Pumunta sa nilalaman

Wakhare Khety I

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wakhare Khety I sa mga heroglipiko
Nomen
<
X
t
ii
>

Khety
ẖtj(j)
Divine ruler
Prenomen
M23
X1
L2
X1
<
N5V29D28X
t
ii
>

Wakhare-Khety
W3ḥ-k3-Rˁ-htj(j)
Enduring is the Ka of Re, the divine ruler
Turin canon 4/21
<
F32
t
A50U33iG7HASH
>

Khet-Ity
ẖt-jtj
The divine ruler

Si Wakhare Khety I oAkhtoy ang paraon ng Ikasiyam na Dinastiya ng Ehipto na namuno noong ca. 2150 BCE noong Unang pagitang panahon. Ang kanyang pangalan ay pinatutunayan sa kanon na Turin. Si Wakhare-Khety I ang maaaring tagapagtatag ng Ikasiyam na Dinastiya ng Ehipto. Kung gayon, siya ay mauugnay kay Achtoes na tagapagtata ng dinastiyang ito ayon kay Manetho. Isinaad ni Manetho na si Achtoes ay isang baliw at malupit na pinuno na namatay na kinain ng buwaya.[1] Ang isang kabaong ng ika-12 dianstiya na sinulatan ng mga Tekstong Kabaong na may pangalanang Wakhare Khety ay natagpuan sa Deir el-Bersha. Hindi alam kung ang mga tekstong ito ay orihinal na isinulat para kay Wakhare Khety o simpleng kalaunang kinopya mula sa mas maagang sanggunian. Kung si Khety I ang tunay na tagapagtatag ng ikasiyam na dinastiya, maaaring siya ang prinsipeng Herakleopolitano na nakinabang sa kahinaan ng mga pinunong Memphite ng Ikawalong dinastiya upang sunggaban ang trono ng Gitnat at Mababang Ehipto. Ang hipotesis na ito ay sinusuportahan ng mga kontemporaryong inskripsiyon na tumutukoy sa hilagaang kahariang Herakleopolitano bilang "bahay ni Khety" .[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. James Henry Breasted, Ph.D., A History of the Ancient Egyptians (New York: Charles Scribner’s Sons, 1923), 134.
  2. Stephan Seidlmayer, Ian Shaw (edit) The Oxford History of Ancient Egypt p.128 ISBN 978-0-19-280458-7