Pumunta sa nilalaman

Humuhugong na bubuyog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Bombus
Babaeng Bombus terrestris na kumukuha ng nektar.
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Tribo:
Bombini
Sari:
Bombus

Latreille, 1802
Mga uri

Mahigit sa 250 mga uri at kabahaging uring nasa 15 kabahaging mga sari.

Ang humuhugong na bubuyog o umuugong na bubuyog (Ingles: bumblebee o bumble bee, nangangahulugan ang bumble, bigkas: /bam-bol/, na "humuhugong"[1]) ay ang anumang kasaping bubuyog na nasa saring Bombus, na nasa pamilyang Apidae. Mayroong mahigit sa 250 nakikilalang mga uri, na pangunahing umiiral sa Hilagang Hemispero.

Makalipunang mga kulisap ang mga bubuyog na humuhugong o bubuyog na umuugong na natatangi dahil sa mga guhit na itim at dilaw na nasa buhok ng kanilang mga katawan, bagaman mayroon ding mga uri may narangha o pula sa ibabaw ng kanilang mga katawan, o maaaring kabuoang itim lamang.[2] Isa pang kapunapunang katangian (ngunit hindi natatangi) ang malambot na buhok (mahabang may sangang setae), o himulmol, na tumatakip sa buong katawan, na nakapagpapalitaw at nakapagpapadamang parang kalat-kalat na mga hibla. Pinakamaitatangi ang mga humuhugong na bubuyog mula sa katulad na malalaki at mabalahibong mga bubuyog sa pamamagitan ng anyo ng panliko na hita ng babaeng bubuyog na humuhugong, na mayroong basket ng polen o korbikula; ginagamit ang isang makintab na kapatagang hubad, ngunit napapaligiran ng lamuymoy ng mga buhok upang mailipat ang mga polen (dulo ng bulaklak); sa katulad na mga bubuyog, mabuhok ang kabuoan ng hitang panlikod, at kumakalang ang mga grano o butil ng polen paloob sa mga buhok upang madala.

Katulad ng kanilang mga kamag-anak na bubuyog na pukyutan, kumakain ng nektar ang mga humuhugong na bubuyog at naghahakot ng mga polen upang mapakain sa kanilang mga anak.

Di tulad ng pukyutan, hindi gumagawa ang humuhugong na bubuyog mismo ng pugad, pero ang reyna, paghanap ng bagay na lugar, ay gagamit ng isang butas na umiiral na.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Bumble, humuhugong - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Williams PH. 2007. The distribution of bumblebee colour patterns world-wide: possible significance for thermoregulation, crypsis, and warning mimicry. Biological Journal of the Linnean Society 92: 97-118". Nakuha noong 2007-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kulisap Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.