Pumunta sa nilalaman

Iraq

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Irak)
Republika ng Irak
جمهورية العراق
Jomhūrī-ye Īrāq
Watawat ng Irak
Watawat
Eskudo ng Irak
Eskudo
Salawikain: الله أكبر   (Arabe)
"Allahu Akbar"  (transliterasyon)
"Pinakadakila ang Diyos"
Awiting Pambansa: Mawtini  (new)
Ardh Alforatain  (previous)[1]
Location of Irak
KabiseraBaghdad[2]
Pinakamalaking lungsodBaghdad
Wikang opisyalArabe, Kurdo[3], Arameo
Relihiyon
Islam (94%), Kristiyanismo (4–5%), Mandean & Yazidi (<1%)
PamahalaanFederal parliamentary constitutional republic
• President
Abdul Latif Rashid
Mohammed Shia' Al Sudani
LehislaturaCouncil of Representatives
Kalayaan
• mula sa Imperyong Otomano
1 Oktubre 1919
• mula sa United Kingdom
3 Oktubre 1932
Lawak
• Kabuuan
438,317 km2 (169,235 mi kuw) (ika-58)
• Katubigan (%)
1.1
Populasyon
• Pagtataya sa 2006
26,783,383[4] (ika-40)
• Densidad
66/km2 (170.9/mi kuw) (ika-125)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2006
• Kabuuan
$89.8 billion (ika-61)
• Bawat kapita
$2,900 (ika-130)
SalapiDinar ng Iraq (IQD)
Sona ng orasUTC+3 (AST)
• Tag-init (DST)
UTC+4 (ADT)
Kodigong pantelepono964
Internet TLD.iq

Ang Republika ng Irak ay isang bansa sa timog-kanlurang Asya na sinasakop ang sinaunang rehiyon ng Mesopotamia sa pinagsasaniban ng mga ilog Tigris at Euphrates pati na rin ang timog Kurdistan. Hinahanggan ito ng Kuwait at Arabyang Saudi sa timog, Hordan sa kanluran, Siria sa hilagang-kanluran, Turkiya sa hilaga, at Iran (Lalawigan ng Kurdistan) sa silangan. May makitid itong seksiyon ng baybayin sa Umm Qasr sa Golpong Persiko.

Simula noong ika-6 milenyo BC, nagpaunlad ng mga unang lungsod, sibilisasyon, at mga imperyo ang matabang kapatagan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Eufrates ng Irak, na tinutukoy bilang Mesopotamia, kabilang ang Sumerya, Akkadiyo, at Asirya. Kilala bilang duyan ng sibilisasyon, nakita ng Mesopotamia ang paglikha ng mga sistema ng pagsusulat, sipnayan, nabigasyon, pag-uugali ng oras, talaarawan, astrolohiya, gulong, bangka, at kodigo ng batas. Matapos ang pananakop ng mga Muslim sa Mesopotamya, naging kabisera ng Abbasid Caliphate ang Baghdad sa kasagsagan ng Islamic Golden Age. Matapos ang pagguho ng lungsod noong 1258 dulot ng mga Mongol, humarap ang rehiyon sa mahabang pagdalisdis dahil sa mga salot at sunud-sunod na imperyo. Bukod pa rito, nagtataglay ng relihiyosong kahalagahan ang Irak sa Kristiyanismo, Hudaismo, Yazidismo, at Mandaeismo. Ito ay may malalim na kasaysayan sa Bibliya.

Mayroong ilang mga iminungkahing pinagmulan para sa pangalan ng bansa. Ang isa ay nagmula sa lungsod ng Uruk ng Sumerya at sa gayon ay may pinagmulang Sumeryo.[5] Ang isa pang posibleng etimolohiya para sa pangalan ay mula sa Gitnang Persikong salitang erāg, na nangangahulugang "mababang lupain".[6] Isa namang katutubong etimolohiyang Arabe para sa pangalan ay ang salitang araqa na nangangahulugang "mayabong, malalim ang ugat; natubigan ng mabuti".[7]

Mayroon isang rehiyon sa Gitnang Kapanahunan na kung tawagin ay ʿIrāq ʿArabī ("Arabian Iraq") para sa Mababang Mesopotamya at ʿIrāq ʿAjamī ("Persian Iraq") para sa rehiyong kasalukuyang nakalagay sa gitna at kanlurang Iran. Sa kasaysayan, kasama ang kapatagan sa timog ng Kabundukan ng Hamrin at hindi kasama ang pinakahilagang at pinakakanlurang bahagi ng kasalukuyang teritoryo ng Irak.[8] Bago ang kalagitnaan ng ika-19 na dantaon, karaniwang ginagamit ang terminong Eyraca Arabica upang ilarawan ang Irak.[9] Ang terminong Sawad ay ginamit din noong unang panahon ng Islam para sa rehiyon ng pampamulatan ng ilog Tigris at Eufrates.

Bilang isang salitang Arabe, ang ibig sabihin ng عراق ʿirāq ay "lupi", "baybayin", "bangko", o "bingit", kaya't nagkaroon ng kahulugan ang pangalan sa pamamagitan ng katutubong etimolohiya bilang "ang bangin", tulad ng sa timog at silangan ng Talampas ng Jazira, na bumubuo sa hilaga at kanlurang gilid ng lugar ng "al-Iraq arabi".[10]

Nang itinatag ng mga Briton ang haring Hashemite noong 23 Agosto 1921 na si Faisal I ng Irak, ang opisyal na Ingles na pangalan ng bansa ay binago mula sa Mesopotamia tungo sa salitang endonomo na Iraq.[11] Mula noong Enero 1992, ang opisyal na pangalan ng estado ay "Republika ng Iraq" (Jumhūriyyat al-ʿIrāq), na muling pinagtibay ng Saligang Batas 2005.[12][13]

Mga teritoryong pampangasiwaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

    Mga sanggunian

    [baguhin | baguhin ang wikitext]
    1. Ginamit ng mga Kurd ang Ey Reqîb
    2. Arbil ang kabisera ng Iraqi Kurdistan.
    3. Ang Arabic at Kurdish ang mga opisyal na wika ng pamahalaang Iraqi. Ayon sa Artikulo 4, Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng Iraq, ang mga Wikang Assyrian (Syriac) (isang diyalekto ng Arameo) at Iraqi Turkmen (isang diyalekto ng Timog Aseri) ay opisyal sa mga pook kung saan mas marami ang bilang ng tagapagsalita nito.
    4. "CIA World Factbook". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-24. Nakuha noong 2007-08-12.
    5. Halloran, John A. (2000). "Sumerian Lexicon". The name of the very ancient city of URUK- City of Gilgamesh is made up from the UR-city and UK- thought to mean existence (a-ku, a-Ki & a-ko. The Aramaic and Arabic root of IRQ and URQ denotes rivers or tributaries at the same times referring to condensation (of water).
    6. Wilhelm Eilers (1983). "Iran and Mesopotamia". In E. Yarshater, The Cambridge History of Iran, vol. 3, Cambridge: Cambridge University Press.
    7. "often said to be from Arabic araqa, covering notions such as "perspiring, deeply rooted, well-watered", which may reflect the impression the lush river-land made on desert Arabs. etymonline.com; see also "Rassam, Suha (31 October 2005). Christianity in Iraq: Its Origins and Development to the Present Day. Gracewing Publishing. p. 9. ISBN 978-0-85244-633-1.
    8. Magnus Thorkell Bernhardsson (2005). Reclaiming a Plundered Past: Archaeology And Nation Building in Modern Iraq. University of Texas Press. p. 97. ISBN 978-0-292-70947-8. The term Iraq did not encompass the regions north of the region of Tikrit on the Tigris and near Hīt on the Euphrates.
    9. Salmon, Thomas (1767). A New Geographical and Historical Grammar. Sands, Murray, and Cochran. Nakuha noong 19 Abril 2025.
    10. Boesch, Hans H. (1 Oktubre 1939). "El-'Iraq". Economic Geography. 15 (4): 325–361. doi:10.2307/141771. ISSN 0013-0095. JSTOR 141771.
    11. "How Mesopotamia Became Iraq (and Why It Matters)". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 2 Setyembre 1990. Nakuha noong 20 Abril 2025.
    12. "Iraq, Ministry of Interior – General Directorate for Nationality: Iraqi Constitution (2005)" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4 Marso 2011.
    13. "Refworld | Iraq: Resolution No. 460 of 1991 (Official toponymy)".


    Irak Ang lathalaing ito na tungkol sa Irak ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.