Pumunta sa nilalaman

Memphis, Ehipto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol ito sa sinaunang kabisera ng Ehipto. Para sa modernong lungsod na nasa Estados Unidos, pumunta sa Memphis, Tennessee.

Ang Memphis (Arabe: منف‎; Griyego: Μέμφις) ay ang sinaunang kabisera ng Aneb-Hetch, ang unang nome ng Pang-ibabang Ehipto. Ang mga guho nito ay nasa malapit sa bayan ng Mit Rahina, sa timog ng Cairo.

Ayon sa alamat na isinalaysay ni Manetho, ang lungsod ay itinatag ng paraon na si Menes noong humigit-kumulang sa 3000 BK. Bilang kabisera ng Ehipto noong panahon ng Matandang Kaharian, nanatili ito bilang isang mahalagang lungsod sa kahabaan ng sinaunang kasaysayan ng Mediteraneo.[1][2][3] Inokupahan nito ang isang maestratehiyang posisyon sa bibig ng delta ng Nilo, at naging tirahan ng maalab na mga gawain. Ang pangunahing puwerto nitong Peru-nefer, na kumanlong sa isang malaking dami ng mga pagawaan, mga pabrika, at mga bodega na nagpapamudmod ng mga pagkain at mga kalakal sa kahabaan ng sinaunang kaharian. Noong ginintuang panahon nito, ang Memphis ay lumago bilang ilang sentrong pangrehiiyon para sa komersiyo, pangangalakal, at relihiyon.

Pinaniniwalaan na ang Memphis ay nasa ilalim ng proteksiyon ng diyos na si Ptah, ang patron ng mga manggagawang may kasanayan. Ang dakilang templo nitong Hut-ka-Ptah (na nangangahulugang "Kulong na lugar ng ka ni Ptah"), ay isa sa pinaka lantad na mga kayarian na nasa loob ng lungsod. Ang pangalan ng templong ito, na isinusulat sa wikang Griyego bilang Aί γυ πτoς (Ai-gy-ptos) ng manunulat ng kasaysayan na si Manetho, ay pinaniniwalaang pinagmulang pang-etimolohiya ng modernong pangalang Ehipto.

Ang kasaysayan ng Memphis ay malapit na may kaugnayan sa kasaysayan ng bansang Ehipto mismo. Ang dumating na pagbagsak nito ay pinaniniwalaang dahil sa pagkawala ng kahalagahang pangkabuhayan o pang-ekonomiya nito noong hulihan ng antikwidad, kasunod ng pagbangon ng nasa dalampasigang Alexandria. Ang kahalagahan nitong panrelihiyon ay nabawasan din pagkaraan ng pag-iwan sa sinaunang relihiyon kasunod ng Edikto ng Thessalonica.

Sa kasalukuyan, ang mga guho ng dating kabiserang Memphis ay nag-aalok ng pira-pirasong mga katibayan hinggil sa nakaraan nito. Napanatili ang mga ito, kasama ang silid-silid na piramide ng Giza, bilang isang Pamanang Pook sa Mundo magmula pa noong 1979. Ang pook ay bukas sa publiko bilang isang museong bukas at nasa panlabas na kapaligiran.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bard, Encyclopedia of the Archaeology of Ancient Egypt, p. 694.
  2. Meskell, Lynn (2002). Private Life in New Kingdom Egypt. Princeton University Press, p.34
  3. Shaw, Ian (2003). The Oxford History of Ancient Egypt. Oxford University Press, p.279


HeograpiyaEhipto Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Ehipto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.