Pumunta sa nilalaman

Merhotepre Ini

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Merhotepre Ini ang anak at kahalili sa trono ni Merneferre Ay na paraon ng huling Ikalabingtatlong Dinastiya ng Ehipto. Siya ay naghari ng 2 taon, 3 o 4 na buwan at 9 na araw ayon sa kanon na Turin.[1] Siya ay pinatutunayan sa mga historikal na rekord ng Cairo Juridical Stela. Ang dokumentong ito na may petsang taong 1 ng kalauanng haring Theban na si Nebiryraw I ay naglalaman ng kartang heneaolhikal na nagsasaad na si Ayameru na anak ng vizier na si Aya at ang anak na babae ng hari na si Reditenes ay hinirang na Gobernador sa Taong 1 ni Merhotepre Ini.[2] Ang dahilan ng pagkakahirang na ito ay sanhi ng hindi inaasahang kamatayan ng walang anak na gobernador ng El-Kab na si Aya-junior na Vizier ng matandang Aya at mas matandang kapatid na lalake ni Ayameru. [3] Ang Cairo Juridical Stela ay nagtatala ng pagbebenta ng opisina ng gobernador sa isang Sobeknakht. Ang Sobeknakht ang ama ng kilalang gobernador na si Sobeknakht II na nagtayo ng isa sa pinakamayaman sa dekorasyong mga libingan sa El-Kab noong Ikalawang Pagitang Panahon ng Ehipto. [4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kim Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period c.1800-1550 B.C." Museum Tuscalanum Press, 1997. p.192 (ISBN 87-7289-421-0)
  2. Chris Bennett, A Genealogical Chronology of the Seventeenth Dynasty, JARCE 39 (2002), pp.124-125
  3. Bennett, p.124
  4. Tomb Reveals Ancient Egypt's Humiliating Secret