Aguhon (panturo)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang payak na tuyo at mabatobalaning naibubulsang aguhon o kumpas.
Para sa ibang gamit, tingnan ang Aguhon (paglilinaw).

Ang aguhon[1][2] o kumpas[1] ay isang kagamitang kapakipakinabang sa pagtuturo ng direksiyon o patutunguhan, partikular na kung naglilibot (pangnabigasyon) sa mga karagatan at mga disyerto, o iba pang mga pook na may kakaunting mga palatandaang pook. Tinatawag din itong mabatobalaning aguhon, magnetikong kumpas, o aguhon ng mandaragat, mga uri ng panligid.[3] Tinitiyak ng aguhon ang kapupuntahan ng isang tao na may kaugnayan sa mga mabatobalani o magnetikong polo ng daigdig. Binubuo ito ng isang magnetikong tagapagturo o aguha[2] (ginagamit ding pantawag sa karayom ng orasan o relo; pero hindi ito ang aguhilya[2] na isang pang-ipit ng buhok), isang umiikot o gumagalaw na karayom na karaniwang nakatanda para sa Hilaga - o sa Magnetikong Hilagang Polo, sa mahigpit na pananalita - at malayang nakahahanay sa mabatobalaning kalatagan ng daigdig. Naimbento ng sinaunang mga Intsik ang unang aguhon noong panahon ng Dinastiyang Han, na isang bagay na mistulang malaking kutsara na yari sa bato (ore) ng magnetito (magnetite o inang-bato ng bakal[1]) na nakalapat sa isang parisukat na platong tansong-pula.[4]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L.. "Compass, aguhon, kumpas; magnetite". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Aguhon; aguha; aguhilya". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 19.
  3. Blake, Matthew. (2008). "Aguhon (panturo)". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
  4. Sinaunang mga imbensiyon, Smith.edu (Ingles)