng isang malayang tao ang katawan ng isa pang malayang tao, siya ay magbabayad ng 10 shekel sa salapi.
  • Kung ang alipin ng isang malayang tao ay nanakit sa katawan ng isang malayang tao, ang kanyang tenga ay puputulin.
  • Kung sinaktan ng isang tao ang katawan na mas mataas sa ranggo sa kanya, siya ay tatanggap ng 60 paghampas sa publiko.
  • Kung sinaktan ng isang tao ang isang malayang babae na nalaglag ang kanyang hindi pa naipanganak na anak, siya ay magbabayad ng 10 shekel sa pagkawala ng anak.
  • Kung ang isang tagapagtayo ng bahay ay nagtayo ng bahay para sa isang tao at hindi ito tamang itinayo at ang bahay ay bumagsak at napatay ang may ari nito, ang gumawa ng bahay ay papatayin.
  • Kung ang sinuman ay nagnakaw ng baka o tupa o isang asno o isang baboy o isang kambing, kung ito ay pag-aari ng isang Diyos o sa korte, ang magnanakaw ay magbabayad ng makatatlumpo nito. Kung ito ay pag-arri ng isang malayang tao ng hari, siya ay magbabayad ng makasampu nito. Kung ang magnanakaw ay walang maibayad, siya ay papatayin.
  • Kung ang isang kapatid na babae ng isang Diyos ay magbukas ng tindahan ng alak, ang babaeng ito ay susunugin hanggang sa kamatayan.
  • Kung ang sinuman ay umupa ng isang baka at ito ay pinatay ng Diyos, ang taong umupa nito ay manunumpa sa Diyos at ituturing na walang sala.
  • Kung ang sinuman ay nagturo ng daliri (manirang puri) sa kapatid na babae ng Diyos o asawang babae ng sinuman at hindi ito mapatunayan, ang taong ito ay dadalhin sa harap ng mga hukom at tatatakan ang kanyang kilay.
  • Kung inilaan ng isang ama ang isang alila ng templo o birhen ng templo sa Diyos at hindi siya nagbigay ng regalo: kung ang ama ay namatay, tatanggapin ng babae ang ikatlo ng bahagi ng anak mula sa pagmamana ng bahay ng kanyang ama at magtatamasa ng isang usuprukto habang siya ay nabubuhay. Ang mga pag-aari ng babae ay kabilang sa kanyang mga kapatid na lalake.
  • Kung ang sinuman ay umupa ng baka at napatay ito sa pamamagitan ng masamang pagtrato o pananakit, babayaran niya ang may ari, baka sa baka.
  • Kung ang isang tao ay bumili ng aliping lalake o babae at bago lumipas ang isang buwan ay nagkaroon ng sakit na benu, kanyang ibabalik ang alipin sa nagbenta at tatanggap ng perang kanyang binayaran.
  • Kung ang sinuman ay nangasiwa sa isang lupain upang bungkalin ito at hindi siya nakapag-ani dito, dapat patunayang wala siyang ginawang trabaho sa lupain at dapat siyang maghatid ng butil gaya ng itinaas ng kanyang kapitbahay sa may ari ng lupain.
  • Kung ang sinuman ay mangasiwa sa isang tigang na lupain upang bungkalin ngunit siya ay tamad at hindi ito ginawang matataniman, kanyang aararuhin ang hindi natanimang lupain sa ikaapat na taon, at bubungkalin at ibabalik ito sa may ari at sa bawat 10 gan, ang 10 gur ng butil ay babayaran.
  • Kung mabigo ang sinuman na bayaran ang utang at ibinenta ang kanyang sarili, kanyang asawa, anak na lalake at anak na babae para sa salapi o ibigay sila sa sapilitang pagtatrabaho: sila ay magtatrabaho ng tatlong taon sa bahay ng taong bumili sa kanila o may ari at sa ikaapat na taon, sila ay palalayain.
  • Kung habang nasa isang dayuhang bansa, ang isang tao ay bumili ng aliping lalake o babae na kabilang sa isa pang tao ng kanyang sariling bansa; kung bumalik siya sa kanyang tahanan at nakilala ito ng may ari ng aliping lalake o babae; kung ang aliping lalake o babae ay katutubo ng bansa, kanyang ibabalik ito nang walang salapi.
  • Kung ang isang lalake ay nag-asawa at hindi siya nagkaanak at ninais ng lalake na mag-asawang muli: kung kanyang kinuha ang ikawalang asawang ito at dinala siya sa kanyang bahay, ang ikalawang asawa ay hindi bibigyan ng pagiging pantay sa kanyang asawa.
  • Kung ang isang lalake ay nagbigay sa kanyang asawa ng isang lupain, hardin at kasulatan nito, kung pagkatapos mamatay ng asawa at ang mga anak na lalake nito ay hindi nagtaas ng pag-aangkin, kung gayon ibibigay ng ina ang lahat sa kanyang mga anak na lalake na kanyang ninais at hindi mag-iiwan ng anuman sa mga kapatid na lalake ng asawa niya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-10. Nakuha noong 2013-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gabriele Bartz, Eberhard König, (Arts and Architecture), Könemann, Köln, (2005), isbn3-8331-1943-8.
  3. Johns, C. H. W., Code of Hammurabia Naka-arkibo 2007-09-21 sa Wayback Machine.
  4. Ang Museo ng Louvre. Near Eastern Antiquities: Mesopotamia, Ang Museo ng Louvre, Setyembre 14, 2007.
  5. David P. Wright, Inventing God's Law: How the Covenant Code of the Bible Used and Revised the Laws of Hammurabi (Oxford University Press, 2009), page 3 and passim.
Wikisource
Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito: